DAY 12

4.5K 164 8
                                    


SEQUENCE 52
DAY/INT Room

Magigising si Maine sa katok sa kanyang kwarto. Bubuksan nya ito at magugulat dahil si Alden ang mapagbubuksan ng pinto. Isasara nya ito agad.

ALDEN: good morning! (Magsasalita sa nakapagitang pinto), ano ba naman yan, para tayong ALDUB ah, may nakapagitan na plywood hahahah! Sorry for dusturbing you, baka lang gusto mo akong sabayang mag almusal.

MAINE: Good morning din. Can you give me a few minutes to fix myself?

ALDEN: Okay.. see you in ten minutes?

MAINE: Yes please.. thank you..

SEQUENCE 53
DAY/INT Dining room

Papasok si Maine sa komedor.. Maabutan niyang nakaupo si Alden.

ALDEN: Finally...

MAINE: Sorry napag antay kita,napasarap kasi ang tulog ko.

ALDEN: It's okay. (Tatayo siya at ipaghihila ng upuan si Maine)

MAINE: Thanks.. Gentleman ka din pala..

ALDEN: Ikaw lang naman eh, napakasama ng tingin mo sa akin, lovable, charming at napakabait ko kayang tao.

MAINE: Wait lang mister, gentleman lang ang sinabi ko, parang sumobra ka naman ata..

ALDEN: ah wala ka bang sinabing ganun? Hahahaha!

At magsisimula na nga silang mag almusal.

ALDEN: Oo nga pala Maine, baka gusto mo sumama sa akin ngayon.

MAINE: Bakit? San ka ba pupunta?

ALDEN: Mamasyal.. sa bayan, ililibot kita sa probinsya namin. Baka mamaya nyan isumbong mo pa ako kay Tin na hindi ka man lang in-entertain.

MAINE: Pasensya ka na ha,wala ako sa mood mamasyal ngayon eh. Gusto ko lang magbasa..

ALDEN: Magbasa? Wow tara sabay tayong magbasa! Swimming tayo!!

MAINE: Hay naku, puro ka talaga kalokohan.

ALDEN: Seriously, are you sure okay lang talaga sayo maiwan dito at magbasa, Im planning to go out kasi to meet my old friends.

MAINE: Go ahead,really... its fine with me.. I can manage.

ALDEN: Pero promise sa Saturday, hindi talaga ako papayag na hindi ka sumama. Bukas kasi I need to go to Manila, may naka sched lang akong appointment, sat morning na ang balik ko.

MAINE: Yes its okay.. Dont worry about me. And you will give me a big favor kung medyo wag mo muna ako kukulitin. Gusto ko lang sana na mapag isa at makapag isip.

ALDEN: Ang sungit naman nito..

SEQUENCE 54
DAY/EXT

Ipaparada ni Alden ang motor sa tapat ng bahay ng kababatang si Wally.

WALLY: Pre!! Long time no see!! Grabe ka, akala ko nakalimutan mo na kami.. Nagtatampo na ako sayo.

ALDEN: Gago! Naging sobrang busy lang talaga ako. Asan ba ang tropa,tara nomo tayo!

WALLY: Hahaha! Sige pre. Teka lang nagkita na ba kayo ni Kriz?

ALDEN: Kriz?

WALLY: Kriz pare, yung ex mong si Marie, nagpalit ng pangalan pag uwi galing japan!! Hahahha, Yung naka-devirginize syo!!

ALDEN: Tangna mo!! Hahhaha

WALLY: Pre hayop pa din sa sexy!! Tapos lalong gumanda, balita ko divorced na sa asawang hapon.

ALDEN: Pre gago ka!! Tapos na kami ni Marie. Nung pinili nya yung pansarili nyang pangarap kesa sa pangarap naming dalawa kinalimutan ko na sya.

WALLY: Teka lang pre, wala pa tayong nomo, sumisenti ka na.. Relax lang pre. Pero eto pinapauna ko na sayo, kasi ang sinasabi ng mga kaibigan nyang si Kriz na hanggang ngayon hindi mo pa daw nakakalimutan ang kaibigan nila kaya iniiwasan mong umuwi dito sa atin.

ALDEN: Para silang mga tanga.. hindi ba nila alam ang salitang move on... hahahah natatawa ako sa kanila.

WALLY: Pre hayaan mo na sila.. Inom na lang tayo tol...

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon