DAY 31-B

3.6K 171 21
                                    

Kapit lang ha...

Salamat nga pala for the encouraging words sa mga comment nyo.... nata-tats ako promise...

Vote and comment pa more please, paki recommend na rin kung hindi nakakahiya... please... 😆😆😆

SEQUENCE 271
NIGHT/EXT Road

Nagdrive lang ng nagdrive si Alden nang walang tiyak na pupuntahan... masyado syang nasaktan sa nakitang tagpo kanina... Hindi na nya napansin na papagabi na pala.

ALDEN: Beb.... wala na bang pag asa? Bakit ganun? Ang bilis naman... alam ko malaki ang kasalanan ko sa yo, pero bakit naman ganun... agad agad napalitan mo na ako...

Nang may madaanan na bar, huminto sya dun at nagpark agad... maya maya pumasok na sya at tinawagan din ang kaibigang si Joey.

SEQUENCE 272
NIGHT/INT Mall

Samantala naisipan ni Meng na libangin ang sarili kaya mag isa siyang namasyal sa mall...

Magriring ang cellphone nya kaya sasagutin nya ito.

MAINE: Hi Tin! Batangas ka na?

TIN: Hay naku hindi pa, mga one week pa siguro.. kainis nga... nagka aberya kasi...

MAINE: Sayang naman... pero one week na lang naman eh... sandali na lang yun..

TIN: Oo nga... Ay oo nga pala Meng, kaya pala ako tumawag sa yo kasi hindi ko ma contact si kuya... magkasama ba kayo?

MAINE: Kuya mo? Naku hindi eh... nandito kasi ako sa mall ngayon...

TIN: Nasan kaya yun? Kinukulit na kasi sya nina Dad regarding sa business.. Magpakasal na nga lang kayo para dun kayo mag stay sa Batangas..

MAINE: Ganun?

TIN: Joke lang! Hahahha! Pero kung pwede naman why not...

MAINE: Sira ka talaga....

TIN: Babush na talaga.. pakisabi na lang kay kuya hina-hunting ko sya ha...

SEQUENCE 273
NIGHT/INT Bar

Kasama na ni Alden si Joey at ngayon nga ay ayaw syang tantanan ng sermon nito.

JOEY: Tigas talaga ng ulo mo, tangna mo pre, ang sabi ko sa yo ayusin mo buhay mo, ano to? Nasan ka ngayon? Alak na naman?!

ALDEN: Pagbigyan mo na ako... ang sakit ng nakita ko eh...

JOEY: Ano bang nakita mo?

ALDEN: Pumunta ako kina Meng kanina, kakausapin ko sana, pero tangna pre. Naabutan ko kayakap ng gagong Uno na yun...

JOEY: So anong ginawa mo? Wait hulaan ko... nakigaya ka dun sa mga characters sa pelikula... nag assume ka na agad.... Pagkakita mo, umalis ka na agad ng hindi kinakausap si Meng kasi nasaktan ka dahil nga may kayakap siya..

Hindi sasagot si Alden..

JOEY: Gago ka pala talaga eh... Pre sa tingin mo ganun ganun lang?! Ganun lang ba talaga kaliit ang tingin mo kay Meng para maisip nya na palitan ka kaagad... ng ganun kabilis?

ALDEN: Si Uno yun!!

JOEY: Kahit pa si Dos yun o si Tres, mali pa rin ang ginawa mo.. Umayos ka nga... Tuwirin mo nga yang utak mo.. Linisin mo yang agiw sa utak mo... Nag iisip ka ba?
Ginagamit mo pa ba yang utak mo?! Aba kung hindi na, ibenta na lang natin yan sa OLX.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon