DAY 29-C

3.4K 139 36
                                    

Namiss kong mag update ng mag update dito....

Sana .... sana..... maenjoy nyo ito....

Kapit lang....


SEQUENCE 253
NIGHT/INT Car
Walang ibang maririnig sa loob ng kotse ni Uno kung hindi ang
tahimik na pag iyak ni Meng habang panay ang sulyap sa kanya ng katabing si Uno. Maya maya may panyong iaabot sa kanya ito. Agad niyang aabutin iyon.

MAINE: Salamat

Titingnan nya si Uno na ngayon eh nakangiti sa kanya.

UNO: So where to?

MAINE: Kahit saan huwag lang sa bahay... please ayokong makita ako nina mommy ng ganito.

UNO: Sabi mo yan ha...


SEQUENCE 254
NIGHT/INT Alden's condo

Hindi pa rin pinapansin ni Alden ang dugong patuloy na umaagos sa kamay niya.

Pinagsisipa niya ang bawat bagay na matamaan ng paa niya.

ALDEN: Fuck!! Fuck!!! You messed it again!! Gago ka talaga!!! Wala ka nang karapatang lumigaya gago ka kasi!!! Tangna!!! Sira ulo ka!!! tapos ngayon magsisisi ka?! Gago ka talaga! Tangna!!!

Naglakad siya papunta sa kanyang mini bar at ininom ang unang bote ng alak na nadampot niya.

SEQUENCE 255
NIGHT/EXT Cloud 9

Hininto ni Uno ang sasakyan. Inalalayan niya palabas si Meng ng kotse.

Pagbaba ng kotse, nilingon ni Meng ang paligid. Tinanaw ang city lights na kitang kita mula sa kinaroroonan nila.

UNO: Dito ka umiyak, kahit gaano pa kalakas yan, kahit tumulo pa ang sipon mo walang papansin sayo, walang makakakita sa iyo kundi ako.

Mayamaya umihip ang malamig na hangin kaya naman napayakap sa sarili niya si Meng.

Napansin naman ni Uno ang ginawa ni Meng kung kaya't hinubad niya ang suot na jacket at ipinatong ito sa balikat ni Meng.

Nilingon ni Meng ang nakangiting mukha ni Uno.

Inalalayan ni Uno si Meng na makaupo sa hood ng kotse nya.

MAINE: Salamat.

UNO: Hmmm... so what happened? Care to tell me? Pero kung hindi okay lang..

Iiyak namang muli si Meng...

UNO: Sabi ko nga Uno huwag ka na kasing magtanong!

MAINE: Tell me Uno, ganyan ba talaga kayong mga lalaki?

UNO: Ganitong paano?

MAINE: Ganyan, maliit ang tingin sa aming mga babae. Manloloko?

UNO: Wow na generalize agad agad! Sakit non ah..

MAINE: Sorry.. pero ka-

UNO: Sinaktan ka na naman ba niya? Ano na naman ngayon this time?

MAINE: akala ko mahal nya ako talaga... naniwala na naman ako eh.. akala ko totoo na talaga this time... pero sa kanya na mismo nanggaling eh... ang liit liit ng tingin nya sa akin...

UNO: Baka naman namis interpret mo lang sya..

Umiling iling si Meng.

UNO: Ano ba talaga ang nangyari?

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon