DAY 11-B

4.3K 177 7
                                        


SEQUENCE 45
DAY/EXT Talyer

Ihahatid ni Tutoy si Maine sa talyer, mapapansin nyang halos walang tao, papasok sya sa loob at makikita ang lalaking nakatalikod na tila naghahangin ng gulong ng motor.

MAINE: Magandang araw po! Naghahanap po ako ng mekaniko.

Unti'unting haharap ang lalaki na walang iba kundi si Alden, parehong silang magugulat dahil maaalala ang isa't isa.

MAINE AT ALDEN: Ikaw?!!

Si Alden ang unang makakabawi sa pagkagulat.

ALDEN: Uy si miss sungit pala..

MAINE: (pabulong) Lord, ano bang parusa to?

ALDEN: may sinasabi ka miss?

MAINE: Wala, I'm looking for a mechanic. And excuse me! masungit lang ako sa taong adelantado!!

ALDEN: aba miss sungit, ano bang ginawa ko para tawagin mo akong adelantado?

MAINE: Ah basta! Ikaw ba ang mekaniko dito?

ALDEN: Hindi, bakit nasiraan ba auto mo?

MAINE: (sarcastic tone) ay hindi! Kaya nga naghahanap ako ng mekaniko eh.

ALDEN: Mukhang malayo pa ang pupuntahan mo ah, gusto mo sakyan mo na lang ako,ay este, sumakay ka sa akin ( sabay kindat)

MAINE: Bastos ka talaga!!

ALDEN: Aba miss sungit nagmamagandang loob lang ako, ikaw itong ibang iniisip eh, pero kung type mo,mapag uusapan naman yan.. hahahahah!

Mapapansin ni Alden na namumula na si Meng sa inis.

ALDEN: Miss chill lang.. I'm just joking! Wag mong sabayan ang init ng panahon.

MAINE: hindi ako nakikipagbiruan. Just please tell me where the mechanic is. At lumayo ka na sa akin... please.....!!!!

ALDEN: If you say so.. (pasigaw) Mang Temy,may magandang dilag na naghahanap sa inyo!

lalabas pagkaraan ang matandang lalaki na si Mang TEMYONG

MANG TEMYONG: Utoy ano gang nadinig kong ingay dine?

ALDEN: may naghahanap po sa inyo, nasiraan ata.

MAINE: Magandang umaga po. Kayo po ba ang mekaniko dito?

MANG TEMYONG: ay ako nga ineng...

Sasabat si Alden

ALDEN: mang Tems mauuna na po ako, salamat po sa pabomba..

MANG TEMYONG: walang anuman utoy. Bumalik ka sa ibang araw ng makapagkwentuhan naman tayo.

ALDEN: Sige Mang Tems... (sasakay na sya sa motor, pero bago patakbuhin, babaling kay Maine) bye miss sungit.

MAINE: hmmmppp!!

MANG TEMYONG: Nasaan ga ang awto mo ineng?

MAINE: Ay andun po sa tapat ng tindahan..

SEQUENCE 46-A1
DAY/EXT Road

Habang pinapatakbo ni Alden ang motor, ngiting ngiti siya, natutuwa siyang nagkita silang muli ng babaeng mukhang anghel.

ALDEN: Napakagandang araw! Akalain mong dito pa pala kami magkikita? Hmmmmnnnn... Makita ko kaya sya ulit...? Sana makita ko sya ulit, promise hindi ko na sya aasarin.

SEQUENCE 46-B1
DAY/EXT Road

Habang iniinspeksyon ni Mang Temyong ang sasakyan ni Maine, mapapangiti siya, maaalala ang lalaking nakitang muli.. Pagkaraan, magriring uli ang cellphone nya.

MAINE: kuya

PAO: Meng anong nangyari? Nasan ka na ba?

MAINE: kuya relax.. Im okay, may nakalas na something lang daw sa car, ewan ko kung ano, pero dont worry inaayos na ng mekaniko..

SEQUENCE 46 A2
DAY/EXT GARAGE
igagarahe muna ni Alden ang motor at haharapin ang kotseng puno ng putik.. hihilahin ang hose na nasa di kalayuan at uumpisahang linisan ang sasakyan.

ALDEN: Grabe naman ang init! Pa-march pa lang ah. ( at huhubarin ang suot na t-shirt).

SEQUENCE 46-B2
DAY/EXT ROAD
patuloy pa ding kausap ni Meng si Pao sa cellphone.

MAINE: Kuya okay nga lang ako, tsaka malapit na din naman talaga ako sa bahay nina Tin.

PAO: Basta tatawag ka kapag may problema dyan ha.

MAINE: yes kuya, hindi ko maintindihan kung bakit lahat kayo ganyan ang pag aalala sa akin, dati ko na namang ginagawa ito, dont tell me dahil na naman sa break up namin ni James.

PAO: meng..

MAINE: No kuya, okay na ako, at hindi ako suicidal kaya walang sense yung OA nyong pag aalala.. bye na kuya, mukhang okay na yung kotse ko.

SEQUENCE 47
DAY/INT Family room

ISADORA: O ano Pao? Nakarating na ba si Meng sa Batangas?

PAO: Yes mom, at malapit na din daw sya sa bahay nina Tin. Mom, lets just trust Meng, she's strong enough to handle this.
Hayaan na muna natin sya sa diskarte nya.

ISADORA: I understand your point anak pero hindi ko maiwasan ang mag alala. Alam kong sobrang nasaktan sya sa break up nila ni James.

PAO: hay naku yung James na yun,kaya wala akong tiwala dun eversince eh..

ISADORA: kasi naman anak, who would have thought na lolokohin nya ng ganun si Meng, napakabait na bata naman ni James.

PAO: Ay mom, kayo lang ang naloko ng James na yun, kung hindi lang bestfriend ni dad ang papa nun, naku!!! Matagal ko ng pinakulam yun!! Nanggigigil ako sa kanya

ISADORA: Hayaan na natin sya anak.. Ipagdasal na lang natin na maka move on na ang kapatid mo..

PAO: Amen to that mom.

SEQUENCE 48
DAY/EXT gate

Samantala, ipaparada ni Meng ang kotse sa harap ng bahay ng kaibigang si Tin, lalabas sya ng kotse at pipindutin ang doorbell.

Sa loob, busyng busyng naglilinis ng kotse si Alden, mapagtitripang basain na din ang sarili dahil sa init ng panahon..
Maya maya maririnig ang tunog ng doorbell, ititigil ang ginagawa at bubuksan ang gate para lang magulat sa mapagbubuksan.

Si Maine na medyo inip na sa labas ng gate ay biglang magugulat sa bubungad sa kanya matapos magbukas ng gate... Si Alden na gulat ang mukha, walang pang itaas at tumutulo pa ang tubig sa buong katawan.....




My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon