Wala munang mang FO ha.... 😆
Lahat apektado sa last UD ko... saree na.....After ilang araw makalabas ng hospital ni Meng.
SEQUENCE 309
DAY/INT Room (Meng's)Nagkukulong lang sa kwarto nya si Meng, hindi niya gustong lumabas. Parang gusto niyang iwasan ang tingin ng lahat ng tao, mayamaya papasok si Alden.
ALDEN: Beb, good morning!
Hahalikan niya sa sentido si Meng.
ALDEN: sabi ni tita hindi ka pa daw bumababa since paggising mo. Tara breakfast na tayo..
Walang reaksyon si Meng..
ALDEN: Beb, hindi ka pa ba nagugutom? Baba na tayo.. or gusto mo ba dadalhan na lang kita dito ng food?
Iiling lang si Meng.
ALDEN: Beb...... Hindi pwedeng hindi ka kumain, magkakasakit ka nyan...
MAINE: Tama lang siguro sa akin ang magkasakit... kung tutuusin kulang pa yun . Kulang pa sa ginawa ko... sa pagiging careless ko..
ALDEN: Huwag ka naman magsalita ng ganyan.. Huwag naman ganito please..
MAINE: Bakit kailangang mangyari sa akin ito? Bakit kailangang mangyari sa baby natin ito..
Muli, iiyak na naman si Meng.
ALDEN: Beb tama na please... Makakasama sa iyo yang ginagawa mo eh. Mabibinat ka... Halos kalalabas mo pa lang ng hospital. Hindi ka pa nakaka recover ng maayos...
Pero patuloy pa ring iiyak si Meng.
ALDEN: Nandito lang naman ako eh... Hindi kita pababayaan.. I wont leave you..
Magpapatuloy sila sa ganun, si Meng iyak ng iyak habang si Alden ay mahigpit lang na nakayakap kay Meng.
SEQUENCE 310
DAY/INT SalaMagkausap ang mag inang Pao at Isadora.
PAO: Mom hindi pa rin ba bumababa si Meng?
ISADORA: Hindi pa rin eh.. Nag aalala na ako sa kanya. Napakatipid magsalita, feeling ko ayaw niya akong kausapin. Lagi syang nag skip ng pagkain. Kahit si Alden, hindi sya mapilit..
PAO: Hindi din naman kasi biro ang pinagdadaanan ni Meng. She's blaming herself sa nangyari sa baby nila..
ISADORA: Pero alam naman natin na walang may gusto ng nangyari. Nahihirapan na rin ako Pao, ako ang nahihirapan para sa kapatid mo.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
PAO: Mom.....
Mapapansin nila na bababa si Alden.
PAO: Den si Meng?
ALDEN: Nakatulog uli sya eh..
ISADORA: Kamusta na si Meng? Ayaw niya akong kausapin eh..
ALDEN: Iyak pa rin po sya ng iyak tita.. Parang ayaw nyang lumaban, mas gusto nya na magkasakit sya...
ISADORA: Kawawa naman ang baby ko... Den huwag kang magsasawang bisitahin sya ha... Kailangan nya tayo ngayon..
ALDEN: Opo naman tita..
ISADORA: Nagkausap na pala kami ng tito mo. We both decided na mas mabuti siguro Den na dito ka na muna mag stay, since ikaw lang naman lagi ang kinakausap ni Meng. You can use the guestroom.

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...