DAY 11-C

4.6K 187 7
                                    


SEQUENCE 49
DAY/EXT Gate

Parehong magugulat sina Alden at Maine, hindi inaasahang makikita ang isa't isa.. Si Maine ang unang makakabawi pero hindi sya makatingin ng diretso kay Alden dahil sa hitsura ng huli.

MAINE: Sinusundan mo ba talaga ako?

ALDEN: Aba miss, teka lang. Ako ata ang dapat magtanong sayo nyan. FYI bahay ko ito.

MAINE: Bahay mo? Wait... (talks to herself) namali ba ako ng bahay? Naligaw na naman ba ako?

ALDEN: Miss okay ka lang ba? Bakit kinakausap mo ang sarili mo?

MAINE: (pilit kino-compose ang sarili nya, pinipilit hindi madistract sa tanawing nasa harapan nya) Excuse me, dito ba nakatira si Tin? Andyan ba si Tita Pam?

ALDEN: Ah so ikaw pala yung sinasabing bisita ng utol ko. Tingnan mo nga naman.. (ngingiti ngiti)

MAINE: You mean ikaw ang kapatid nya? Akala ko ba wala ka dito? Akala ko naglalagalag ka?

ALDEN: Ouch!! Potpot naman miss?

MAINE: Maine...

ALDEN: I'm Alden at your service madame... Pumasok ka muna sa loob at sobrang init dito.

MAINE: Pansin ko nga (at minsan pa susulyapan ang katawan ni Alden)

Si Alden naman na mapapansin na sulyap ni Maine sa katawan nya ay ngingiti ng pilyo. Tatawagin nya si Manang Gie.

ALDEN: Manang!! Manang, pakiasikaso naman po muna ang bisita natin, medyo nabibilad ako,ay este nabibilad sya, sya pala ang nabibilad sa arawan.

Titingnan ng masama ni Maine si Alden dahil sa sinabi ng huli. Maiiwan namang tumatawa ng malakas si Alden.

SEQUENCE 50
DAY/INT Living Room

Iginigiya ni Mang Gie si Maine paupo sa sofa.

MANANG GIE: Pasensya ka na ga batang yun at may pagka pilyo talaga, pero mabait naman talaga yun..

MAINE: (pabulong) I doubt

MANANG GIE: may sinasabi ka iha? Ano ga ang pangalan mo?

MAINE: Maine po, pero Meng na lang po ang itawag nyo po sa akin.

MANANG GIE: Kagandang pangalan.. Bueno maiwan na muna kita dine at ihahanda ko lang ang almusal mo, pihadong nagutom ka sa biyahe..

MAINE: Salamat po Manang..

Kapagkuwan papasok si Alden na hubad baro pa din, hindi na naman maiiwasan ni Maine na mapatingin dito..

ALDEN: Oppsss bawal na tumingin... tapos na ang viewing time. (Tatawa ng pilyo)

Iirap si Maine.

MAINE: Hmmmpppp! Hitsura naman nito...

Tatawa ng malakas si Alden at mabilisang aakyat papunta sa kwarto nya.
Babalikan ni Manang Gie si Maine.

MANANG GIE: Iha parine na tayo sa komedor para makakain ka, pihadong nagutom ka sa byahe..

MAINE: Salamat po manang at pasensya na din po sa abala..

MANANG GIE: Nakow,wala iyon. Kaligayahan ko ng pagsilbihan ang pamilyang ito pati na ga mga kaibigan nila.

MAINE: Matagal na po kayo dito? (Habang nag uumpisang kumain) kayo po manang? Kain po tayo.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon