Cont...Mabibigla si Maine sa ginawa ni Alden, hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito. Mapapahawak na lang sya sa kanto ng mesa..
Si Alden naman na mararamdaman ang biglang pagbabago sa kilos ni Maine ay aabutin ang mga kamay nitong nakahawak sa mesa at ililipat sa kanyang leeg. Ipagpapatuloy nya ang paghalik sa dalaga but this time medyo gentle na..Palalalimin nya pa ang halik. Patatagalin nya ng ilang sandali pa at saka bibitawan..ALDEN: Tara kain na tayo. Nag appetizer na ako.. (sabay kindat kay Maine)
Pero hindi pa din natitinag si Maine, disoriented pa din sa sa halik sa kanya ni Alden, hindi pa din makapaniwala.. Pero maya maya mangingiti habang hawak ang mga labi.
ALDEN: Maine?! Ano na? Tara na! Kain na tayo "beb"..
MAINE: Ahmmmnnnn medyo busog pa ako... pwede ba magpahinga na lang muna ako? Ang init kasi... (referring to the weather)
ALDEN: (dahil sadyang pilyo) talagang mainit. (Referring to the kiss)... Sige magpahinga ka muna. You can use the room, malinis naman yan. Dito na lang ako sa sala mamaya..
MAINE: Are you sure okay ka lang dito sa sala? Nakakahiya naman..
ALDEN: Hmmmm pero kung type mo, doon tayong dalawa? ano sa tingin mo? (Taas baba ng kilay)
MAINE: Hay naku...
ALDEN: Sige na magpahinga ka na, baka hindi pa ako makapagpigil... gigisingin na lang kita maya maya...
At papasok na nga si Maine sa nag iisang kwarto dun na may ngiti sa mga labi. Habang si Alden ay pasipol sipol pang naghahanda ang pagkain.
SEQUENCE 89
DAY/ EXT garden (maine's house)Ininspeksyon ni Isadora ang kanyang mga alagang halaman, nang lalapit sa kanya ang maid para iabot ang telepono.
ISADORA: Dad.. yes dad? Hindi pa daw alam kung kelan itutuloy yung reunion..... Si Meng? Hindi pa nga tumatawag ngayong araw.. alam mo naman iyong dalaga mo... baka busy lang..... oo dad, tatawagan ko mamaya...
SEQUENCE 90
DAY/INT wally's houseMagkausap sina Wally at LJ.
LJ: Alam mo hindi ko alam kung maaasar ako o magagalit dyan kay Kriz.
WALLY: O bakit naman? Anong ginawa sayo?
LJ: Eh kasi naman kung makahabol sya ngayon kay Den akala mo wala syang kasalanan sa tao. Sya itong tatanga tanga dati eh.
WALLY: Sabagay.. grabe din ang ginawa nya kay Den dati, halos masira ang buhay nung isa.
LJ: kaya nga! Tanga na lang si Alden kung babalikan nya pa si Kriz. Pero maiba ako,girlfriend ba niya yung andun sa bahay nila ngayon?
WALLY: Girlfriend? alam ko wala syang girlfriend ngayon.. yun ang sabi nya sa kin nung dinalaw nya ako dito..
LJ: Hmmmm sino kaya yun?
Ang hindi nila alam, nasa may pinto si Kriz at narinig ang usapan nila..
KRIZ:(pabulong) girlfriend pala ha....
At dahan dahang lalayo si Kriz sa bahay nina Wally.
SEQUENCE 91
DAY/INT beachhousePaglabas ni Maine ng kwarto, makikita niya si Alden na pilit pinagkasya ang sarili sa sofa. Mukhang mahimbing itong natutulog. Tila ba nahihipnotismo, unti unti nyang lalapitan ito. Uupo sya sa malapit na center table at malayang pagmamasdan ang payapang natutulog na si Alden.
MAINE: Maamo naman pala ang mukha mo kapag natutulog. Mukha ka naman palang anghel at hindi pilyo, akalain mo yun.
Si Alden naman na mababaw lang ang tulog ay magigising pero dahil likas na pilyo, magkukunwari pa ring tulog at hihintayin kung anong gagawin ni Maine.
Kukunin ni Maine ang cellphone nya at naisipang kuhaan ng picture si Alden habang tulog. Pilit hinahanap ang tamang anggulo kaya dudukwang sya, pilit babalansihin ang sarili sa pagkakadukwang pero huli na ang lahat. Babagsak sya sa ibabaw ni Alden, sakto ang bibig sa mga labi nito.
Samantalang si Alden na nagkukunwari kunwariang natutulog ay mabibigla sa nangyari, mas lalong nabigla ng may lumanding na malalambot na lips sa kanya.
Mapapahawak sya sa bewang ni Maine kaya lalong mapapasiksik sa kanya ito. Hindi na nya mapipigilan ang sarili kaya hahalikan na nya ito ng tuluyan..
Magagawa nya ding pagpalitin ang pwesto nila kaya si Maine ang mapapailalim sa kanila.Si Maine na nabigla din sa bilis ng pangyayari ay wala ng magagawa kung hindi ang magpatangay sa agos... Hahawak sya sa balikat ni Alden habang patuloy syang hinahalikan nito...... 😆😘
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
Fiksi PenggemarIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...