DAY 38

3.7K 166 7
                                        

Thank you sa pag aabang nyo sa next UD ko, kahit na medyo masakit, nakaabang pa rin kayo...

Huwag magsawa ha... 3-4 chapters na lang itong naughty... Para naman madugtungan ko yung ibang stories ko, medyo natengga na din sila eh... Kapag may extra time kayo, basahin nyo rin ha..

Enjoy!! 😆




AFTER A WEEK

SEQUENCE 313
DAY/INT Swing

Magkatabi lang na nakaupo sina Meng at Alden. Si Alden nakatingin lang kay Meng habang ito naman ay busy sa pagbabasa. Nang hindi makatiis ...

ALDEN: Meng bihis ka, nood naman tayo ng sine.

MAINE: Ayoko...

ALDEN: Kain na lang tayo sa labas.. Hanap tayo ng masarap na churros.

Iiling lang si Meng.

ALDEN: Punta na lang tayo sa park, ipasyal natin si miumiu. Tagal na din siyang hindi nakakapunta sa park di ba? Or di ba nag aaya ka dati sa EK, tara punta na lang tayo dun...

Hindi sasagot si Meng.

ALDEN: Or sa miracle art na lang tayo magpunta. Or kung gusto mo mag Palawan na lang tayo o kaya Bohol.

MAINE: Stop....

Pero hindi pa rin titigil si Alden.

ALDEN: Sa Davao na lang kaya????... Hmmmnnnn san ba maganda? Ay di ba gusto mo nga pala makarating sa Batanes.. What if magpa sched ako, hindi pa rin ako nakarating dun, sabi nila maganda nga daw doon. What do you think?

Pero hindi pa rin sya papansinin ni Meng, kaya naman aagawin niya ang librong binabasa nito.

Si Meng naman na nagulat sa ginawa ni Alden ay hindi mapipigilan na magtaas ng boses.

MAINE: Ano ba?!

ALDEN: Grabe, sigaw agad?

MAINE: Nakita mo nang nagbabasa ako di ba?!

ALDEN: Eh kasi naman hindi mo ako pinapansin, kanina pa ako salita ng salita dito pero parang wala akong kausap.. Para akong nakikipag usap sa hangin. Ang dami dami ko ng pinaplano pero parang ayaw mo naman..

MAINE: Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko?!

ALDEN: Pero Beb hindi pwedeng nakakulong lang tayo dito sa bahay nyo... This is not healthy anymore. Kailangan nating lumabas. Nag aalala na rin sina Tita.. They said we have to go out... Out of town nga daw sana.

MAINE: Sinabi ko bang samahan mo ako dito?! Tsaka ano ba kayo?! Nung panahong nagpapasama ako sa inyong lahat umalis ng bahay, wala kayo. Lahat kayo sinasabing I have to stay at home. Oh eto ako ngayon, nasa bahay lang nagrereklamo pa rin kayo! Hindi ko na kayo maintindhan!

Tatayo si Meng at magsisimulang humakbang palayo kay Alden pero mapipigilan niya ito sa braso.

ALDEN: Beb naman.. Almost 1 month na tayong ganito... Hindi pwedeng ganito na lang... Hindi pwedeng nakakulong lang tayo dito.

MAINE: Wala akong matandaang sinabi ko sa iyong samahan ako dito. Ikaw ang pinagsisiksikan ang sarili mo dito!

Nasaktan si Alden sa mga sinasabi ni Meng sa kanya.

ALDEN: Kaya ako nandito Beb para sa iyo! Kaya ko pinagsisiksikan ang sarili ko dito dahil sa iyo. Tulungan mo naman ang sarili mo, kung nahihirapan ka nahihirapan na rin kami. Hirap na hirap na kasi kaming intindihin ka.. Huwag naman ganito.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon