SEQUENCE 197Pagkatapos mag dinner, napagkatuwaan ng grupo na gumawa ng bonfire at mag inuman palibot dun. In-invite ni Meng si Uno na sumama sa kanila na tinanggap naman nito.
MIGGY: So Uno right?
UNO: Yes...
PAO: Ilang taon ka na at anong work mo?
UNO: 29 na ako, I'm a chef..
MAINE: Kuya pa humble lang yan, remember the resto na kinainan natin sa Singapore last time we wemt there? Sya may ari nun, tapos he owns several restos din in Manila..
PAO: Ah kaya pala nagkasundo kayo agad ni Meng, mahilig ding magluto ng kung anik anik yan..
UNO: Nakwento nya kanina eh.. Sabi ko nga patikimin nya ako ng luto nya one time..
Hindi nila napapansin na kanina pa masama ang tingin sa kanila ni Alden na sunod sunod ang pag inom nito ng beer. Mahahalatang naparami na ang nainom nito dahil pulang pula na ito.Halos maningkit na ang mga mata dahil sa sobrang pagseselos.
MAINE: Naku ha nakakainsecure ipatikim sa iyo ang luto ko, baka mapintasan pa.. Kuya alam mo ba, pinsan nya pala si Sarah, yung classmate ko dati sa assumption.
PAO: Yung nagkacrush sa akin? I remember her.. Nasan na sya ngayon?
UNO: She's in Singapore right now..
PAO: Ahmmm I see
MIGGY: May girlfriend ka na Uno?
Matatawa lang si Uno.
MIGGY: O bakit natawa ka? Wala? Weh?
UNO: Wala nga...
MIGGY: I'm sure may nililigawan ka naman..
UNO: Wala rin sa ngayon, been to busy sa work dati pero ngayon, malay natin baka sakali may liligawan na.
Titingin si Uno kay Meng pagkasabi non habang si Meng naman ay yuyuko na tila ba nahihiya.
Magugulat na lang sila at biglang tatayo mula sa pagkakaupo si Alden at maglalakad palayo sa kanila..
MIGGY: Anyari dun? (Titingin sya kay Meng)
Magkikibit balikat lang si Meng bilang sagot.
SEQUENCE 198
BEACHLalayo si Alden sa grupo. Hindi niya kayang panoorin si Meng na parang ang saya saya kasama ang ibang lalaki.
ALDEN: Meng bakit ganun? Kapag ako ang kasama mo lagi ka na lang galit sa akin... napakalaki ba talaga ng kasalanan ko sayo? Kasalanan ba na mahal na mahal kita?
Uubusin niya ang laman ng beer na hawak saka ibabato ang lata nito.
SEQUENCE 199
BEACH (bonfire)Nagkakantahan na ang grupo, unti unti nang nababawasan ang grupo dahil nagpaalam na ang iba na magpapahinga na..
PAO: Meng, nakailan ka ng beer?
MAINE: Kuya hindi naman ako uminom noh..
UNO: Yeah hindi sya uminom.
PAO: Okay sabi nyo eh... Miggy mabuti pa pumunta na tayo sa cottage natin medyo inaantok na ako..
MAINE: Kuya hindi ba muna natin hahanapin si Alden?
MIGGY: Naku Meng malaki na yun. For all we know baka may kasama na yun ngayon na babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/62979005-288-k781750.jpg)
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...