DAY 18-D

3.8K 160 2
                                    


Cont...

Mukha ng gulat na gulat na si Meng ang bubungad kay Alden sa pagbubukas ng pinto. Pansin nya ang kirot na dumaan sa mga mata nito. Dali dali siyang bumitaw kay Gabbie na nakapulupot sa kanya.

Habang si Meng na napatulala at nabigla sa nakita ay hindi malaman kung paano magre-react. Gusto nyang tumakbo at umiyak pero inisip pa din ang kuya nya at ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid niya.

Babasagin ni Miggy ang katahimikan na nagmula sa pagkagulat ng bawat isa.
Habang si Gabbie ay pasimpleng tumalilis palabas.

MIGGY: Well well well... Mr. Alden Richards, wala ka pa ring kupas-

ALDEN: No Migs, its not what you think... (singit ni Alden kay Miggy na gustong gustong magpaliwanag dito pero panay sulyap kay Meng.)

MIGGY: No need to explain Den, sanay na ako sa iyo noh.. Hahahhaha
(Babaling sya kay Meng)
Ay Meng, pasensya ka na sa nabungaran mo ha, ganyan talaga yang lalaking yan, sanay na ako sa mga eksena nyang ganyan, basta may nakitang babae eh pinapatos, kaya ikaw ingat ka dyan ha... layo layo ka sa kanya...

Hindi pa din sasagot kay Meng pero titingin kay Alden ng may panunumbat... diretso sa mga mata...

MIGGY: Well excuse muna Den ha, we need the room...

Papasok na si Miggy sa loob ng kwarto at hihilahin ang upuan, hindi pansin ang tensyong bumabalot sa dalawang nasa likuran na nya.

Habang palabas ng room ay hahawakan ni Den ang balikat ni Meng pero ipipiksi nya ito at maglalakad na papalapit kay Miggy ng hindi tinatapunan ni kaunting sulyap si Alden.

MIGGY: Upo na dito Meng at pasusunurin ko na dito yung make up artist para maaayusan ka na.

Tatango lang si Meng.

SEQUENCE 140
NIGHT/INT Backstage

Maglalakad ng tila wala sa sarili si Alden nang mababangga niya si Pao.

PAO: Den? Anong nangyari sa yo? Para kang natuklaw ng ahas.

ALDEN: Pao! Sorry, may naiisip lang ako..

PAO: Oo nga pala nakasalubong mo ba si Miggy at yung sis ko? Sya yung partner mo mamaya ha. Sana naman bilis bilisan nila ang kilos.. naku malapit na tayo mag start. (Mapapansing parang hindi nakikinig sa kanya si Alden)
Den? Okay ka lang?

ALDEN: Ahhmmmm you were saying?

PAO: Ah nevermind... sige be ready na rin ha...

At mabilis na syang iiwan ni Pao. Mapapaupo naman sya sa monobloc na nakita nya sa isang tabi. Hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi matanggap ang nakitang sakit sa mga mata ni Meng kanina at sya ang dahilan nun.

ALDEN: So magmomodel din pala sya. Bakit hindi ko sya kilala dati pa kung model naman pala sya... Sino ang nagpasok sa kanya dito?

SEQUENCE 141
NIGHT/INT room

Papasok sa kwarto si Pao kasunod ang mga kaibigan ni Meng. Pagpasok sa kwarto, makikita nilang tapos ng lagyan ng make up si Meng.

APPLE: Meng!!!!! Namiss ka namin..

Lalapit sila dito at yayakap.

PAO: Grabe naman itong mga babaeng ito, kung makatili akala mo sampung taong hindi nagkita..

LAINE: Namiss namin kasi sya kuya..

PAO: Mabuti naman at tapos ka ng ayusan. Pero teka lang, you look gorgeous sa make up mo pero parang may kulang.

MAKEUP ARTIST: Plangak mamu! Yan din sabi ko sa kanya.. Ang lungkot ng mga mata nya ..

SWEET: Patingin nga...

MHEL: Ay oo nga... why? I thought....

MAINE: Mhel....

PAO: Why? Hhhmmmmnnnn may hindi ba ako nalalaman?

MAINE: Wala kuya...

PAO: Mamaya na kita kukulitin about that. Iiwan ko na muna kayo dito girls pero ready na kayo ha. Malapit na tayo mag start.

Paglabas ni Pao at ng make up artist, mag uumpisang mag usisa ang mga kaibigan niya.

SWEET: So what happened?

APPLE: Yeah girl.. ngayon ko lang napansin iba yung mata mo..

LAINE: Hindi ganyan mga mata mo nung kausap ka namin sa skype the other day.

MAINE: Wala ito, napagod at napuyat lang siguro.

MHEL: Wahhhhh napagod at napuyat.... hhmmmmmmnnnnn..

APPLE: Oo nga!! Di ba kayong dalawa lang sa house... Oh my gosh!!!

MAINE: Mga sira ulo talaga kayo!

LAINE: Kya nga we are friends.

Patuloy na magtatawanan ang magkakaibigan samantalang si Meng ay pipiliting tumawa kahit na umiyak ang gustong gawin. Hindi nya ipapahalata sa mga taong nakapaligid sa kanya ang totoong nararamdaman.

Sisilip sa pinto si Miggy.

MIGGY: Girls tara na dito. Anytime may I rampa na ang peg nyo. (Babaling sya kay Meng) Meng standby ka na muna ha. Kakatukin na lang kita kapag turn mo na.

Lalabas ang magkakaibigan at maiiwang mag isa si Meng.

MAINE: (Bubuntong hininga habang nakatingin sa salamin) Meng kaya mo yan!! Lalaki lang yun, huwag mong hayaang sirain niya ang gabi mo.

SEQUENCE 142
NIGHT/INT Backstage

Unti unti ng lumalabas sa runway ang mga models. Si Alden na nakastand by at inaabangan si Meng. Lalapit sa kanya si Pao.

PAO: Den stand by ka muna dito ha.. kayo ang finale eh.. Alalayan mong maiigi ang partner mo at first timer yun ha.

ALDEN: Okay Pao. Sino ba ang partner ko ngayon?

Hindi na siya masasagot ni Pao dahil magbubukas ang pintuan ng kwarto at lalabas ang isang babaeng hinding hindi maipagkakamali sa iba ni Alden.

Dahang dahang lalabas si Meng ng kwarto. Looking so radiant in a white wedding dress.. Para lang magulat dahil katabi ng kuya niya si Alden na parang tulalang nakatingin sa kanya.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon