DAY 15-C

5.3K 192 4
                                        

D

CONT

Mabibigla si Meng sa sinabi ni Alden.

MAINE: Ano?

ALDEN: Sabi ko I love you beb..

Yayakap lang si Meng ng mahigpit kay Alden bilang sagot at tuluyang madadala ng pagod hanggang sa makatulog silang dalawa.

SEQUENCE 101
DAY/INT Apple's house

Kausap ni Apple si James sa telepono..

JAMES: Sige na naman please.....

APPLE: Hindi nga pwede and besides ano pa ba ang kailangan mo kay Meng? Eh di ba nga pinagpalit mo na sya?

JAMES: It was a mistake... alam ko yun... kaya nga nandito ako uli eh.. bumalik ako para sa kanya..narealize ko kasi na sya talaga ang mahal ko...

APPLE: Talaga lang ha?

JAMES: Yan ang totoo at hindi ako papayag na hindi makipagbalikan sa akin si Meng..

APPLE: Hay ewan ko sayo! bahala ka na nga...

SEQUENCE 102
NIGHT/INT BEACHHOUSE

Magigising si Alden bahagyang madilim na.. mangingiti sya dahil makikita nyang nakayakap pa din sa kanya si Meng habang natutulog. Tatayo sya at isusuot ang shorts. Bibigyan nya ito ng magaan na halik sa mga labi at bubuhatin papasok sa kwarto. Dahan dahan niya itong ilalapag sa kama para hindi magising..
Unti unti na sana syang lalayo pero biglang aakap ito sa kanyang leeg..

MAINE: Beb.... dito ka lang...

ALDEN: Hmmmnnnn Beb as much as I want to stay here with you, hindi pwede... wala pa tayong dinner..

MAINE: Hmmmnnnn babalik ka ha....

ALDEN: (Natatawang natutuwa sya sa paglalambing nito sa kanya) oo naman, san pa ba ako pupunta?

MAINE: Saglit ka lang ha...

ALDEN: Opo.. ( at hihilahin nya ang kumot para kumutan ito at hahalikan sa noo bago sya lumabas ng kwarto)

SEQUENCE 103-A
NIGHT/INT KITCHEN

Iinspeksyunin ni Alden ang ref, walang laman, pagbukas ng cabinet puro de latang corned beef luncheon meat at pork n beans ang makikita.. Dahil sa kawalan ng supply mapipilitan siyang magbukas ng dalawang latang corned beef..
Buti na lang at lagi syang may stock ng bigas doon kaya nakapagsaing din sya..

Habang nagluluto hindi nya maiwasang mapangiti aa kawalan. . Masayang masaya ang pakiramdam nya, bago sa kanya ang lahat ng ito... Never pa nyang naramdaman ang ganoong damdamin.. As in never pa.....

SEQUENCE 104
NIGHT/INT Room

Magigising na ng tuluyan si Meng... Mapapangiti sya sa.. Maiisip ang mga nangyari. Kinakapa sa sarili kung meron man syang ni konting pagsisising nararamdaman, pero wala.. masayang masaya lang ang pakiramdam nya.
Babangon siya at bubuksan ang cabinet na nandun. Makakakita siya ng isang maluwag na t-shirt na malamang ay kay Alden. Isusuot nya ito. Pagtingin sa salamin ay matutuwa sya sa makikita, umabot sa gitna ng kanyang hita ang t-shirt at nagmukhang bestida sa kanya.

SEQUENCE 103-B

Lalabas ng ng kwarto si Meng. Maabutan niya si Alden na nakatalikod habang nagluluto. Dahan dahan siyang lalapit dito at yayakapin ito mula sa likod.. isasandal nya ang kanyang mukha sa hubad na likod nito..

MAINE: Ang bango naman. Hmmmmnnnnn

ALDEN: (haharap ito kay Meng at kakabigin para yakapin, bibigyan ng isang matamis na halik) Gising ka na pala.. (mapapansin nya ang suot ni Meng),
Wow! I didnt know na sexyng tingnan pala ang shirt ko...

MAINE: Pasensya ka na... nakialam ako sa cabinet mo...

ALDEN: No its okay beb.. kagabi pa, binigyan na kita ng karapatan na pakialamanan ang lahat sa kin........ pati ang kainosentihan ko!! Hahhaahhah

MAINE: (tatampalin nya ito sa dibdib) puro ka naman biro eh...( at muli yayakapin nya ito ng mahigpit)

ALDEN: Beb.... please wag mo muna ako tuksukhin... marupok ako... hahaha.... upo ka na don at kumain muna tayo.. mamaya handa akong alipinin mo ang buong katawan ko..

Iirapan lang sya ni Meng at uupo na nga sa silya doon. Pagsisilbihan sya ni Alden... Pero mapapansin niyang iisang plato lang ang gamit nila...

MAINE: Beb question...

ALDEN: Ano yun? (Sabay subo ng pagkain kay Meng)

MAINE: Iisa lang ba ang plato mo dito o tamad ka lang maghugas? Hahahaha!

Hindi makatiis si Alden kaya nanakawan nya ng halik ito..

ALDEN: After nito palit ka ng damit ha... night swimming tayo.... pero please lang ha kung gusto mo talaga matuloy na lumabas tayo wag kang magsusuot ng suot mo kanina... nakuuuuu!! Pilya ka din eh!!

Mamumula ang pisngi ni Maine sa hiya...

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon