DAY 15-D

4.9K 200 11
                                        

SEQUENCE 105
NIGHT/INT Dining (Maine's house)

Magkakasalo sa hapunan sina Daddy Dom, Mommy Isadora at Pao.

DOM: Pao nakausap mo na ba ang kapatid mo?

PAO: Hindi pa dad, bakit po?

DOM: Hanggang kelan daw ba sya dun sa Batangas?

ISADORA: hay naku si Daddy, hayaan na muna natin si Meng....

PAO: Oo nga dad, at saka po ang balita ko James is back.

DOM: Ano?

PAO: Yes dad, at hinahanap daw si Meng.

ISADORA: Napakakapal nga naman ng mukha ng lalaking yun at may gana pang hanapin si Meng.

DOM: Huwag na huwag kong mababalitaang pupunta dito yan sa bahay natin.... naku baka makalimutan kong anak sya ng kumpare ko...

PAO: Dad.....

SEQUENCE 106
NIGHT/EXT Beach

Magkayakap na nakahiga sa buhanginan sina Alden at Meng.. Parehong basa ang katawan at pagod dahil sa pagswiswimming.

MAINE: Beb bakit walang ilaw sa ibang beachhouse?

ALDEN: I think wala dyan ang mga may ari, tayo lang ang nandito ngayon.. Private kasi ang lugar na to eh... kaya dito ako bumili sa lugar na to..

MAINE: Ahhhhh...

ALDEN: Nagsisisi ka ba?

MAINE: Nagsisisi? Saan?

ALDEN: Ito.... sa mga nangyari..... sa atin...

Matitigilan si Maine.. Kakalas sya sa pagkakayakap ni Den at uupo sya yakap yakap ang mga binti.

ALDEN: O bakit? (Babangon na din sya at uupo paharap kay Meng)

Hindi pa din sasagot si Meng, tila napakalalim ng iniisip..

ALDEN: Beb?.... wag ka namang ganyan... natatakot ako...

MAINE: Sorry beb, may biglang naisip lang ako...

ALDEN: Care to tell me?

Huhugot ng malalim na buntong hininga si Maine..

MAINE: Beb.... sa totoo lang..... parang ang tagal tagal na nito.... parang sanay na sanay na ako sa iyo... ewan ko ba, naguguluhan tuloy ako.... hindi ako ganito dati.... God knows hindi ako ganito.... (mag uumpisang pumatak ang luha ni Maine.)

Hindi sya lalapitan ni Alden para aluin, mas gusto nyang ibigay ang moment na iyon para kay Meng, gusto nyang ilabas lahat ni meng ang mga gumugulo sa isip nito..

ALDEN: Beb sorry dahil sa akin naguguluhan ka pero hindi ako nagsosorry sa mga nangyayari... wala akong pinagsisisihan..

MAINE: Ako din naman.... hindi ako nagsisisi.... kaya lang.... Hindi ako ito eh.... Parang kelan lang sobrang sama ng loob ko... aa nangyari sa amin ni James..

ALDEN: James?

MAINE: Yung ex ko, boyfriend ko sya for almost a decade.... (matatahimik uli si Meng, titingin sa malayo)
Akala ko we'll end up sa altar.... pero yun eh.....

ALDEN: Ano bang nangyari?

MAINE: Ipinadala kasi sya sa New York ng company nila... Ay first okay eh.... tawagan... skype.. tapos dumalang na...  until nawala na......(buntong hininga) tapos one day tumawag yung common friend namin, nakita daw sya sa New York... May kalive-in na daw doon... Just imagine yung pagka shock ko nung narinig ko yun... ang tagal nag sink in.... Sya na halos kasama ko lagi sa lahat.... Bigla bigla mababago ang buhay ko dahil lang hindi nya natagalan na magkalayo kami...

ALDEN: Beb.....

MAINE: Sobrang sakit ng ginawa nya.... Buong pamilya ko naapektuhan,.pati mga kaibigan ko.. I even thought of entering the convent just to forget the pain.... Pero naisip ko.. mali pala iyon...

ALDEN: Do you still love him? (Naninimbang na tanong niya)

MAINE: Love? Such a strong word.... Ang alam ko galit ako sa kanya... Parang hindi ko na kayang makaramdam ng love sa ginawa niya sa akin... parang hindi ko na kayang magmahal ng ganoon tulad ng dati... Tapos ano lolokohin lang ako...

Makikitang nasaktan si Alden sa sinabi ni Meng... Dahil siya kahit saglit nya palang nakakasama si Meng ay alam nyang mahal na mahal na nya ito at hinding hindi nya gagawin ang ginawa ng ex nito.. Yayakapin na lang niya ito ng mahigpit...

Tuluyan ng iiyak si Meng sa dibdib ni Alden...

ALDEN: Sshhhh sshhhhh... Ako Beb Ill make sure na hindi ka sasaktan... promise ko sa yo yan.... Kahit saglit pa lang tayong  nagkakasama alam ko sa sarili kong mahal na mahal na kita... Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong happiness at contentment... yung ayaw ko ng lumayo sa yo... yung ayaw ko ng matapos lahat ng ito... yung kasama lang kita lagi... ganito lang... yakap kita lagi...

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon