DAY 21-C

4K 176 13
                                        


CONT......

PAO: Meng nabangga daw yung sasakyan ni Den...

MAINE: What? Nasaan sya kuya? Kamusta na sya? Anong nangyari?

PAO: Meng, relax... galos lang naman daw sabi ni Joey, mabuti at gumana ang airbag.. dinala na sya ni Joey sa hospital.

MAINE: Kuya please.... samahan mo ako...

PAO: O akala ko ba wapakels ka na sa kanya? Bakit ngayon ganyan reaction mo?

MAINE: Kuya please.....

PAO: Sige sige. Akyat ka na at magpalit ng damit.... hay kaya ayokong naiinlove eh...

SEQUENCE 175
NIGHT/INT Emergency Room

ALDEN: Pre bakit dinala mo pa ako dito? okay lang naman ako eh.. konting galos lang naman yun... tsaka sino ba yung kausap mo kanina?

JOEY: Wala yun pre.... Kailangan ka pa daw i-xray sabi ng nurse..

ALDEN: Anong xray? Okay na ako...

JOEY: Siraulo ka talaga... buti na lang pala at sinundan kita... Hanep ka pre, nagiging suicidal ka pala kapag heartbroken. Hahahhaha

ALDEN: Gago! Hindi ko lang talaga napansin yung puno...

Mayamaya may lalapit sa kanila... Magugulat si Alden pagkakita kay Meng.

ALDEN: Pre tinawagan mo pa sila?

JOEY: Wala akong choice.. wala akong ibang matawagan.

PAO: Oy Alden ano nangyari sa iyo?

ALDEN: Wala to Pao... Okay na nga ako eh... Ewan ko ba dyan kay Joey at dinala pa ako dito sa ospital. (Titingnan nya ang tahimik lang na si Meng)

Mukhang makakahalata naman si Pao kaya aayain si Joey na lumabas.

PAO: Ahhmmm Joey tara  samahan mo ako, bili muna tayo ng coffee..

JOEY: Sige tara Pao... (babaling kay Alden) Pre dyan ka na muna... mukhang okay ka na dyan.. hahahhah

Pagkaalis ng dalawa babalingan ni Alden si Meng.

ALDEN: O bakit sumama ka pa kay Pao, pasensya na at naistorbo kayo ni Joey.

Uupo si Meng sa gilid ng kama, habang si Alden naman ay uupo mula sa pagkakahiga.

ALDEN: Bakit ang tahimik mo? Siguro natutuwa ka pa sa nangyari sa akin.. at least kahit papano mababawasan ang mangungulit sa iyo...

MAINE: Ano bang nangyari? Bakit ka nabangga?

ALDEN: Ahhh.... kasi yung puno pahara hara sa daan eh... hahahhaha

MAINE: Kasalanan ko ba?

ALDEN: No.... wala kang kasalanan... Ako ang may kasalanan... hahahah! Akala ko kaya ko pang mag drive, lasing na lasing pala ako..

MAINE: Pero kaya ka naglasing dahil sa  akin?

ALDEN: Partly yes... pero wala na yun... narealize ko din na hindi tamang ipilit ko pa ang sarili ko sa isang taong ayaw na sa akin... unfair na sa iyo yun...

Mapapayuko si Meng, halatang nasasaktan sa mga sinasabi ni Alden.

ALDEN: Hindi tamang ganito ang ginagawa ko, wala na naman akong magagawa kung ayaw mo na talaga sa akin... Kaya naisip ko hahayaan na lang kita... Baka bumalik na lang ako sa Batangas tutal iyon naman talaga ang plano ko, nabago lang ng dumating ka sa buhay ko... (kukunin niya ang mga kamay ni Meng at ikukulong ito sa mga palad niya) Meng masaya ako na dumating ka sa buhay ko, hindi ko pinagsisisihan yung mga nangyari sa atin..

MAINE: Den.... Sorry.....

ALDEN: No Meng... wala kang dapat ipag-sorry.... masaya akong kahit papano naramdaman kong minahal mo ako.. Umasa akong totoo lahat ng pinakita mo sa akin.... kahit papano...... sana naging masaya ka din sa sandaling panahong nagkasama tayo.... Alam ko unfair sa iyo na itali ka sa relasyong kahit ako hindi na din sigurado kung totoo, baka nga..... siguro nga nabigla tayong dalawa.... basta tatandaan mo mahal na mahal kita Meng... Pero sa ikapapanatag mo, ready na akong pakawalan ka... (bibitawan na niya ang mga kamay ni Meng)

MAINE: Den....

Hihigang muli si Alden at tatagilid sa kabilang side kaya hindi na niya makikita ang tahimik na pag iyak ni Meng...

Hindi na kakayanin ni Meng ang eksena kaya tahimik siyang aalis ng ospital na patuloy na umiiyak..

Ang hindi niya alam nasasaktan din si Alden sa mga sinabi nito kay Meng, pero naisip niya na mas maganda na ang ganoon para hindi na sya patuloy pang umasa...

My Naughty AngelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon