DAY 16-D

4.3K 166 5
                                        


SEQUENCE 115
DAY/EXT Garage

Lalapit si Kriz kasunod ang mga kaibigang sina Mavic at Chel sa pasarang gate nina Alden.

KRIZ: Hep hep hep (pipigilan ang gate)

Magugulat si Meng, medyo kakabahan dahil nag iisa lang sya at tatlo ang lumapit sa kanya. Peri hindi nya ipapahalata ang kabang nararamdaman.

MAINE:(pabulong) si kalawang na naman...

KRIZ: May sinasabi ka?

MAINE: Nothing... Wala si Alden eh...

KRIZ: Alam ko kaya nga lumapit ako sayo eh. Just a friendly adv-

Puputulin ni Maine ang pagsasalita ni Kriz.

MAINE: Bakit friend ba kita?

KRIZ: Lumayo layo ka na kay Alden hanggat kaya mo pa, hanggat kaya pa ng puso mo!!

MAINE: Hmmmmnnnnn

KRIZ: Sinasabi ko sa yo wala ng ibang seseryosohin si Alden kundi ikaw lang... Ako lang ang mamahalin nya ng totoo!

MAINE: Talaga lang ha?

MAVIC: Kriz tama na yan....

CHEL: Wag kang mag eskadalo dito utang na loob... lagot tayo nito kay Den..

Hahaharapin ni Kriz ang mga kaibigan..

KRIZ: At bakit nyo ako pinipigilan? Wala naman akong ginagawang masama, as a matter of fact binigyan ko pa nga ng advice ang babaeng ito!

CHEL: Mali pa din iyong ginagawa mo!

Sisingit si Maine...

MAINE: Ahhmmm excuse me... I dont need an advice especially if it comes from you.. I know myself and really I think you are the one who should listen to your friends, you're just humilating yourself...

KRIZ: Aba aba at marunong sumagot ah..

MAINE: bakit hindi ako sasagot?. wake up gurl! Ayaw na sayo ni Alden mahirap bang tanggapin yun? Bakit ba pinipilit mo pa ang sarili mo sa kanya?

KRIZ: Nabubulagan lang sya!!! Masama pa rin kasi ang loob nya sa akin kaya ganun sya... Alam mo ba kung pang ilang babae ka nya? Lahat yun dahil sa masama ang loob nya dahil sa pag iwan ko sa kanya!! (Unti-unting tutulo ang luha nya) Mahal ko pa rin sya at sising sisi ako sa pag iwan ko sa kanya... Mas pinili ko ang pangarap ko..... masama ba yun?

Matitigilan si Maine sa mga narinig... Hindi inaasahang iiyak si Kriz sa harap nya..

MAVIC: Kriz tama na yan.. tara na iuuwi ka na namin.

CHEL: Pasensya ka na sa kaibigan namin ha.

At aalalayan na nga ng dalawa si Kriz palayo sa bahay nina Alden.

Habang si Maine ay iiling iling na titingnan ang palayong magkakaibigan.. After a while ay papasok na sya ng bahay.

SEQUENCE 116
DAY/INT Paolo's office

Makikita sa bukas na pinto ng opisina na papalapit ang magkaakbay na sina Miggy at Mavi. Lalapit si Miggy sa pinto at kakatok muna. Iiwan na nya muna sa labas ng kwarto si Mavi at papasok sya sa loob.

MIGGY: Mamu out na ako ha.. Its already 5pm. At saka andito na ang sundo ko. (Tonong kilig na kilig)

PAO: Hmmmnnn so kayo uli?

MIGGY: Kinda....

PAO: Kinda kinda ka dyan... baka kung san na naman kayo makarating nyan, maaga call time natin bukas.

MIGGY: Dont worry mamu sa condo lang kami.

PAO: Hay naku Miggy malaki ka na bahala ka na sa buhay mo..

MIGGY: Bye mamu... hanap na din kasi ng lovelife.

PAO: Sige na sige na! Layas na!!

At tuluyan na nga siyang iiwan ni Miggy sa opisina.

Nang mapag-isa, maaalala niyang tawagan ang kapatid.

PAO: Kamusta na kaya si Meng? Matawagan nga..

Dadamputin nya ang cellphone at ida-dial ang number ni Meng.

PAO: Meng!!

MAINE: Kuya! Napatawag ka?

PAO: Bakit masama na bang tawagan ka?

MAINE: Hindi naman kuya...

PAO: Hmmmnnn I smell something fishy.. May tinatago kang boylet dyan noh?

MAINE: Kuya! Kung ano ano naiisip mo..

PAO: parang may iba kasi sa boses mo..

MAINE: its just your imagination kuya... Halos hindi nga ako lumalabas dito....

PAO: hmmnnn malalaman ko din yan.. Anyway hanggang kelan ka ba dyan?

MAINE: Hindi ko pa alam eh... bakit?

PAO: Di ba alam mo naman yung matagal ng plan na rampa for a cause ko? Sa makalawa na yun.. wedding entourage ang theme. Ahhmmm kaya lang nagkaproblema ako sa primadonnang model.

MAINE: And???

PAO: So yun nga... wala akong ibang naisip na sobrang bagay na rumampa dun kundi ikaw... bagay na bagay sayo yung wedding gown... pang finale yun..

MAINE: Kuya bakit ako?

PAO: Why not? Marunong kang rumampa wag mong itanggi yun... And besides your friends are joining..

MAINE: hmmnnn pag iisipan ko kuya.

PAO: NICOMAINE wag mo ng pag isipan.. gahol na ako sa oras... .kung gusto mo balik ka na lang agad dyan kinabukasan... please....

MAINE: Hmmmmnnnn sige na nga kuya ang kulit mo eh..

PAO: Ilove you talaga dear sister!!! So bukas ka luluwas? For the dress rehearsal?

MAINE: Kuya pwede ba the day itself na lang? dun na lang din mag adjust... tsaka once lang naman di ba ako rarampa... kaya ko na yun.. please.....

PAO: Sige na nga... Alam ko namang natatandaan mo pa yung mga tinuro ko sa yo dati. Ikaw pa eh ang galing galing mo kaya! Walang sinabi sa yo ang mga professional models..

MAINE: hayy kuya pumayag na nga ako so no need na bolahin pa ako..

PAO: Hindi kita binobola noh! Nagsasabi ako ng totoo!

MAINE: Syempre kuya kita...hahahhah. Kuya I'll hang up na ha... may tatapusin lang ako.

PAO: Sige sige.. I'll see you sa makalawa..

SEQUENCE 117
NIGHT/EXT Road

Nagmamaneho na pabalik sa bahay nila si Alden... Magriring ang cellphone ang cellphone nya, pagsilip makikitang si Mama Zane ang caller kaya sasagutin nya ito.

ALDEN: hello ma.......... yes po....... hmmmnnnn........ ma di ba tapos na ako dyan?............. charity?....... si Pao talaga...... tsk tsk.... tsk.... sige po, pero the day itself na ako pupunta dun ha............ yes mamu........ sige po.... bye......

Pagkatapos makipag usap.. magpapatugtog sya ng music habang lalong binilisan ang pagmamaneho.. Ayaw nyang malayo ng matagal sa kanya si Meng..

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon