SEQUENCE 130
DAY/INT DiningMakikitang nakaupo na si Meng sa dining kasalo ang mga magulang.
DOM: Mukhang hiyang ka sa bakasyon mo iha, you look great.
ISADORA: Oo nga iha, you look radiant! It seems na nakabuti sa iyo ang hanging probinsya..
MAINE: Iwas pollution lang po kasi siguro.
ISADORA: Baka nga.. Pero para talagang may iba sa iyo ngayon Meng.
MAINE: Mom kung ano ano po ang napapansin nyo.
DOM: Oo nga naman Mommy, mamaya mo na kulitin si Meng, patapusin mo munang mag breakfast.
ISADORA: Pasensya na iha, sobrang na-miss lang talaga kita..
MAINE: Si kuya po pala?
ISADORA: Maagang maagang umalis, dahil nga marami pang kailangan gawin para sa fashion show later.
DOM: Anong oras ka nga pala pupunta doon?
MAINE: Mga hapon na po siguro.. matutulog po muna ako..
ISADORA: Mabuti pa nga.. mag beauty rest ka lang muna.. Bukas na lang tayo mag kwentuhan iha.
MAINE: Pero mom.... Babalik na po akong Batangas bukas.
DOM: Bukas agad iha? Ang bilis naman.
MAINE: Dad hindi naman po talaga ako luluwas agad kung hindi lang sa pangungulit ni kuya Pao.
ISADORA: Mamimiss ka na naman namin..
MAINE: Si mommy ang drama, ang lapit lapit lang ng pupuntahan ko.
ISADORA: Iba pa rin kasi yung nandito ka araw araw.
DOM: Hayaan na nga muna natin si Meng mommy.
MAINE: Thanks Dad.
At magpapatuloy na nga sila sa pagkain ng breakfast habang si Meng ay makakahinga ng maluwag dahil nakaiwas sa tila interrogation sa kanya.
SEQUENCE 31
DAY/INT Alden's condoKatatapos lang magshower ni Alden. Dadamputin nya ang cellphone at tila magda-dial pero may maaalala.
ALDEN: Shocks ang galing galing mo talaga Alden!! Ang daming pwedeng makalimutan, cp number pa ni Meng ang nakalimutan kong hingiin. paano ko sya kokontakin?
SEQUENCE 132
DAY/INT Maine's roomNakahiga lang si Meng, pinipilit ang sarili na makatulog pero hindi magawa. Iniisip ang mga nangyari sa Batangas.. Hanggang ngayon hindi makapaniwala sa sarili na nagawa nya ang mga bagay na iyon. Sa loob ng halos isang linggo, parang biglang nagbago ang takbo ng buhay nya. Parang biglang nagkakulay ang mundo nya. Hindi man makapaniwala sa mga nagawa wala naman syang pinagsisisihan.
Aabutin ang cellphone na nasa dresser, iche-check sana bakanmay text na sa kanya si Alden pero may marerealize.MAINE: Pano nya nga pala ako matetext eh hindi nya pala nakuha ang number ko.
Ano ba namang lalaki yun, kung ano ano na ang kinuha sa akin pero cellphone number ko hindi kinuha. Hay naku...SEQUENCE 133
DAY/EXT Coffee shopMagkasama si na Gabbie at James.
GABBIE: So whats your plan tonight? I mean sa fashion show? Sa ex mo
JAMES: Alam mo iniisip ko din yan eh. Kasi alam ko iiwasan nya talaga ako at ansun ang family and friends nya para ilayo sya sa kin..
GABBIE: So ano ngang plano?
JAMES: Hmmmmnnnnn iniisip ko pa din eh..
GABBIE: May naisip ako.... what if....
Bubulungan ni Gabbie si James tungkol sa naisip niyang plano para makorner ni James ang ex na si Meng..
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
Fiksi PenggemarIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...