DAY 19

4K 144 4
                                        


SEQUENCE 151
DAY/INT Meng's room

Unti-unting magigising si Meng.. Igagala ang mga mata para lang marealize na nasa loob sya ng kwarto nya.
Mapapaisip kung paano at kailan sya napunta doon... after awhile maaalala lahat ng nangyari ng nakaraang gabi.... sa fashion show.... sa after party..... unti unting babagsak ang mga luha nya... maaalala ang ginawang panloloko ni Alden sa kanya.... maaalala ang nakitang pakikipaghalikan nito sa ibang babae... babalik sa isip niya ang pangako ni Alden na hindi sya lolokohin, pagkaraan matatawa sya at maaawa sa sarili dahil naniniwala sya sa isang kasinungalingan... isang kasinungaling pinanghawakan niya... patuloy na aagos ang mga luha nya...

SEQUENCE 152
DAY/INT Dining

Kumakain ng breakfast sina Isadora, Dom at Pao...

ISADORA: Hows the party Pao? Hindi ko na kayo nahintay kagabi dahil masakit na talaga ang ulo ko.

PAO: (matatahimik) hhmmmnnnnn

DOM: Sana naman nakapag enjoy ang kapatid mo... Bakit nga pala hindi pa sumasabay sa atin yun?

Pagtatakpan ni Pao ang kapatid.

PAO: Dad the party was great... Hayaan lang po muna natin si Meng, Pagod po iyon... Kung wala lang po akong aasikasuhin sa office,magbababad din po ako sa bed for sure.

ISADORA: Oo nga naman dad... Hayaan na muna natin si Meng matulog..

SEQUENCE 153
DAY/INT Alden's condo

Makikita na magulo ang buong sala, maraming nakakalat na bote ng beer... Habang sa sofa, nakadapang natutulog si Alden na lasing na lasing.

SEQUENCE 154
DAY/INT Meng's room

Kinakatok ni Isadora ang pinto ng kwarto ni Meng.

ISADORA: Meng... iha... tanghali na... nag skip ka na ng breakfast.... its almost lunchtime...

Naisip ni Meng na magdahilan na lang dahil hindi pwedeng makita ng mommy nya na namamaga ang mga mata nya.

MAINE: Mom masakit lang po ang ulo ko..

ISADORA: kaya nga you have to eat... padadalhan na lang kita ng food dito kay manang ha...

MAINE: Sige po.. thanks mom.

ISADORA: Mag-take ka din ng meds ha... I need to go kasi sa tita Espie mo.

MAINE: Yes po mom... ako na po ang bahala..bye...

Lalayo na nga si Isadora sa kwarto ni Meng, pero nag aalala dahil alam nyang may mali sa kinikilos ng kanyang anak.

SEQUENCE 155
DAY/INT Apple's house

Magkakasama ang magkakaibigang sina Apple, Laine, Sweet at Mhel.

MHEL: Kamusta na kaya si Meng?

APPLE: Been calling her since morning pero hindi nya sinasagot ang cp nya...

LAINE: Kainis naman kasi ang James na yun, dumagdag pa sa eksena kagabi.

SWEET: Eh paano nga ba nakapunta ang lalaking yun doon? Di ba dapat bawal sya?

APPLE: Unless may tumulong sa kanya makapasok sa party.

MHEL: Kawawa naman si Meng, hindi pa nga sya fully na nakakarecover sa ginawa ni James, eto na naman yung lalaking model... ano ngang pangalan nun?

SWEET: Den yata...

LAINE: Oo, narinig ko na yun ang tawag ng imbyernang asst ni kuya Pao..

APPLE: Hahahha! Ang init ng ulo mo kay Migs.

LAINE: Nakakainis kasi talaga sya! Feelingerang bakla...

SWEET: Enough of that Laine.... Ang isipin natin ay kung paano natin na makakausap si Meng..

MHEL: Hibernate mode na naman yun for sure....

Mapapaisip ang magkakaibigan ng magriring ang cellphone ni Apple. Sasagutin nya ito.

APPLE: Hello Kuya Pao...... yes po......
Hindi rin po namin alam na model pala talaga ang lalaking yun...... Opo..... si Meng po ata ang dapat nyong makausap........ Si James po? Hindi rin po namin alam..... swear!!!!! Medyo clueless din po kasi kami kung sino po si Den.... opo..... sige po balitaan ko po kayo.... bye kuya....

SEQUENCE 156
NIGHT/INT Alden's condo

Bubukas ang pinto at papasok ang kaibigang si Joey. Mapapailing sa nakitang ayos ng sala.. Dadamputin ang mga nakakalat na bote sa paligid. Maya maya tatapikin ng malakas si Alden para gisingin ito.

JOEY: Brod.... gising na.....

Maaalimpungatan si Alden.... Magugulat na nasa loob ng condo si Joey.

ALDEN: Pre .... anong ginagawa mo dito? Ang aga aga ah..

JOEY: Anong ang aga? Gabi na uli hoy!!! Ano bang nangyayari sa iyo? Ano yung eksena kagabi?

Dahil sa narinig, mapapabalikwas ng bangon si Alden.

ALDEN: Oh shit! si Meng!!! Kailangan ko syang puntahan.. kailangan kong magpaliwanag.

JOEY: Pre sa tingin ko mas dapat kang magpaliwanag kay Pao... Kahit ako naguguluhan eh... Akala ko ba hindi mo kilala yung utol ni Pao?

ALDEN: Swear, hindi ko talaga alam na kapatid pala sya ni Pao. Sya yung bisita namin na kaibigan ni Tin. Nagulat nga ako kahapon na andun sya sa event.

JOEY: Ay pre ayusin mo yan at magulo yan..

ALDEN: I need to talk to Meng, nakita nya kahapon nung hinalikan ako ni Gabbie.

JOEY: Tsk tsk tsk..... si Gabbie na naman.. Iba talaga charisma mo.. hahahhah

ALDEN: Pre ewan ko ba sa babaeng yun, ayaw pa akong tantanan..

JOEY: Huwag mo nang isipin yun, ang intindihin mo paano ka pa makakalapit kay Meng eh mukhang galit sayo si Pao. Paano ka makakapagpaliwanag? Tsaka ayusin mo ng sarili mo!

ALDEN: Paano nga kaya????

JOEY: Kidnapin mo kaya? Hahahhahahhaha

Matatahimik si Pao, mahuhulog sa malalim na pag iisip....


My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon