DAY 18-C

3.8K 148 13
                                        


SEQUENCE 134
DAY(afternoon)/INT events hall

Iba ibang model ang nagre-rehearse sa makeshift runway.. Habang paroo't parito ang mga staff. Lalapit si Alden sa busyng busy na si Pao at Miggy.

ALDEN: Hi Pao! Hi migs! Am I late?

PAO: Den! No you're not... thanks for coming kahit napaka short notice ha.

ALDEN: No problem basta ikaw..

MIGGY: Baka naman nakaistorbo kami sa panchichiks mo ha..

Tatawa lang si Alden bilang sagot.

MIGGY: Hmmmnnnn parang totoo ah..

ALDEN: Kayo talaga...

May lalapit sa kanilang apat na dalaga. Sina Apple, Laine, Sweet at Mhel. Bebeso sila kay Pao.

APPLE: Hi kuya!

PAO: Girls buti nandito na kayo... wala pa si sissy..

LAINE: Wala pa? Pero nakauwi na sya sa house nyo kuya?

PAO: Yup kanina pa daw umaga sabi ni mommy.

SWEET: Tawagan na lang natin siya girls, baka nakatulog lang yun.

MHEL: Naku malamang nga nakatulog yon.

PAO: Yes please pakitawagan naman sya... super busy lang ako... And girls dress rehearsal muna kayo... after nun pwede na kayo magpaayos sa hair stylist.

LAINE: Okay kuya..

PAO: Thanks girls... Miggy pwede ba paki assist naman sila..

MIGGY: Yes mamu,(babaling sa girls)
Girls tara muna para maituro ko sa inyo ang isusuot nyo.

Lalayo ang apat na dalaga kasama si Miggy.

LAINE: Sino yung gwapong kausap nyo kanina?

MIGGY: Si Alden..

LAINE: Ang gwapo nya! Pakilala mo naman ako oh.

MIGGY: Pwede ba focus muna kung ano ang ipinunta nyo dito.

LAINE: Sungit naman nito.

Samantalang si Alden na kanina pa pala nakatingin ay hindi makakatiis na magtatanong kay Pao.

ALDEN: So your sister will be here?

PAO: Yup.. (busy pa din sa pagtingin ng mga gowns)

ALDEN: Hmmnnn makikilala ko na din sya...

PAO: Yeah mamaya I'll introduce you to my sis.

ALDEN: Okay.. I'll roam around muna ha..

PAO: Sige tingin ka muna dyan, may mga bagong models..

Tatawa lang palayo si Alden.

SEQUENCE 135
DAY/INT Maine's room

Magigising si Maine sa tunog ng telepono nya. Aabutin nya ito at sasagutin.

MAINE: (Inaantok) hello

SWEET: Meng kagigising mo lang?

MAINE: Yeah why?

SWEET: Anong why? Its already 5pm baka hindi ka aware..

Titingin sa orasan na nasa ibabaw ng bedside table si Meng.

MAINE: Oh shiiittt!! Gosh napahaba ang tulog ko.

SWEET: Hay naku buti na lang pala at tumawag ako.. Hurry up girl! You only have two hours to take a bath, magbihis, magdrive papunta dito at magpa make up.

MAINE: I'll hang up na. Please tell kuya I'll be there in a jiffy.

SWEET: Buti na lang malapit lang itong venue sa bahay nyo. Kilos na. Quick!

Ibaba ni Maine ang telepono at mabilisang maliligo, magbibihis at mag aayos.
Maya maya makikita na syang sakay ng kanyang kotse palabas ng kanilang bahay.

SEQUENCE 136
NIGHT/INT Events hall (backstage)

Napakaraming model, yung iba ay busy sa pagme-make up habang yung iba ay nagbibihis.
Magugulat si Alden ng biglang may manghihila sa kanya papasok sa isang parang make-shift room.

SEQUENCE 137-A
NIGHT/INT Events hall

Papasok Si Maine sa Event's hall... Pagagalain ang mga mata para maghanap ng kakilala, mayamaya ay matatanaw na niya ang kuya na si Paolo. Lalapitan niya ito.

MAINE: Kuya sorry I'm late..(hahalik sa kapatid)

PAO: Meng buti na lang dumating ka na..
(Babalingan ang katabing si Miggy)

PAO: Migs ikaw na muna ang bahala kay Meng, pabihisan mo na at paayusan. Doon na lang sya magbihis sa make shift room sa likod.

MIGGY: Okay mamu.(haharap kay Meng)
Tara na gorgeous..

SEQUENCE 138-A
NIGHT/INT back stage(room)

Pagpasok sa kwarto, makikilala ni Alden ang humila sa kanya..

ALDEN: Gabbie! What are you doin here?

GABBIE: Grabe ka naman. Hindi mo ba man lang ako namiss? Nakakatampo ka.

ALDEN: I just dont expect you here. At saka baka may makakita sa atin dito.

GABBIE: Okay lang yan, hindi naman nila mahahalata na nandito tayo, bihis na lahat ng model, hindi na sila papasok dito.

SEQUENCE 137-B
Kasabay maglakad ni Miggy si Meng habang chinichika ito.

MIGGY: Balita ko nagbakasyon ka Meng, mukhang nakaganda sa iyo ha.. you look radiant..

MAINE: Talaga ba? Parang hindi naman...

MIGGY: Loka hindi kita binobola.. For sure kapag nakita ka ng sira ulo mong ex, magsisisi yun ng sobra.

Hindi iimik si Meng, mapapayuko lang..

MIGGY: Ay sorry, how insensitive ko naman.. pasensya ka na ha...

SEQUENCE 138-B
Cont... room

GABBIE: Nakakapagtampo ka na talaga.. Dati rati lang masaya naman tayong dalawa di ba?

ALDEN: Nilinaw ko na syo di ba nung huli tayong magki-

Bigla syang kakabigin ni Gabbie para halikan sa mga labi.

SEQUENCE 139
NIGHT/INT ROOM

Habang nagsasalita, bubuksan ni Miggy ang pinto while still looking kay Maine.

MIGGY: Meng dito ka muna sa loob, pasusunurin ko na lang yung-

Hindi matatapos ni Miggy ang sasabihin dahil mapapansin niya si Meng na napatulala sa nakita sa loob ng kwarto.
Kaya naman mapapatingin din sya doon, para lang makita na naghahalikan sina Alden at Gabbie. Si Alden na nakahawak pa sa ulo ng babae habang mahigpit na nakayakap ito kay Alden

Dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto, mapapalingon dun si Alden, para lang magulat dahil makikita nya ang mukha ni Maine na gulat na gulat.







My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon