DAY 22

4K 159 8
                                        


SEQUENCE 176
DAY/INT Entertainment room

Papasok si Pao sa loob at lalapitan ang kapatid na tila malalim ang iniisip.

PAO: O ano nagmumukmok ka na naman dito Meng? Kasi naman.... ikaw din naman ang may kasalanan kaya ka nagkakaganyan...

MAINE: Kuya sabihin mo nga sa akin... mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang piliin ko naman ang sarili ko? Mali ba talaga ako?

PAO: Meng alam mo tama at mali ang ginawa mo... tama yun dahil nga sa natatakot ka sa posibleng mangyari, you are just protecting your feelings dahil nga minsan ka nang nasaktan.. pero mali kasi nagpapakaipokrita ka sa sarili mo... Nakita ko naman kung gaano ka kamahal ni Alden at sa totoo lang ngayon ko lang sya nakitang naghabol ng ganoon sa isang babae. At nakikita ko rin naman na mahal mo sya... kaya hindi ko alam kung bakit kailangang pahirapan mo ang mga sarili nyo..

MAINE: mahal ko siya kuya..pero.... sumuko na sya.... ayaw na nya...

Yayakapin ni Pao ang kapatid.

MAINE: Hindi na nya ako mahal.... Sumobra nga siguro ang ginawa ko sa kanya... Hindi ako nagtiwala...

PAO: Meng malaki ka na, alam mo na ang tama at mali.... Kapag nagmahal ka dapat kakambal nito eh tiwala sa partner mo... Kung hindi mo sya pinagkakatiwalaan,wala ring saysay ang love na nararamdaman mo.. Nagpapakaselfish ka kasi... Kung dapat magpaka brutal ako sayo gagawin ko para matauhan ka lang... Oo Meng ang selfish mo, kasi yung kapakanan mo lang ang iniisip mo, nagpapakasiguro ka sa nararamdaman mo, madamot ka.. ayaw mong ibigay ang buong puso.... hindi ganyan ang totoong pagmamahal Meng...

Yun lang at iiwan na ni Pao ang kapatid.. Maiiwan naman si Meng na patuloy na maiiyak..

SEQUENCE 177
DAY/INT Alden's condo

Nag-iisa si Alden sa condo niya, nakatanaw sa terrace. Malalim ang iniisip.. Babalik sa isip ang mga kalokohang pinaggagagawa niya dati.. Pagkaraan muling maiisip ang happy moments nila ni Meng sa Batangas.. Kung gaano siya kasaya at kakuntento sa mga oras na iyon dati.

ALDEN: I love you Beb, pero kung ito talaga ang gusto mo, handa na akong bitawan ka... Para mapatunayan ko kung gaano kita kamahal... sige lulubayan na kita pero sana lagi mong iisipin na mahal na mahal kita..

Tutulo muli ang mga luha ni Alden..

SEQUENCE 178
DAY/INT Maine's house

Lalabas sa entertainment room si Pao at papahiran ang luhang tumulo sa kanyang pisngi..

PAO: sorry sis, I need to do this para matauhan ka... Sana lang umepekto ang natitira kong plano para matulungan ko kayong dalawa ni Den.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon