Guys eto na uli ako.... Sana magustuhan nyo ang UD na ito...
Sa mga nagrerequest... haissttt kaya nyo yan... antay lang.... malapit na hahahha... kapit lang ha...
sobrang nakakatuwa yung mga comments nyo, kung paano kayo naaapektuhan ng "naughty", kung paano kayo kiligin, at maiyak... salamat sa mga patuloy nagbabasa nito...
Enjoy!!😆
SEQUENCE 285
DAY/INT Meng's house /salaBisita ni Meng si Tin.
TIN: Gurl kamusta ka na ba talaga? Namiss kita! Sobra!!!
Yayakapin ni Tin si Meng ng mahigpit.
MAINE: Namiss din kita noh! Kelan ka pa ba umuwi?
TIN: Last week lang pero alam mo na, dun lang ako sa Batangas nag stay muna.. sobrang namiss ako nina Mommy. Oo nga pala, May nakaline up akong charity ngayon, siningit ko talaga ngayong umuwi ako. Buti na nga lang sinalo ni kuya yung iba kong trabaho eh.
MAINE: Kelan ba at saan?
TIN: This weekend, somewhere in Mindoro.. Mag eenjoy ka dito, di ba gustong gusto mong pumunta sa mga liblib na lugar to help?
Nagdalawang isip si Meng na napansin naman ni Tin.
TIN: Why? Ayaw mo na ba talaga sa mga ganoong lugar?
MAINE: Hindi naman sa ganoon kaya lang kasi.. Hindi na pwede...
Hinimas ni Meng ang tyan niya na ikinagulat ni Tin, namilog ang mata niya sa gulat.
TIN: You mean? shocks!!
Tatango lang si Meng bilang confirmation sa hinala ni Tin.
TIN: Oh my gosh!! I'm so happy!! This is a surprise!!!! Magkakapamangkin na ako... sira ulo yung si kuya, hindi man lang sinabi sa min. For sure matutuwa sina mom and dad!!! Bakit umalis pa si kuya? Naku naman... Matawagan nga at nang mapagalitan!!
MAINE: Tin.... hindi nya pa alam...
TIN: Hindi alam ni kuya? Bakit? Hindi mo pa ba alam na preggy ka nung umalis sya?
MAINE: Alam... kaya lang kasi....
TIN: Meng tell me may problema ba kayo? that serious? Nagtaka ako nung biglang sinabi ni kuya na kahit habaan ko daw ang bakasyon ko dito.. medyo weird kasi ayaw na ayaw nun mag out of the country, kahit nga umuwi sa amin ayaw niya kasi ayaw niyang mapahiwalay sa iyo..
Tapos ayun nga.. Three weeks na din sya doon...Bubuntong hininga muna si Meng bago mag umpisang magpaliwanag.
MAINE: Its about trust... May trust issue sya sa akin feeling ko.. or sa kahit sinong tao... mahirap sa kanya yung magtiwala ng buo... magtiwala kahit pa sa mga taong mahal siya, mga taong mahal niya... Tapos hindi nya mapatawad ang sarili niya dahil sa mga nangyari sa kanila dati ni Kriz. Hanggang sa pagkamatay ni Kriz, sinisisi nya pa rin ang sarili niya... Naging madamot sya na i share ang miseries nya.. Look para saan pa ang pagiging girlfriend ko kung hindi ko sya madamayan.. Pero wala eh.. ayaw nya... parang naglagay siya ng harang between us... ayoko ng ganun Tin...
TIN: Naiintindihan kita Meng, ganyan din ang sinabi ko kay kuya dati nung nagkahiwalay sila ni Kriz. May ganoon talaga sya.. Ayaw niyang idamay ang mga taong mahal niya sa kalungkutan niya... pilit nyang in-isolate ang sarili nya sa iba..
MAINE: Pero ayoko ng ganun Tin.. Ayoko magmahal ng taong hindi buo.. Ayokong magmahal ng taong hindi ako mapagkatiwalaan... Hindi tama yun, parang naglolokohan lang kami.. Gusto ko kapag bumalik sya sa akin, maayos na sya... magiging maayos na kami... Mahal na mahal ko ang kuya mo kaya hinayaan ko syang umalis.. Mahal na mahal ko sya kaya hihintayin ko sya, hihintayin namin sya ng magiging baby namin... kahit mahirap gagawin ko...
Muli hindi na naman mapipigilan ni Meng ang mapaiyak... Walang magagawa si Tin kung hindi akapin na lang ang kaibigan.
TIN: Anuman ang mangyari Meng, always remember na nandito lang ako... Magkaibigan tayo... Pero sobrang salamat sa pag intindi sa nararamdaman ni kuya.... Salamat sa pagbibigay mo sa kanya ng chance na ayusin ang sarili niya.. Salamat at hindi mo sya sinusukuan...
Pupunasan ni Tin ang mga luha niya sabay matatawa.
TIN: Ano ba yan, naiyak din tuloy ako.. Hahahah!! Tara labas tayo! Ipagsho shopping ko ang pamangkin ko!! Super excited na ako... Ninang ako ha, hindi pwedeng hindi!
MAINE: Syempre naman.. Tita ninang ka ng baby namin..
TIN: Wahhhhhh!! Excited na talaga ako! Gusto ko ng makita ang pamangkin ko! Wait ilang months na ba sya? Weeks?
Ang tagal naman niya lumabas.MAINE: Grabe ka naman hahahhaha!! Two months pa lang sya... Salamat Tin nandito ka, at least nasabi ko na sa iyo, hindi ko pa rin kasi naasabi sa mga friends ko.
TIN: Hala two months na, naku kuya dalian mo!!! Kapag nainis ako sa iyo ako kakaladkad sa iyo pabalik dito sa Pinas.
MAINE: sana nga Tin bumalik na si Den. Miss na miss ko na sya... Sa totoo lang nahihirapan na din ako. Gusto kong nandito sana sya sa tabi ko habang lumalaki ang tiyan ko. Buti na lang suportado ako nina Mommy at Daddy, ni Kuya, pati na si Uno.
TIN: Uno?
MAINE: Kaibigan ko... Pupunta yun dito mayamaya.. Ipapakilala ko sa iyo...
TIN: Sure kang platonic lang yan ha... Naku Meng ayokong magkaron na naman ng balakid ang relasyon nyo ni kuya..
MAINE: Sigurado akong kaibigan lang ang tingin ko kay Uno, pero aaminin ko.... Nagsabi sya sa akin na may gusto daw sya sa kin, loko loko nga, willing daw syang maging substitute daddy habang wala pa si Den. Syempre hindi ako pumayag.
TIN: Aba dapat lang! Walang ibang pwedeng maging daddy si baby kundi si kuya lang, kahit pa ba substitute lang noh.
MAINE: O huwag ma high blood...Mabait si Uno promise... natutuwa lang ako sa kanya.. Actually gustong gusto ko nga syang makita lagi.
TIN: Aba Mukhang siya pa ata ang napaglilihian mo ah... Gwapo ba yan? Dapat gwapo ha!!
MAINE: Ikaw na ang humusga... parating na yun..
Para bang on cue, biglang lumitaw si Uno sa doorstep nina Meng.
MAINE: Uy Uno andyan ka na pala...
UNO: Hi Meng, may bisita ka pala... Wrong timing ata ang dalaw ko.
MAINE: Hindi Uno okay lang.. Tin sya si Uno yung kinukwento ko sa iyo. Uno sya naman si Tin, friend ko at sister ni Den.
UNO: Hi Tin! Ikaw yung galing Australia?
TIN: Hi! Yeah, may indefinite vacation ako hahahah! Depende kay kuya...
MAINE: Nag aaya kasi si Tin na mag shopping, sama ka na lang sa amin Uno.. please......
UNO: Oo ba..... Baka sumimangot yang baby mo kapag hindi kita pinagbigyan...
TIN: Dala ko yung car ko Meng, sa akin ka na lang sumabay para makapagkwentuhan pa tayo, convoy na lang tayo Uno if you dont mind?
UNO: Its okay.... So tara na?
Tatayo na nga ang tatlo para umalis.
SEQUENCE 286
DAY/EXT NAIAMakikitang naglalakad palabas ng airport si Alden.. Maya maya huhubarin niya ang shades na suot at saka titingala sa tirik na tirik na araw..
ALDEN: Sana ganito rin kainit ang pagwelcome mo sa pagbabalik ko Beb.. Ready na ako.... Hindi ko hahayaang may sumira ng relasyon natin.. Buti na lang talaga... Buti na lang.....
Maikli lang ang UD na ito pero alam ko nagustuhan nyo ito, lalo na yung last sequence.... Pinabalik ko na sya... dumadami na death threats sa akin eh... hahahahhah
Thank you sa mga naghihintay sa UD ko.... pasensya na din at walang regular sched ha, medyo sumasaliwa pa rin ang utak ko..
Badtrip pa din ako sa pagkatalo kagabi... huhuhuhu....
Till next update..... so what's next?

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...