DAY 26-A

4K 173 19
                                        


SEQUENCE 215
DAY/EXT Resort's Parking

Pasakay na sina Meng at Den ng kotse nang matatanaw ni Meng si Uno na pasakay na rin sa kotse nito. Agad niyang tatawagin ito.

MAINE: Uno!!! (Lilingon sya saglit kay Den) Beb, magpaalam lang ako sandali ha.

ALDEN: Do you need to?

MAINE: Beb saglit lang ako... please...

Magkikibit balikat na lang si Alden.

Lalapitan ni Meng si Uno.

MAINE: Paalis ka na rin?

UNO: Oo eh, may emergency sa resto kaya kailangang bumalik kaagad. Kayo? (Titingnan ni Uno si Alden na halata sa mukha na naiinip sa pag hihintay)

MAINE: Pareho lang pala tayo... kami din eh... Back to real world na.

UNO: So...... okay na kayo?

MAINE: (ngingiti ng matamis) yeah... hindi na ako nagpaka selfish just like what you said, mahal ko naman siya eh..

UNO: That's good... Oh mukhang inip na sya oh... I'll just see you when I see you.. hahaha

MAINE: Yeah!! Magkikita uli tayo ha "kuya"?

UNO: Oo naman... Magkikita pa talaga tayo.

Titingkayad si Meng para halikan sa pisngi si Uno. Pagkatapos tatalikod na sya para lapitan si Alden na nakasimangot dahil nakita ang paghalik ni Meng sa pisngi ni Uno.

MAINE: Tara na Beb.

Pagbubuksan sya ng pinto ni Alden at tahimik na iikot sa driver's seat. Nakasimangot pa din siya habang ini-start ang makina ng kotse. Maya maya lalayo na sila sa resort.

Habang si Uno na naiwan sa parking lot ay matalim na hinabol ng tingin ang dalawa.

SEQUENCE 216
DAY/EXT ROAD

Magkakasama ang magkakaibigang Chel, Vic at Kriz. Ihahatid nila si Kriz sa Las Pinas. Si Vic ang nagmamaneho ng sasakyan habang nag iisa sa likod si Kriz.

CHEL: Dont worry Kriz, mabait naman si Mitch. Huwag ka lang maarte at mataray.

VIC: Naku patay tayo dyan.

KRIZ: And what do you mean by that?

CHEL: Ayan ayan ang dapat mong iwasan kung gusto mong makasundo si Mitch.

KRIZ: Huh?

VIC: Iyan!! Yang pagtataray mo.. Bawas bawasan mo na yan.. Kaya ka napapahamak eh.

KRIZ: Anong magagawa ko kung ganito ako?

CHEL: Kriz mabait si Mitch sa mga taong kasundo niya, pero sa mga taong ayaw nya naku.... Tsaka hihingi lang tayo pabor sa kanya. Buti nga at pumayag.

KRIZ: Wala naman akong balak magtagal dun eh, pansamantala lang. Kokontakin ko pa rin si Den at sa kanya ako hihingi ng tulong.

VIC: Iniiwasan ka na nga di ba? Bakit ang hirap mong umintindi?

KRIZ: For sure kapag na-explain ko kay Den yung sitwasyon ko ngayon, tutulungan ako nun.

CHEL: Bahala ka na nga.. Hanggang ngayon naguguluhan pa din kami kung anong drama mo dyan sa ex-hubby mo.

KRIZ: Basta hindi nya ako pwedeng makita... Malaking gulo kapag nakita nya ako kaya kailangan kong magtago.

SEQUENCE 217
DAY/EXT Road

Wala pa ring kakibo kibo si Alden habang nagda-drive.

MAINE: Beb?

ALDEN: Hmmnnnnn

MAINE: Bakit ang tahimik mo po?

ALDEN: Wala lang...

MAINE: Wala daw..... Beb sige na sabihin mo na...

ALDEN: Kailangan mo pa ba talaga siyang halikan?

Tatawa ng malakas si Meng.

ALDEN: Pagtawanan ba daw ako? Hay naku!

MAINE: Kasi naman Beb. Yun pala ang dahilan kaya ka nakasimangot..

ALDEN: Ano pa bang pwedeng maging dahilan? Ayokong may iba kang hinahalikan! Dapat ako lang!

MAINE: Beb, pang kuyang halik lang yun. Tsaka pa thank you ko sa mga advice nya sa akin nung isang gabi.

ALDEN: Kahit na, okay na yung simpleng thank you eh, bakit kailangang may halik pa.

MAINE: Sige na... sorry na po... Hindi ko naman alam na ganyan ka kaseloso..

ALDEN: Beb... kasi naman eh...

MAINE: Sorry na nga po Beb. Hindi na uulit promise... Tsaka hindi naman kita ipagpapalit dun eh... mahal na mahal kaya kita... Hinding hindi ako lalayo unless ikaw na ang mismong magsabi nun sa akin.

ALDEN: I will never do that Beb.. I love you more...

Kukunin niya ang kamay ni Meng at hahalikan ito. Hihilig naman si Meng sa balikat ni Den.

SEQUENCE 218
DAY/INT Coffee Shop

Nagkita sina James at Apple.

JAMES: Apz nakausap mo na ba siya?

APPLE: Naku James hindi pa nga eh... Pero ang alam ko pabalik na sila ngayon ng Manila.

JAMES: Sino sino ba ang mga kasama nya sa Subic?

APPLE: Sina kuya Pao at ibang models.

JAMES: So possible na kasama nya din si-

APPLE: Si Alden.. Oo kasama sya.

Lulungkot ang mukha ni James.

APPLE: James....

JAMES: Its okay Apz, gusto ko lang naman siyang makausap para makahingi ng sorry sa mga nagawa ko...Tanggap ko nang ayaw na nya talaga sa akin.

APPLE: Hayaan mo I'll try my best para talaga makausap mo sya.

Hahawakan ni James ang kamay ni Apple na nakapatong sa mesa.

JAMES: Salamat talaga Apz, hayaan mo makakabawi din ako sa iyo.

SEQUENCE 219
DAY/EXT Road

Nagmamaneho na pabalik sa Manila si Uno.
Maya maya kukunin nya ang cp nya at magda-dial.

UNO: Hello Tita! Kamusta na po sya?....... Basta huwag na huwag nyo lang pong hayaang iwanang mag isa...... Opo... I'll be back as soon as matapos ito..... may inaasikaso lang po akong importante dito sa Manila....... Yes po........ Sige na po...

Puputulin na ni Uno ang tawag at muling magco-concentrate sa pagmamaneho.

UNO: Hintayin mo lang ako..... Malapit na.....



Again thanks for reading....😆

vote

comment

follow

spread


My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon