SEQUENCE 304
DAY/EXT GARAGEDahil bored na bored na sa bahay at medyo may pagka stubborn din naman talaga siya.
MAINE: Dahil ayaw mo ako payagan na sumama sa Pampanga, pwes susundan na lang kita dyan sa Batangas... Akala mo ha! Hahaha!!
Matapos makapagbilin sa mga maid nila, sasakay na si Meng ng kotse nya at saka magmamaneho palayo ng bahay nila.
SEQUENCE 305
DAY/EXT BeachMasayang magkakasama ang magkakaibigang Apple, Laine, Mhel at Sweet.
APPLE: Kawawa naman si Meng, hindi makagala.. Naawa ako sa boses niya.
LAINE: Para rin naman sa kanya yun eh..
SWEET: At sa baby niya.
APPLE: Sabagay, para din naman sa kanila ang paghihigpit ni Alden.
MHEL: Hindi nya ba kasama si Alden?
APPLE: Mukhang hindi eh.. Para ngang bored na bored na sya eh..
SWEET: Di ba sina tito at tita nasa bora naman, for sure si kuya Pao busy ngayon..
LAINE: Basta ganito na lang, pagbalik natin ng Manila puntahan natin sya agad.. Baka nga nagtatampo na yun..
MHEL: Thats a good idea. Planuhin na rin natin yung baby shower nya.
APPLE: Yiieee!! Excited na ako sa magiging inaanak natin, sana baby girl...
MHEL: Hahaha!! Sana nga!!
SEQUENCE 306
DAY/EXT BatangasTatawagan ni Alden si Meng.
ALDEN: Beb baka hindi ako makauwi later, malamang bukas pa. Ang arte ng buyer eh.
MAINE: Its okay Beb.
ALDEN: Wait ano yung naririnig ko? Are you on the road? Saan ka pupunta?
MAINE: Hahahaha!! I love you!
ALDEN: What the-
Hindi na sya matatapos sa pagsasalita dahil pinutol na agad ni Meng ang tawag niya..
ALDEN: Shitt Meng!!! San ka pupunta? Sinabi ng huwag aalis eh.
Ida dial nya uli ang number ni Meng pero recorded message lang ang maririnig nya.
Number naman ng kapatid na si Tin ang tatawagan niya.
TIN: Kuya bakit?
ALDEN: Di ba sabi ko sa iyo huwag mo ng pasamahin si Meng, dahil alam kong masama na ang pakiramdam nya kanina paggising!
TIN: Hindi naman talaga siya kasama kuya. Actually tinawagan ko pa nga sya kanina para i-convince na mas mabuting magpahinga na lang muna sya. Kasi nga nag aalala ka sa kanya dahil sabi mo masama pakiramdam niya.
ALDEN: Eh saan papunta ang babaeng yun?
TIN: Baka naman magpupunta lang sa mall. Tawagan mo na lang uli..
ALDEN: Sana nga sa mall lang sya pupunta. Pinatayan ako ng telepono eh.
TIN: Chill ka lang kuya.. Tama nga ang sinabi ni Meng kanina, masyado kang OA.
ALDEN: Masisisi mo ba ako?
TIN: Basta kuya kalma lang ha... Ang ligalig mo naman kasi talaga.
ALDEN: Tin!!
TIN: Sabi ko nga kalma ka na.. Sige na kuya medyo busy ako dito. Bye!
Pagkatapos ng tawag. Mapapasabunot na lang si Alden sa buhok niya.
ALDEN: Meng!! Iniinis mo talaga ako!! Ang tigas ng ulo mo!!! Ano bang gagawin ko sa iyo!! Talaga naman!!!
SEQUENCE 307
DAY/EXT RoadMasayang masaya si Meng habang nagda-drive, feeling nya malayang malaya sya.. Nasa bandang Nasugbu na sya.
MAINE: Yes nakaalis din ng bahay. Namiss ko mag drive ng ganito kalayo!! Malapit na ako sa inyo Beb. Excited na uli ako magswimming.. Yehey!!! Ikaw naman ang masu-surprise!!
Nang medyo makaramdam siya ng matinding pagkahilo, mapapayuko sya hawak ang ulo... dahilan para mawala sya sa tamang lane, pero huli na... Pag angat nya ng mukha makikita niya ang kasalubong na sasakyan na babangga sa kanya kaya naman kinabig na lang nya pakaliwa ang kotse, papunta sa gilid ng daan, pero dahil sa hilo pa din na nararamdaman, hindi nya matatantya at babangga sya sa isang puno doon.. saka sya mawawalan ng malay..
********TIME LAPSE***************
SEQUENCE 308
NIGHT/INT HOSPITALNagising si Meng sa hindi pamilyar na lugar sa kanya. Makikita niya na nakaupo sa tabi niya na natutulog si Alden. Hawak hawak nito ang isang kamay niya.
Mayamaya maaalala niya ang nangyari sa kanya kanina sa daan saka mare-realize na nasa hospital sya..
Mararamdaman naman ni Alden na nagising na si Meng. Yayakapin niya agad ito.
ALDEN: Beb! Thank God at gising ka na.. Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa iyo? Tinakot mo ako...
MAINE: Masakit lang ang ulo ko at hita ko..
Nang maaalala ang baby nila, kakapain ni Meng ang tyan nya... Mayamaya magtatakang magtatanong kay Alden.
MAINE: Beb?
Tutulo lang ang luha ni Alden bilang sagot..
MAINE: Dont tell me?! Please dont tell me?! Ang baby ko!!!
Tuluyan ng iiyak si Meng, yayakapin naman siya ng mahigpit ni Alden.
ALDEN: Beb, makakasama sa iyo... please...
MAINE: No!! Hindi totoo to di ba? Tell me jino-joke mo lang ako... Please..... Huwag naman ganitong biro..... Huwag ganito.. please... hindi ko kakayanin..
ALDEN: Mahal kita Beb.... Mahal na mahal ko kayo.... But......
MAINE: Not my baby please!!!
ALDEN: Huwag mong sisihin ang sarili mo! Walang may gusto nito... Hush!!
Hahalik halikan ni Den ang buhok ni Meng habang yakap yakap pa rin ito.
MAINE: Bakit ganun?!!
ALDEN: Tama na Meng.. Parating na ang mommy at daddy mo, si Pao susunod na din daw.
Patuloy na iiyak si Meng to the point na naghihisterya na kaya walang magagawa si Alden kung hindi tawagin ang nurse.
Lalapit naman ang nurse para turukan si Meng ng pampatulog..
Mayamaya makakatulog na uli si Meng.
ALDEN: We have to be strong Beb.. Nandito lang ako. Sabay nating haharapin ito.. Mahal na mahal kita.. Pero please magpahinga ka muna.. Babantayan kitang mabuti.
Walang tigil na hahalikan ni Alden ang kamay ng natutulog na si Meng.
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanficIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...