DAY 34-B

3.6K 163 19
                                        

Heto uli ako... samantalahin habang gumagana ang utak...

Enjoy!!! 😆

Cont.......

Habang nasa taxi papunta sa condo nya ay halos hindi mapakali si Alden. Sobrang miss na miss na nya si Meng. Kung pwede lang na dumiretso na sya papunta sa bahay nina Meng eh, pero naisip nya na dapat muna syang mag ayos. Gusto nya gwapong gwapo sya sa muling pagkikita nila ng girlfriend niya.

Maaalala niyang muli ang pag uusap nila ng nakilala at naging kaibigan sa pag stay niya sa ibang bansa.. Pinaintindi nito sa kanya na hindi masamang patawarin ang sarili niya... Pero bago niya mapatawad ang sarili dapat daw muna niyang tanggapin ang lahat ng nangyari sa buhay niya...

Sa mga sinabi nito, naliwanagan siya. Unti unti niyang natanggap ang mga ginawa sa kanya ni Kriz... Pati na ang mga naging pagkukulang nya rito... Mataimtim din siyang nagdasal para sa kaluluwa nito, sa pamamagitan din ng dasal eh nanghingi siya ng tawad kay Kriz.

Sa ngayon sigurado siya, napatawad na niya ang sarili niya... Natanggap na niya ang mga nangyari sa buhay niya... Ginawa niya ito ng mabilis dahil alam niyang may naghihintay sa kanya... Mahal na mahal niya si Meng..


SEQUENCE 287
DAY/INT Condo

Magpapahinga lang saglit si Alden, habang nakahiga lang, hindi nya maiwasang maalala ang naging usapan nila ni Miggy ng kontakin sya nito. Ang rason kaya din napadali ang pagdedesisyon niyang bumalik agad ng Pilipinas.

FLASHBACK

MIGGY: Thank God Den at nakontak din kita.

ALDEN: Ano ba yun Migs at parang sobrang urgent naman niyan.

MIGGY: Hanggang kelan ka ba diyan?

ALDEN: Hindi ko pa alam eh.

MIGGY: May ico- confess sana ako eh, pero ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad.

ALDEN: Hala ano ba yan? Parang kinakabahan ako ah..

MIGGY: Si Uno kasi, may masama siyang balak sa iyo, sa relasyon nyo ni Meng. Plano nyang gantihan ka dahil daw sa panloloko mo kay Gabbie.

ALDEN: Gabbie? Anong kinalaman ni Gabbie dito?

MIGGY: Kapatid niya si Gabbie...

Nagpatuloy pa ang pagkwekwento ni Miggy kay Alden. Aaminin niya, nagalit siya kay Miggy pero sa huli pinatawad na rin niya ito at nagpasalamat sa pagsusumbong nito sa kanya.

ALDEN: Meng heto na ako, ready na akong kunin ang talagang dapat sa akin... Hindi ako papayag na sirain lang tayo ng kung sino. Hindi ako papayag na utuin at lokohin ka lang ng nagpapanggap na kaibigan mo.



SEQUENCE 289
DAY/INT Mall

Magkasamang namamasyal sina Meng, Tin at Uno.. Si Uno ang tagabitbit ng lahat ng napamili nila.

MAINE: Okay ka lang ba diyan Uno?

UNO: Oo naman... syempre naman.. Pero pwede bang humanap muna tayo ng resto. Kumain muna tayo..

MAINE: Sige ba...

Babaling si Meng kay Tin na kasalukuyang may binabasa sa cellphone.

MAINE: Tin, tara na.. Let's eat first...

TIN: Ahmm Meng nagtext si Mommy. I need to go back kasi medyo may gulo daw sa isang gasoline station namin..

MAINE: Ayyyyy sayang naman..

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon