DAY 30-A

3.4K 140 17
                                    

As I promised eto na bagong UD... nilulubos lubos ko na habamg gumagana pa ang utak ko... ramdam ko malapit na syang magsabaw...

Enjoy!!

SEQUENCE 256

Paggising ni Meng, bahagya siyang babangon para makaupo sa kama niya at aabutin ang picture nila ni Alden na nakapatong sa bedside table niya.... hindi na naman nya napigilan ang pag iyak...

Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari ng nakaraang gabi.... kung gaano kasakit ang ginawa ni Alden, mas higit sa pisikal na sakit ang mga narinig nya na sinabi sa kanya nito...

Maya maya magriring ang cellphone nya...

UNO: Good morning!

MAINE: Good morning Uno!

UNO: I bet kagigising mo lang.... at umiiyak ka na naman noh?

MAINE: Hahaha tama ka dyan...

UNO: Kamusta ka naman? Huwag na masyadong umiyak ha... sige ka papangit ka nyan..

MAINE: Eto na nga mag smile na po ako.... why did you call? Ang aga aga... Tsk tsk tsk..

UNO: Naku sorry nakaistorbo pala ako... tatawag na lang po uli ako..

MAINE: Sira! Binibiro lang kita..

UNO: Hayyy at least nakakapagbiro ka na... wait tumawag lang ako just to remind you about tonight.

MAINE: Tonight?

UNO: Ay ayan tayo eh... nakalimutan kaagad... yung welcome party ni Sarah..

MAINE: Ay oo nga... sorry nakalimutan ko.. pero Uno pwe-

UNO: Hep!! Hindi pwedeng mag no.... wala ka namang gagawing dyan... for sure magmumukmok ka lang at iiyak dyan sa kwarto mo... kaya susunduin kita mamayang seven ha...

MAINE: Hayyyy ano pa nga ba... sige na nga po..

UNO: Very good baby... magbreakfast ka na ha...wag na masyadong umiyak..  see you tonight.....

Nang matapos ang tawag, mapapatingin si Meng sa picture frame na hawak nya pa rin pala..  pagkaraan papahiran ang mga luha sa pisngi at muli iyong ilalapag pero pataob na... saka magpupunta ng banyo para maligo...



SEQUENCE 257
DAY/INT Uno's house


May kausap uli si Uno sa telepono.


UNO: So anong nangyari? Mas mabilis pa ata akong trumabaho sa iyo eh..

MIGGY: Eh missing in action nga si Alden ngayon... simula pa nung isang araw hindi ma contact...

UNO: Hindi bale na... ako na lang ang bahala.

MIGGY: Ano ba talaga ang plano mo kay Den? Hindi mo naman siguro sya papatayin di ba? Maloko lang yun sa babae pero mabait naman yun super.. ano ba talaga ang ginawa nya sa iyo?

UNO: Sinabi ko bang magtanong ka?! At alalahanin mo, kapag may nakaalam nito, mawawalan ka ng trabaho....damay damay tayo dito..

MIGGY: Sabi ko nga... basta yung bayad ha... kailangang kailangan ko ng ipadala yun eh..

UNO: Oo na...ipapa deposit ko na mamaya sa secretary ko.



SEQUENCE 258
DAY/INT Hospital (afternoon)

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon