SEQUENCE 182
DAWN/EXT Building (parking lot)Makikita ang ilang van na nakaparada, may mga sakay na models ang ilang sasakyan.
MAINE: Kuya hindi pa ba tayo aalis? Nakakahiya sa ibang kasama natin oh..
(Titingin sa mga van na halos puno na)PAO: Meng wait lang.... May hinihintay pa tayo.
Maya maya may hihintong isang sasakyan.. Lalabas mula rito si Alden na fresh na fresh tingnan.
Wearing a sando and shorts. Mapapatitig naman dito si Meng dahil hindi inaasahan na kasama pala ang lalaki, maya maya lilingunin niya ang kanyang kuya ng may pagtatanong..Hindi naman papansinin ni Pao ang tingin ni Meng sa kanya. Habang si Den ay tatapunan lang ng saglit na tingin si Meng.
PAO: Mabuti naman at dumating ka na Den.
ALDEN: Sorry medyo na-late na ako ng gising eh... pasensya na talaga...
PAO: Okay lang Den, bawing bawi ka kasi ang yummy mo this morning! Hahahah
Mauuna na sa van si Pao, kasunod si Meng..
PAO: Ay miggy may space pa ba?
Makakatunog naman si Miggy sa gustong mangyari ni Pao.
MIGGY: Mamu parang isa na lang ang kakasya dito...
PAO: Naku paano ba yan.. teka nga...
Lalapit uli si Pao kay Alden habang si Meng ay maiiwang nakatayo sa labas ng isang van.
PAO: Den may problema tayo..
ALDEN: Ano yun Pao? Baka makahelp ako..
PAO: Talagang makakatulong ka, kasi may iba pang models na nagsisamahan,ngayon lang mga nagsipagsabi kaya hindi ko natantya yung spaces sa van... Baka naman pwedeng auto mo ang gamitin?
ALDEN: Sure! Yun lang pala eh,sino sino ba ang sasabay sa akin? Ikaw ba at si Migs? O yung ibang models?
PAO: No isa na lang naman ang hindi makakaupo eh... salamat talaga ha, wait lang at tatawagin ko siya...
Babalik sa van si Pao at lalapitan ang kapatid na abalang naglalaro sa kanyang cellphone.
PAO: Migs pakiabot nga ang gamit ni Meng?
Maguguluhan naman si Meng.
MAINE: Kuya what's happening? Bakit nilalabas ang gamit ko? Hindi na ba ako sasama?
MIGGY: Wala na kasing space dito Meng, besides puro lalaki ang andito oh...
MAINE: Eh san ako sasabay?
PAO: Eh di kanino pa? eh di sa mamang pogi na nag aanyaya ng isang libong ligaya ang biceps...
MAINE: Pero kuya!!
PAO: Tigilan mo ako ng kaaartehan Nicomaine! Ginagawan na kita ng pabor.
Aakayin ni Pao ang kapatid papalapit kay Alden. Si Alden naman medyo magugulat na si Meng ang kasama ni Pao.
PAO: Den si Meng na lang ang isabay mo, puro lalake na kasi ang laman ng van namin eh..
ALDEN: (Titingnan muna si Meng)ahhmmmm sige ba... kung okay lang sa kanya?
PAO: Syempre okay lang kay Meng.. di ba Meng?
MAINE: Ahmmm oo naman... kung hindi nakakahiya sa iyo.
PAO: O sya tara na nang hindi tayo tanghaliin sa daan. Den alalay lang sa pagmamaneho ha, itetext ko sayo ang address ng resort.. Ingatan mo ang kapatid ko ha.
Lalayo na si Pao sa dalawa.. Habang ang dalawang naiwan ay tila naiilang pa sa isa't isa.
Pagbubuksan ni Den ng pinto ng kotse si Meng. pagkaraan sasakay na sya sa driver's seat.
ALDEN: Hmmmmmm good morning pala...
MAINE: Good morning din...
ALDEN: Ahhmmmm sige... pano ba ito?... kung inaantok ka pa, pwede kang mag nap na muna, dont worry mag iingat ako sa pagmamaneho..
MAINE: Sige salamat medyo inaantok pa nga ako eh.
Bago i-start ni Den ang makina, yuyuko siya sa tagiliran ni Meng, mapapasinghap naman si Meng sa pagkabigla..
ALDEN: Nakalimutan mong ikabit ang seatbelt mo.
MAINE: Ahhmmmmm sorry, nawala sa isip ko... thanks..
Ngingitian lang siya ni Alden at magsisimula nang patakbuhin ang sasakyan...
Habang nagmamaneho, magpapatugtog si Alden ng music...
Paglingon niya ay mapapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Meng.. Maya't maya niya itong susulyapan.. Mapapansin niyang tila hindi ito kumportable sa pwesto nito kaya ihihinto nya muna ang kotse sa isang tabi para kabigin ang ulo nito at isasandal sa kanyang balikat.
Paaandarin niyang muli ang kotse na may malapad na ngiti sa kanyang labi..ALDEN: I love you Beb... ikaw lang at wala ng iba...
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanficIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...