Dahil #ALDUB9thMonthsary syempre dapat connnected sa 9 months din ang UD ko...
Enjoy...... 😆😆😆😆
SEQUENCE 280
DAY/INT Alden's condoNakapag isip na ng mabuti si Alden... Narealize na nya kung ano ang mga mali niya... kung ano ang pinagdamot nya kay Meng.. Kung gaano niya nasaktan si Meng dahil sa pagiging selfish niya.
At nakapagdesisyon na siya... Kukunin niya ang cellphone nya at tatawagan ang kapatif na si Tin.
SEQUENCE 281
DAY/INT HospNasa private room na si Meng nang magkamalay. Makikita niya si Pao na nakaupo sa tabi niya.
MAINE: Kuya... bakit ako nandito? Anong nangyari?
PAO: Nawalan ka ng malay habang kausap mo si Alden kanina kaya dinala ka nya dito...
Pagkarinig sa pangalan ni Alden, muli... maiiyak si Meng...
PAO: Huwag ka nang umiyak... makakasama sa kalagayan mo... Baka pumangit ang pamangkin ko..
Nagtatakang titingin si Meng kay Pao..
PAO: Yes Meng.. You are 5 weeks pregnant... magkaka baby ka na... kayo ni Alden...
Sa narinig lalong maiiyak si Meng..
Yayakapin naman siya agad ng kapatid.
PAO: Ssshhhhh sabi ng huwag umiyak eh... Kung anuman ang problema nyo ngayon ni Den, maayos din yan...
MAINE: Kuya bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan hindi kami maayos ni Den?
PAO: Maayos din yun... Malay mo si baby magiging daan para maging maayos kayo...
MAINE: Happy ako na magkakaron na kami ng baby ni Den pero natatakot din ako...
PAO: Meng wag kang matakot... remember, lagi kong sinasabi sa iyo na lagi akong nandito for you... kami nina Mom and Dad... Mahal ka namin...
MAINE: Salamat kuya..
Mayamaya may kakatok, saka tahimik an papasok si Alden...
PAO: Lalabas na muna ako Meng ha, bibili lang ako ng kape...
Tatango lang si Meng.. Habang si Alden ay pilit na ngingit kay Pao..
Nang makalabas na si Pao, uupo sa tabi ni Meng si Alden.
ALDEN: Kamusta ka na? Pinag alala mo naman ako.. Ano bang nangyari?
MAINE: Nahilo ako di ba?
ALDEN: ahmmmm nahihiya na ako sa iyo sa totoo lang... hindi ko alam kung paano mah umpisa... Meng... Patawad.... alam ko kulang pa yan sa lahat ng nagawa ko sa iyo... alam ko, ako ang dahilan kaya ka nandito ngayon... sising sisi na ako...
Yung sinasabi mong madamot ako... oo siguro nga madamot ako... sige... talaga ngang madamot ako... pero ginawa ko lang yun kasi ayaw kitang madamay pa...
Ayokong maapektuhan yung relasyon natin... kasi akala ko ito ang tama... ito ang tamang gawin...Titingnan niya ng diretso sa mga mata si Meng...
Si Meng naman unti unti na namang namumuo ang mga luha niya...
ALDEN: Alam mo na naman yung tungkol kay Kriz di ba? Sya yung ex ko na sobrang nakakabit na yata sa pangalan ko... babaeng sobrang minahal ko.... dati.....
Yung babaeng halos kalabanin ko na buong pamilya ko para lang ipaglaban siya... yung relasyon namin... ....... na kakayanin kong talikuran ang lahat para lang sa kanya... pero anong ginawa niya...... binalewala nya lang.... inuna nya ang pangarap niya.... pangarap niya daw yun eh..... pinili nya yung letseng pangarap nya, kapalit ng dapat eh pamilya namin...

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanficIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...