DAY 40-A

4.3K 188 16
                                    

Guys dapat isang bagsakan ko na lang itong day 40 eh pero since tingin ko miss na natin ang naughty sige eto yung part 1 ng day 40, hindi ko matiis eh.. baka kasi matagalan na naman yung iba...

Pasensya na at ngayon lamg uli nakapag UD.

Enjoy....😆


TIME LAPSE ULI TAYO

SEQUENCE 319
DAY/INT ROAD

Magkakasama na sa sasakyan sina Meng at mga kaibigan niya, papunta na sila ng Batangas.

MAINE: Alam nyo may napapansin ako sa inyo.

APPLE: At ano naman yun?

MAINE: Parang ang weird nyo ngayon. Hindi ko ma explain eh, pero may kakaiba..

LAINE: Luh?! Hay naku, napaparanoid ka lang...

MHEL: Ano naman magiging kakaiba sa amin?

MAINE: Basta may kakaiba.

SWEET: Ang mabuti pa, matulog ka na lang kaya muna... kung ano ano ang naiisip mo. Mukhang puyat ka oh..

MAINE: Puyat nga ako.. Nahirapan na naman kasi akong matulog sa gabi...

APPLE: Hay naku, huwag ka na masyadong mag isip.. Hayaan mo yang mga worries mo... Mawawala din yan.. You have to be extra beautiful, lalo na mamaya?

MAINE: Mamaya? Anong meron mamaya?

Narealize naman ni Apple ang mali niya buti na lang may naisip syang dahilan agad.

APPLE: Kasi nga mag boys hunting tayo mamaya for you, thats why you have to be pretty...

SWEET: Thats right... kaya relax ka lang.. Bawal ma stress.

Hindi na lang makikipagtalo si Meng, matutulog na lang sya dahil totoong antok na antok sya dahil sa pagpupuyat..


SEQUENCE 320
DAY/EXT Beachhouse

Samantala hindi mapakali si Alden, mayamaya kinausap na nya si Tin.

ALDEN: Ano Tin nasaan na daw sila?

TIN: Relax kuya... Katext ko si Apple, bandang Tagaytay na daw sila..

ALDEN: Kasama ba talaga nila si Meng?

TIN: Para kang sira, syempre kasama nila... kaya mag relax ka lang muna diyan at baka mahimatay ka pa...

ALDEN: Kinakabahan kasi talaga ako eh...

TIN: Alam mo kuya, natutuwa ako sa iyo. At the same time proud din ako sa iyo.

ALDEN: Proud?

TIN: Kasi eto... Sa dami ng nangyari, pinapatunayan mo kay Meng kung gaano mo siya kamahal...

ALDEN: Ganito ko sya kamahal Tin. Hindi ko na alam how will I live without her..

TIN: Hindi ko in-expect na magiging ganito ka.. Na magiging ganito ka kaseryoso ma inlove.. Imagine my super playboy kuya, nainlove head over heels sa friend ko..

ALDEN: Iba kasi si Meng. Sa kanya ko lang naramdaman yung ganito. Alam ko maikli pa lang yung panahon na magkasama kami, na magkakilala kami pero feeling ko ang tagal tagal ko na siyang nakasama. Ang tagal tagal ko na syang kakilala.

TIN: Sa dami ba naman ng nangyari..

ALDEN: Yun nga eh.. Kaya naman hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami.. Hindi na ako papayag na may mangyari na naman para mapaghiwalay kami.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon