Pasensya medyo natagalan ito, hindi pala medyo, matagal pala talaga,dapat kasabay to ng GGMY eh.. Medyo nagsasabaw na naman plus puro pakilig ang MAICHARD ngayon, so hindi ako makabwelo nito..
SEQUENCE 240
DAY/INT Alden's condoKatatapos lang magshower ni Alden, nang maya maya magriring ang cellphone nya, pagkabasa sa pangalan ni Wally, agad niya itong sasagutin.
ALDEN: O pre! Anong atin?
WALLY: Nabalitaan mo na ba?
ALDEN: Nabalitaan? Ang ano?
WALLY: Si Kriz pare!! Wala na!
ALDEN: Oh bumalik na sa Japan? Buti naman....
WALLY: Hindi pre, wala na sya as in deads na, di ba tumawag ako sa yo kasi nga hindi sya umuuwi, hindi na talaga siya umuwi, may tumawag na lang na pulis kay Chel nakita daw sa bakanteng lote, patay na... Ang sabi hindi naman daw nanakawan kasi kumpleto pa rin ang gamit sa bag, sinadya daw talaga ang pagpatay... hindi pa ata tapos ang autopsy, si Vic lang din ang nagkwento sa akin,pautal utal pa... hello pre?! Andyan ka pa ba?!
Parang hindi na naintindihan ni Alden ang lahat ng sinabi ni Wally sa kanya, ang tumatak lang sa utak niya eh patay na si Kriz.. Parang mauupos siya na napaupo sa kama....
WALLY: Pre!!! Anong nangyari sa yo? Are you still there?
Medyo matatauhan si Alden at marerealize na kausap nya pa pala si Wally.
ALDEN: Pre pasensya na...
WALLY: Akala ko kung ano na nangyari sa iyo eh... Kahit ako hindi rin makapaniwala na nangyari sa kanya yun, kahit naman ganun yun eh kaibigan natin si Kriz.
ALDEN: May idea kayo kung sino gumawa sa kanya nun?
WALLY: Ang hinala nina Vic at Chel eh si hapon.
ALDEN: Hapon? Sinong hapon?
WALLY: Yung asawa niya, hindi pa naman pala talaga hiwalay sila, nakulong lang si hapon dahil nagsumbong si Kriz sa mga pulis.
ALDEN: Paanong ganun?
WALLY: Ewan ko pre, magulo ang detalye eh.. Pero kung hindi ka busy ngayon,baka pwede samahan mo naman si Chel at yung pinsan nya. Pakialalayan... Itetext ko ang address..
ALDEN: Sige pre, pakitext na lang agad.. Pupuntahan ko sila.
Pagkatapos ng tawag, muling parang manghihina si Den. Hindi ordinaryo na makakatanggap ng ganung balita... Maalala din yung huling time na nagkita sila ni Kriz. Yung time na halos magmakaawa si Kriz sa kanya habang nanghihingi ng tulong pero binalewala niya. Agad agad tutulo ang luha para sa babaeng minsan eh minahal din niya... Maya maya muling tutunog ang cellphone, nang basahin nya, address na ipinadala ni Wally...
SEQUENCE 241
DAY/INT DiningMagkasalo sa tanghalian ang mag inang Isadora at Maine.
ISADORA: Meng himala, wala yata kayong lakad ngayon ni Alden?
MAINE: May inaasikaso lang sya kaninang umaga mom, pero susunduin nya ako maya maya.
ISADORA: Ganun ba? Hmmmnnnn mukha namang mabait na bata iyon at sa tingin ko eh inlove na inlove sa iyo..
MAINE: Siyempre naman, ang ganda ko kaya.. hahahaha!!
ISADORA: Graduate ka na naman Meng, hindi naman kami tututol kung sakaling gusto mo nang mag asawa...
MAINE: Mommmmm matagal pa yun..
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...