SEQUENCE 39
DAY/EXT GarageNaghahanda na sa pag-alis si Meng
ISADORA: Meng sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa driver?
MAINE: Mom kaya ko naman po eh. Dont worry.
ISADORA: Hindi ko naman maiwasang mag worry kasi naman yung nangyari last time.
MAINE: Mom nagkataon lang po yung last time, at saka pina check ko naman po sa talyer yesterday itong kotse.
ISADORA: Kasi naman bakit hindi ka na lang sa Zambales magpunta?
MAINE: Para ano? Para lagi pong ipaalala ng mga relatives natin dun ang nangyari sa amin ni James.. At saka mom safe naman po kina Tin, mabait po ang parents nya, besides nakilala nyo na din naman si tita Pamela.
ISADORA: Yun nga lang kahit papano kilala ko si Pamela, pero mag iingat ka dun ha, wag magpapasaway
MAINE: Hahaha kelan ba ako naging pasaway?
ISADORA: Asus, kung hindi ko pa alam na napakapilya mo..
MAINE: Hahahah! Opo mommy.. I'll go ahead na po para hindi ako tanghaliin sa byahe. (Hahalik siya sa pisngi ng ina)
ISADORA: Sige mag iingat sa pagda drive. Bye iha.. tatawag lagi ha..
SEQUENCE 40
DAY/INT Alden's room (province)Magigising si Alden sa katok sa kanyang kwarto
MANANG GIE: Alden gising na.. naka prepare na ang almusal mo.
ALDEN: Good morning Mang Gie!! Sarap ng tulog ko.. (mag iinat si Alden) na-miss ko to!! Anong oras na po ba?
MANANG GIE: Alas sais pa lang. Ikaw kasing bata ka,ewan ko ba naman kung bakit hindi ka umuuwi dito. Bangon na anak at baka dumating na ang bisita..
ALDEN: Ay oo nga pala.. muntik ko ng makalimutan yung bisita natin. Manang nandyan po ba si Mang Jose? Yung kotse kasi puro putik yung nadaanan ko kagabi.
MANANG GIE: naku wala sya, nagpaalam na dadalaw muna sa anak nya sa Balayan at may binyagan daw.
ALDEN: Ganun po ba? Sige ako na lang po ang maglilinis ng kotse.
MANANG GIE: O sige bumaba ka na at nakahanda na ang agahan mo..
SEQUENCE 41
DAY/EXT ROADKausap ni Maine ang kapatid na si Pao sa telepono.
MAINE: Kuya pano ako magpapaalam sayo eh ang sarap ng tulog mo..
PAO: Sana ginising mo pa rin ako.. mamimiss kita sis.
MAINE: Parang sira si kuya.. Batangas lang ang punta ako at hindi outer space.
Ang lapit lang kaya.
(May maririnig si Meng sa makina nya na kakaiba). Wait lang kuya..PAO: Why Meng? Anong nangyari?
MAINE: Wala kuya.. okay lang ako..
PAO: Are you sure?
MAINE: Yes kuya.. malapit na din naman ako sa bahay nina Tin. Bye kuya!
PAO: Ingat ka dyan,tatawag lagi. Bye sissy!
SEQUENCE 42:
DAY/INT Dining RoomHabang nag aalmusal si Alden lalapit ang maid at iaabot ang telepono.
Maid: Kuya telepono po, si Ate tin.
Aabutin ni Alden ang telepono
ALDEN: My dear sister!! Kamusta ka na?
TIN: Kuya naman bakit hindi nyo sinabi sa akin na wala sina mom and dad, pano na lang yung bisita ko, parating na yun dyan.
ALDEN: Ano bang problema? Andito naman ako.
TIN: Yun nga ang problema kuya, andyan ka. Kaya pupunta si Meng dyan para magbakasyon, makapagpahinga, makapag isip.
ALDEN: So? Anong problema sa akin?
TIN: paano matatahimik yun eh napakaligalig mo. Kuya sinasabi ko sa yo ha.. Not my friend please..
ALDEN: Ito naman parang ang sama ng tingin sa akin, kapatid ba talaga kita? Hahahah
TIN: Kapatid mo nga ako kaya kilala kita.
Basta kuya ha.. behave please..ALDEN: Yes ate Tin.. hahaha.. bye na at nag aalmusal ako..
SEQUENCE 43
DAY/EXT RoadIhihinto ni Maine ang kotse sa harapan ng isang tindahan. Magtatanong sya sa mga tao doon.
MAINE: Magandang araw po. Magtatanong po sana ako kung saan po ang pinakamalapit na talyer dito..
TAMBAY: Ay ineng, ano ga ang nangyari sa awto mo?
MAINE: Medyo may problema po ata sa makina.. parang may umuugong.
TINDERA: ay ganun ba? Nakow malapit lang naman ang talyer dine. Maupo ka muna at pasasamahan kita kay tutoy.
(Sisigaw) Tutoy! Tutoy!! Parine ka nga!!MAINE: Maraming salamat po.
SEQUENCE 44
DAY/EXT GarageLalabas si Alden para linisin ang kotse, pero mapapahinto sya sa paglalakad dahil mapapansin nya ang isang bagay na nakatakip ng lona. Mapapangiti sya sa maaalala. Aalisin nya ang takip nito.
ALDEN: hmmnnn may gasolina, galing talaga ni dad. Kaya lang parang medyo malambot ang gulong... (sasakay sya sa motor) pwede... aabot pa to kina mang Temyong para mapabombahan.. (pasigaw)
Manang Gie! Lalabas lang po muna ako saglit..
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...