SEQUENCE 107
DAY/EXT BeachhouseNakasakay na sa kotse sina Alden at Maine pabalik sa bahay nina Alden. Tahimik lang si Meng habang nagdadrive si Den. Papansin niya ito.
ALDEN: Beb?....
Lilingunin sya nito..
ALDEN: Bakit ang tahimik mo ata.. Problem?
Huhugot muna ng buntong hininga si Meng bago sumagot.
MAINE: Natatakot lang ako Beb..
ALDEN: Natatakot saan?
MAINE: Eto.... sa haharapin natin pagbalik natin... sa mga taong involve sa atin.. Parang ang bilis pala ng mga nangyari noh?
Ihihinto.muna ni Alden sa tabi ang kotse.
MAINE: O bakit tayo huminto? May problema ba?
ALDEN: Halika nga dito beb... (yayakapin niya ng mahigpit si meng)
Beb... anuman ang mangyari... isipin mo lang... ikaw at ako.... tayong dalawa...Titingalain ni Meng si Alden at gaganti ng yakap dito. Ipagpapatuloy na ni Alden ang pagmamaneho.
Aabutin ni Alden ang isang kamay ni Maine at hahalikan yon at itatapat sa dibdib niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela..
MAINE: Beb yung kamay ko..
ALDEN: Mamaya na beb... gusto ko lang hawakan ang kamay mo.. please....
Isasandal na lang ni Maine ang ulo sa balikat ni Maine habang si Alden ay patuloy sa pagmamaneho habang hawak pa rin ang isa nyang kamay.
SEQUENCE 108
DAY/INT RestaurantMAVIC: hanggang ngayon ba hindi pa din kayo nag uusap ni Kriz? Ano ba naman kayong dalawa!
CHEL: Hay naku naiinis ako sa kanya... habol ng habol kay Den eh sya naman may kasalanan kung bakit sila naghiwalay..
MAVIC: Asus nagseselos ka lang ata.. I still remember yung sinabi mo sa akin nung umalis si Kriz papuntang Japan.
CHEL: Sinabing alin?
MAVIC: Yung mabuti nga at umalis na sya para masolo mo na si Den..
CHEL: Ssshhhhh wag ka maingay.... hahahhaha
At magtatawanan na lang ang dalawa..
SEQUENCE 109
DAY/INT Paolo's officePapasok si Pao at makikitang subsob sa computer nya si Miggy habang nakasimangot.
PAO: O bat sambakol na naman yang pagmumukha mo..
Hindi sasagot si Miggy.
PAO: balita ko dinalaw ka ni Mavi sa condo mo ah.
MIGGY: Hay naku Mamu....
PAO: Ang arte arte mo dyan...
MIGGY: Hindi ko kasi alam kung tatanggapin ko uli sya... pero nate-tempt ako...
PAO: Asus alam ko namang konting hipo at lambing lang sayo eh bibigay ka na..
MIGGY: Kasalanan ko bang maging marupok mamu?
PAO: Hay ewan ko nga sa iyo! Mag trabaho ka na nga lang!
MIGGY: Mamuuuuu!!!!
SEQUENCE 110
DAY/EXT GateKapaparada lang ni Alden ng kotse nya sa labas ng bahay nila.
ALDEN: Naku mukhang wala pa rin sina Manang ah...Dyan ka muna beb at bubuksan ko lang ang gate..
Bago bumaba, hahalikan nya muna sa labi si Meng.
MAINE: Beb baka may makakita sa atin..
ALDEN: So what? Hahahah ( at tuluyan na ngang bababa ito ng kotse para buksan ang gate)
Pagkabukas ng gate, papasok uli si Alden sa kotse para maipark sa garahe ang kotse.
Aalalayan niya pababa si Meng pero nakaisip ng kalokohan.
Isasandal nya sa kotse si Meng at bibigyan ng matagal na halik... Hindi naman maiiwasan ni Meng na sagutin ang halik ni Alden... pero marerealize na bukas pa pala ang gate.MAINE: Beb... yung gate....
ALDEN: Oo nga pala... I can't get enough of you kasi beb.... ewan ko ba... (at yayakapin ng mahigpit si Meng para ipadama ang nais nyang sabihin)
Hahampasin naman ni Meng ang braso ni Alden dahil naramdaman nya ang ipinapaintindi ni Den sa kanya..
MAINE: Pilyo ka talaga....
Tatalikod na si Meng papasok ng bahay habang si Alden ay maiiwan para isara ang gate...
Samantala kanina pa pala nakatingin sa kanila si Kriz. Makakalapit ito bago pa man maisara ni Alden ang gate.. Magugulat si Alden pagkakita kay Kriz.
ALDEN: Kriz... anong ginagawa mo dito?
(lilingon sya sa loob ng bahay)KRIZ: Wala naman.... bigla lang kitang na-miss.. masama ba yun? (Lalapit siya kay Den)
Aatras naman si Alden pero huli na mapapasandal siya sa kotse na kanina lang ay sinandalan ni Meng.
ALDEN: Ahhmmmm Kriz... what are you doing?
KRIZ: Hmmmmnnnnn what do you want me to do?
ALDEN: Kriz tigilan mo ito... hindi nakakatuwa... at saka andyan ang girlfriend ko sa loob..
Tatawa lang ng malakas si Kriz...
KRIZ: Oh come on!! Den maglolokohan pa ba tayo? Alam ko nang hindi mo naman talaga girlfriend ang babaeng yun eh... pinagpre pretend mo lang sya..
ALDEN: At bakit ko naman gagawin yun?
KRIZ: Simple lang... pinagseselos mo kasi ako... ginagamit mo lang sya. alam ko naman Den na until ngayon hindi mo pa rin ako makalimutan... kaya nga di ba wala kang sineseryosong relasyon since umalis ako..
ALDEN: Ano?
KRIZ: No Den.... Naiintindihan ko naman na naging playboy ka since umalis ako... Hindi naman kita masisisi kasi malaki talaga naging kasalanan ko sa yo, pero its over... nandito na ako.... ready na akong bumawi sayo... Alam kong hindi mo talaga ako makalimutan...
At lalong ilalapit ni Kriz ang katawan kay Alden at hahalikan ito ng mariin sa mga labi.
Samantala... kanina pa pala nakasilip sa bintana si Meng.. Kanina nya pa naririnig ang pinag uusapan ng dalawa... At ngayon nga., nakikita nyang naghahalikan ang dalawa.. Hindi makakaya ang napanuod na eksena kaya umiiyak at patakbo syang umakyat sa guestroom.
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...