DAY 13-C

4.6K 185 15
                                    


SEQUENCE 65-A
DAY/INT Guest room

Mahimbing na natutulog si Maine sa loob ng kwarto, nakatulugan na nya ang medyo malakas na music na pinapakinggan nya kanina habang ka chat ang mga kaibigan.

SEQUENCE 66-A

Sa labas kanina pa nagdo-doorbell ang magkakaibigang Kriz, Chel at Mavic.

MAVIC: Kriz wala yatang tao

KRIZ: Meron yan, I really need to see Alden, I want to talk to him, to explain.

CHEL: Ah eh Kriz hindi ba masyado ng late yang pag eexplain mo? Medyo late na ng limang taon?

KRIZ: Kaibigan ba talaga kita? Pwede suportahan mo na lang ako.

MAVIC: Eh mukhang wala naman talagang tao, kanina pa tayo dito.

KRIZ: eh sabi ni LJ malamang daw na andito si Den dahil nga may emergency si Manang Gie.

CHEL: Baka naman wala talagang tao dyan, malamang doon sila nag stay ngayon sa farm nila.

SEQUENCE 65-B

Unti unting magigising si Maine, tila ba bukod sa music eh may naririnig pa syang iba, pagsilip nya sa bintana natanaw nya ang tatlong babaeng papalayo sa gate, agad nyang maaalala ang sinabi ni Manang Gie the moment na napansin nya ang babaeng blonde na naglalakad papalayo. Magkikibit balikat na lang sya at papasok ng banyo.

SEQUENCE 66-B
DAY/EXT ROAD

Habang naglalakad ang tatlong magkakaibigan palayo sa bahay nina Alden, makakasalubong nila ang mga kababatang sina LJ at JAN.

LJ: o san na naman kayo nanggaling?

MAVIC: Hay naku, itanong mo dito kay Kriz.

CHEL: Dyan kami kina Alden galing, gusto daw kasing makausap nito si Alden.

JAN: At bakit mo gustong makipag usap pa kay Alden? Aber?!

KRIZ: masama na bang makipag usap sa ex? Gusto ko lang closure.

LJ :okay ka lang? Closure? eh sampung taon na kayong break nung tao ah, lubayan mo na. Utang na loob!

KRIZ: Bakit ka ba nakikialam sa akin?

JAN: napaka eng eng mo kasi,sampung taon na kayong hiwalay,nakapag asawa ka na't lahat,naghiwalay na nga kayo, tapos ngayon manghihingi ka ng closure kay Alden. Gusto mo hampasin kita ng trophy?

KRIZ: Ewan ko sa inyo! Tara na nga Chel, Mavic!!

Tuluyang lalayo ang tatlo.. Maiiwan namang naguguluhan sina Jan at LJ.

SEQUENCE 67
NIGHT/INT Events place

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa final walk ng mga model sa gabing iyon. Masasabing napaka successful ng fashion show. Kaliwat kanan ang mga kislap ng ilaw ng flash ng camera. Kabilaan ang lapit ng press para mainterview ang designer. Samantala si Alden ay mabilisang tumalilis papuntang backstage. Doon inililigpit na nya ang mga gamit niya, nang walang ano ano ay may babaeng lalapit sa kanya.

LULU: Hey Den! Long time no see! Balita ko last mo na to?

ALDEN: Yes Lulu, I need to help sa family business...

LULU: Uhhmmm... So can I invite you pagkatapos ng after party??.. hmmmnnn (hinahaplos nya ang buhok ni Alden)

Pasimpleng tatanggalin ni Alden ang kamay ni Lulu.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon