DAY 21-B

3.9K 168 6
                                    


SEQUENCE 169
NIGHT/EXT Road

Nakasakay na si Meng sa kotse ni Alden para ihatid sya sa bahay.

MAINE: Sa mall mo na lang ako ihatid, magta-taxi na lang ako.

ALDEN: Ihahatid na kita sa bahay nyo.

MAINE: Sa mall na nga lang, maaabala ka pa kung sa bahay mo pa ako ihahatid.

ALDEN: Ganun ba tingin mo sa akin na hahayaan kitang magtaxi mag isa? Meng? Bakit ba ang hirap mong intindihin ngayon?

MAINE: Dahil ayaw mo akong intindihin, hindi ba't ang sabi ko sa iyo tigilan mo na ako, wala ka nang aasahan sa akin.

ALDEN: Hindi ko kayang gawin yun, mahal kita Meng, ikaw lang wala nang iba..

MAINE: Bakit ang hirap para sa akin na paniwalaan yan? Bakit sa tingin mo ha?

ALDEN: Ipinaliwanag ko na sa iyo ang side ko, pero sarado pa rin ang isip mo para sa akin.. ayaw mo akong intindihin..

Sa puntong ito, papasok na sila sa village nina Meng. Maya-maya, ihihinto ni Alden ang kotse sa bakanteng lote malapit sa bahay nina Meng. Haharap siya kay Meng at titingnan ito na kanina pa nakayuko.

ALDEN: Hindi mo na ba ako mahal? Bakit napakahirap para sa iyo na patawarin ako kahit wala naman talaga akong ginawang kasalanan. Magtiwala ka naman sa akin..

Aabutin niya ang mukha ni Meng at pilit na ihaharap sa kanya.

ALDEN: Tell me Meng, minahal mo ba ako? Yeah I know saglit lang tayong nagkasama pero kasi ako.... sa akin.... totoo yung nararamdaman ko, sigurado ako dito.......... Come to think of it... Never mo nga palang sinabing mahal mo ako.... Baka nadala ka nga lang.... baka nga....
Pero ako Meng, mahal na mahal kita kaya hirap na hirap ako sa nangyayari sa atin...

Hindi sya makakatiis kaya yayakapin niya ito ng mahigpit. Habang si Meng na kanina pa nagpipigil ng luha ay gaganti ng mas mahigpit na yakap, pagkaraan ay kakalas at saka lalabas ng kotse at maglalakad palayo kay Alden.

SEQUENCE 170
NIGHT/EXT Road

Habang naglalakad palayo sa kotse ni Alden, hindi na napigilan ni Meng ang kanina pang luhang gustong gustong bumagsak...

MAINE: Mahal na mahal kita Den pero mahal ko din ang sarili ko..... Ayoko nang masaktan pa...

SEQUENCE 171
NIGHT/INT Car

Mapapasuntok na lang sa manibela si Alden habang patuloy na naiiyak. Mapapasubsob sya sa manibela sa sobrang frustration na nararamdaman.. Hindi makapaniwalang sa ganun ganun lang matatapos.. Kung kelan nagmahal sya ng totoo...... Maya maya paaandarin na niya ang sasakyan.

SEQUENCE 172
NIGHT/INT Meng's house

Papasok si Meng sa loob ng bahay, ipinagpasalamat na wala siyang nasalubong na member ng pamilya niya dahil hindi nya kayang i-explain kung bakit siya umiiyak. Dire-diretso sya sa kanyang kwarto at doon iiyak nang iiyak.

SEQUENCE 173
NIGHT/INT Bar

Papasok si Joey sa bar at makikita ang kaibigan na tila naparami na ng inom sa isang sulok.

JOEY: Pre napapadalas na ang pag inom mo ah... Hindi ka naman ganyan dati... Mukhang lasing ka na.

ALDEN: Joey! Pare! Tara inom tayo!!

JOEY: Kung anuman ang problema mo, problema nyo, pag usapan nyong mabuti yan..

Matatawa si Alden..

ALDEN: Ayaw nga akong pakinggan pre, paano ako makikipag usap? Kahit anong paliwanag ko ayaw akong pakinggan... Ewan ko pre... Napapaisip tuloy talaga ako.. Bakit napakahirap sa kanya na paniwalaan ako.. Minahal nya kaya talaga ako....

JOEY: Pre tama na yan..

ALDEN: Tangna kasi!! Ngayon ko lang naramdaman to! Alam mo yan pre! Eto na ba ang karma ko sa mga panggagago ko dati?

JOEY: Maybe should give her more time...

ALDEN: Time?ano pa ba? Ilang araw? Ilang buwan? Ilang taon?

JOEY: Tama na yan... Lasing na lasing ka na eh, tara na iuuwi na kita...

ALDEN: Pre kaya ko... kaya kong umuwing mag isa... Huwag mo na akong ihatid.. Huwag mong gawin yan dahil lalo ko lang kakaawaan ang sarili ko... Pre uuwi na lang ako.

Tatayo si Alden at maglalakad ng paekis ekis. Maiiwan naman si Joey na nag aalala para sa kaibigan.. Maya maya maiisip niyang sundan ang kaibigan.

SEQUENCE 174
NIGHT/INT Family room

Magkasamang nanonood ng movie ang magkapatid na Pao at Meng.

PAO: Oo nga pala Meng, sumama ka sa amin sa Subic this weekend ha.. Magbakasyon naman tayo.

MAINE: Pero kuya...

PAO: Ah ah ah... no buts....

MAINE: Fine!

PAO: So kamusta ang pagsho-shopping mo?

MAINE: Tinamad lang ako sa mall kuya kaya umuwi ako agad.

PAO: Ganun? Ba-

Mapuputol ang sasabihin ni Pao dahil magriring ang cp nya..

PAO: Bakit naman kaya tatawag tong si Joey?..... Hello Joey! Yes.... katabi ko sya ngayon..... Ano?! Paanong nabangga?

Si Meng na nakikinig sa kuya nya ay kakabahan..

PAO: Sige sasabihin ko... ikaw na muna ang bahala diyan.

Ibababa na ni Pao ang cp at haharap na sa ngayon ay kinakabahang kapatid.

PAO: Meng nabangga daw ang sasakyan ni Alden..




My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon