SEQUENCE 161-A
DAY/EXT Road (Labas ng gate nina Meng)Maaga pa lang nakaabang na sa loob ng sasakyan niya si Alden. Nakapark sya malapit sa kung saan ay tanaw niya ang bahay nina Meng. Umaasang lalabas at makikita niya ito.
ALDEN: Beb kahit sumilip ka lang please... Gustong gusto na kitang makita..
SEQUENCE 162-A
DAY/INT Meng's roomMagigising si Meng... Papasok sa banyo para ayusin ang sarili...
Narealize nya na hindi nya kailangang magmukmok dahil sa nangyari. Lalabas sya ng terrace ng kwarto nya para tumanaw sa labasSEQUENCE 161-B
DAY/EXT RoadMaya maya mapapansin ni Alden na may palabas sa terrace ng isang kwarto.
ALDEN: Thank you God! Pinagbigyan mo po ako.. Beb.... tingin ka naman dito please... miss na miss na kita...
SEQUENCE 162-B
DAY/EXT TerraceMay mararamdamang kakaiba si Meng.
MAINE: Ang creepy naman, bakit larang feeling ko may nakatingin sa akin?
Igagala ni Meng ang paningin at mapapansin ang isang kotse sa kabilang kalsada. Maya maya babalewalain ang nararamdaman, papasok na sya sa loob para makapagbreakfast.
SEQUENCE 161-C
DAY/EXT roadManghihinayang si Alden ng makitang papasok na si Meng sa loob ng bahay. Maya maya paandarin na rin nya ang sasakyan niya paalis ng lugar na yun.
ALDEN: Okay na sa akin yun Beb, at least nakita kita kahit papaano...
SEQUENCE 163
DAY/INT DiningPapasok si Meng sa dining at sasalo breakfast.
ISADORA: Oh Meng mabuti naman at lumabas ka na ng kwarto mo.
PAO: Mom sabi ko naman sa inyo okay lang yang su Meng eh.. Nagpapahinga lang yan. Besides hindi pa kayo nasanay dyan..
ISADORA: Sabagay.. kain na. kakatukin na sana kita sa kwarto mo eh buti na lang bumaba ka na.
MAINE: Mom napagod lang po talaga ako. I'm okay na.. Magpupunta nga po ako sa mall ngayon eh..
ISADORA: Good news yan iha.
DOM: Bad news naman yan sa akin. Hahahahha!
ISADORA: Dad!
DOM: No iha nagbibiro lang ako... sige bilhin mo lang kung ano magustuhan mo sa mall..
MAINE: Promise mo yan dad ha.
PAO: Hay naku Meng ako na lang magbibigay ng pang shopping mo.
MAINE: Wow! Talaga kuya?! Ang bait bait talaga ng kuya ko. Kaya naman favorite kita!
PAO: Heh tigilan mo ang pambobola sa akin at baka bawiin ko yung sinabi ko!
At masayang ipagpapatuloy ng pamilya ang pagbe breakfast.
SEQUENCE 164
DAY/EXT ROADHabang nagda drive si Alden, makakatanggap sya ng tawag galing kay Pao.
ALDEN: Hello Pao!.... yes.... saang mall? After lunch? Dun sa dati?...... sige sige pupuntahan ko sya......... salamat talaga.... promise hinding hindi ko sya lolokohin... hahhahah! Kung papayag ba sya eh, ready na ako..... sige.... salamat talaga.. bye.......

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...