SEQUENCE 81
DAY/INT Dining RoomNagpeprepare ng breakfast si Maine, pakanta kanta pa habang nagluluto. Hindi nya mapapansin si Alden na nasa likod na pala nya.
ALDEN: Hmmmm ang bango naman nyan...
MAINE: (maco-concious sya dahil halos ramdam nya sa batok nya ang hininga ni Alden) Gising ka na pala, good morning!
ALDEN: Good morning! Bakit nagluto ka? Nakakahiya naman sayo, ikaw ang bisita tapos naghahanda ka ng breakfast.
MAINE: Asus!! Maaga kasi ako nagising kaya naisipan kong magluto, pag-check ko ng fridge may stocks naman kaya ayan... upo ka na..
ALDEN: (susubo ng omelette) hmmmmnnnm.. sarap ah... pwede na...
MAINE: Pwede ng ano?
ALDEN: Pwede ng mag asawa, ano? Tara na sa munisipyo?
MAINE: sira ka talaga. Puro ka kalokohan..
ALDEN: Hahahahha! Hindi kaya kalokohan yun. Hahahhah! Oy after nating kumain,umakyat ka na. Mag prepare ka na, ako na bahalang magligpit nito.
MAINE: Prepare? Para saan?
ALDEN: Tingnan mo to, maganda lang pero makakalimutin, di ba nga sabi ko syo ipapasyal kita.
MAINE: pero-
ALDEN: Oppsss walang pero pero... bawal humindi. Sige ka hahalikan kita! (Pilyong pagbabanta)
MAINE: Eh kasi nga tatapusin ko yung entry ko sa blog ko ngayon.
ALDEN: Aba umaapela pa,mukhang gusto talagang mahalikan ah. ( at pilyong ilalapit ni Alden ang nguso nya sa mukha ni Maine)
Tatampalin ni Maine ang mukha ni Alden.
ALDEN: Aray naman.. (sabay hawak sa pisngi)
MAINE: Ikaw kasi eh, puro ka kalokohan..
ALDEN: Joke lang naman, pero kung gusto mong seryosohin pwede din. Hahahahhaha!
MAINE: hmmmppp (sabay halukipkip)
ALDEN: Ang cute mo talaga maasar! Pakurot nga. (At kukurutin nga niya ang pisngi ni Maine)
MAINE: Hay naku.. oo na.. sasama na ako!
ALDEN: Talaga?sasama ka na sa akin? ( taas baba ang kilay at pilyong ngiti)
MAINE: Ay kalokohan na naman yang nasa isip mo eh, What I mean is sasama na akong mamasyal sa iyo. Teka san ba tayo pupunta?
ALDEN: Secret pero magdala ka ng swimsuit ha, pero please lang wag yung katulad ng suot mo kagabi, baka mapaaway ako, tsaka para sa akin lang yun.
MAINE: Hala grabe sya, FYI mister kung alam kong darating ka kagabi hindi ako magsusuot ng ganun noh! (At tatayo na sya para umakyat sa kanyang kwarto)
ALDEN: (pasigaw) nagbago na pala ang isip ko,dito na lang tayo pero yun uli ang suotin mo!! Hahahhahaha
MAINE: Tse!!!
Maiiwang tatawa tawa si Alden. maya maya ay tatayo na at mag uumpisang magligpit ng kanilang pinagkainan.
SEQUENCE 82
DAY/INT GuestroomKumakabog ang dibdib ni Maine, hindi nya kinakaya ang pang aasar ni Alden sa kanya at ang mga pasimpleng paglalandi nito.
MAINE: Meng kalma.. Si Alden lang yun.. chill ka lang... wag masyadong madala sa paglalandi nya. Binibiro ka lang nya.
Magugulat siya sa pagriring bigla ng cellphone nya.
MAINE: Hello.
TIN: Meng kamusta ka dyan? Inaalagaan ka ba ng kuya? Pasensya ka na ha nagkasabay sabay na wala pala dyan sina lolit at manang gie.
MAINE: Dont worry Tin, ako nga ang dapat mahiya eh.
TIN: Asus,mahiya pa daw ba? Pagpasensyahan mo na lang si kuya ha, maligalig lang madalas yun pero mabait naman.
Tatawa lang si Maine.
TIN: Hala bakit ka natawa?may ginawang kapilyuhan ang kuya ko noh? Naku!!!!
MAINE: Wala Tin, behave naman ang kuya mo. Inaaya nya nga ako ngayon eh,ipapasyal nya daw ako.
TIN: Hay.... mabuti naman.. O pano meng ikaw na muna ang bahala dyan ha.. bye..
SEQUENCE 83
DAY/INT RestaurantMagkakasama ang magkakaibigang Kriz, Chel at Mavic na dumating sa restaurant.
CHEL: Grabe, sakit ng ulo ko.
MAVIC: Sino ba kasi may sabi sa yo na makipagsabayan kang uminom sa dalawang lalaking yun?
CHEL: Dinadamayan ko lang naman si Kriz eh.
KRIZ: At ako pa ngayon ang may kasalanan.
CHEL: Eh sino ba nag ayang mag inuman,yun pala hindi naman iinom, iiyak lang pala.
KRIZ: Tse! Eh hindi ko lang kasi matatanggap na may sineryoso ng girlfriend si Den bukod sa akin. Dapat ako lang.
MAVIC: Wow ha!
SEQUENCE 84
DAY/ EXT RoadMagkatabi sa loob ng kotse sina Maine at Alden.
MAINE: Saan ba talaga tayo pupunta?
ALDEN: Secret nga di ba? Pero bago tayo pumunta dun, kailangan natin ng pagkain.
MAINE: Bakit hindi ba uso ang pagkain sa pupuntahan natin?
ALDEN: Hahaha! Nagpapatawa ang ale.. Nakatawag na ako sa resto kanina habang nagbibihis ka, we'll just pick up the food.
MAINE: Okay, ikaw ang boss.
Ipaparada ni Alden ang kotse sa parking lot ng isang restaurant.
MAINE: Kailangan ko pa bang bumaba?
ALDEN: Tingnan mo ito, ayaw ako samahan.. Kargahin na lang kaya kita?
MAINE: Sige na nga ito na nga,bababa na po.
At sabay nga silang maglalakad papunta sa entrance ng restaurant. Sa pinto pa lang, may makikita na si Alden na syang magpapahinto sa kanya, mapapansin naman ni Maine ang biglang reaksyon nito.
MAINE: oh bakit ka natigilan? Anyare sayo?
ALDEN: Wala... pero pwede humingi ng favor..
MAINE: Sure ano ba yun?
ALDEN: Makisakay ka lang sa mga sasabihin ko syo ngayon.. please.....
MAINE: (medyo naguguluhan) sige ba..
At magpapatuloy na nga sa paglalakad ang dalawa. Hihinto sila sa nag iisang bakanteng mesa. Hihilain ni Alden ang silya para makaupo ai Maine. Uupo na rin sana si Alden ng may biglang tatawag ng pansin nya...

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...