DAY 18-E

4K 168 7
                                    


Cont....

Tulala pa ring nakatitig si Alden sa papalapit na si Meng, habang si Meng bagama't nagulat pagkakita kay Alden ay diretsong titingnan ito sa mga mata. Gusto nyang ipakita dito na hindi sya apektado sa nangyari kanina.
Magugulat sila pareho dahil biglang magsasalita si Pao.

PAO: Ang gorgeous talaga ng sister ko di ba Den?

ALDEN: Ah? Ah oo!! Kapatid mo pala sya?

PAO: Duda ka ba? Pareho kaya kaming maganda..

Tuluyan ng makakalapit si Meng kina Pao at Den.

PAO: Meng dear,halika ipapakilala kita sa napakagwapo mong partner..  Den sya yung sister ko, si Maine.. Meng sya naman si Alden.

Nakatulala lang si Alden. Hindi makapaniwala kung paano sya pinaglaruan ng tadhana..

PAO: Den? Den? Are you okay?

ALDEN: Ay..... of course Pao, nagulat lang ako na kapatid mo si Meng.

PAO: Wow kung i-address mo sya sa nick name nya parang kakilala mo sya ah, nagkita na ba kayo?

Si Meng ang unang sasagot.

MAINE: Ngayon ko lang sya nakilala kuya..

PAO: Okay... sige maiwan ko muna kayo at kailangan kong mag retouch, at may I tawag daw ang pangalan ko mamaya for a speech.

Pagkalayo ni Pao, magsasalita si Alden.

ALDEN: Bakit hindi mo sinabi kay Pao na magkakilala na tayo?

No reaction......

ALDEN: Akalain mo yun, ikaw pala ang kapatid ni Pao na gustong ipa-date sa akin.

Titingin si Meng kay Den dahil hindi nya alam yun.... Ngingitian lang sya ng matamis nito.

ALDEN: Dapat pala matagal na kitang nakilala bago pa ako nagpuntang Batangas.

Walang pa ding reaction si Meng.

ALDEN: Pero nagkita na naman talaga tayo nun bago pa ako pumuntang Batangas,sinungitan mo nga lang ako.

No-reaction pa din si Meng.

Maya maya sesenyas ang stage director na sila na ang susunod.

ALDEN: (Iaabot ang braso kay Meng)
O umabrisyete ka na sa akin, tayo na ang susunod.

MAINE: Wala pa tayo sa stage so no need na humawak ako agad sa iyo, kaya kong umakyat mag isa!

ALDEN: Meng naman eh... alam ko galit ka sa nakita mo kanina pero promise wala lang talaga  yun. Nakorner lang ako..

MAINE: Nagtatanong ba ako?

ALDEN: Hindi nga, kaya nga mas hindi ko kinakaya yang reaction mo eh.

Sesenyas na ang Stage director na turn na nila. Io-offer ni Alden ang kamay nya para alalayan si Meng pero dededmahin lang ito at mauuna nang umakyat sa stage. Hahabol naman si Alden sa kanya. Bago lumabas ng runway, kakapit na si Meng sa braso ni Den at maglalagay ng pekeng ngiti sa mga labi.

At sabay nga silang lalabas, sasalubungin sila ng nagkikislapang ilaw at malakas na palakpakan.

ALDEN: (Pabulong) sorry na beb...

No reaction......

ALDEN: Beb......

No reaction kaya makakaisip sya ng kapilyuhan.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon