DAY 34-D

4K 166 11
                                    

Ayan dahil wala akong magawa kagabi, gumawa na lang ako nito...

Salamat sa mga naghihintay ng UD, salamat sa mga silent readers...

Sana matuwa kayo dito...



SEQUENCE 296
DAY/INT RESTO (Uno's)

Sinadya ni Alden si Uno sa restaurant nito.

UNO: Pre anong atin?

ALDEN: Tigilan mo na si Meng!! Kung may atraso man ako sa iyo, please spare Meng. Wala syang alam dito. Ayoko ng makitang lumalapit ka sa kanya!!!

Kahit sumisigaw si Alden, nananatili pa ring kalmado si Uno sa pakikipag usap kay Alden.

UNO: You cant order me na iwasan si Meng..... Kaibigan ko sya, magkaibigan kami. Kailangan nya ako..

ALDEN: Hindi ka na niya kailangan Uno, nandito na ako!!!

UNO: Ako ang kasa kasama ni Meng nung mga panahong wala ka, nung mga panahong hirap na hirap siya..... Nung panahong hindi nya alam kung kanino kakapit... Dahil yung lalaking inaasahan niya, nasaan?

ALDEN: Alam ni Meng ang dahilan ng pag alis ko! Alam nyang babalik ako, babalikan ko siya!

UNO: Kaya? Hanggang kelan ba ang sinabi mong babalik ka? one week? One month? One year? Wala kang sinabi! Kaya gabi gabi umiiyak si Meng! Dyan ka magaling Alden!! Magaling kang magpaasa!!!

ALDEN: Wala kang alam!! Sinasabi ko sa iyo tigilan mo na si Meng!! Huwag na huwag ko ng makikitang lumalapit ka sa kanya!!!

UNO: Huh! Try me pre!!!

Yun lang at nagmamadaling umalis si Alden, habang si Uno ay nanghihinang napaupo sa silya niya....

UNO: I wont give you up Meng.. Kahit nandyan na si Alden, hindi pa rin ako susuko... Nandito lang ako para sa iyo... Aasa pa rin ako.... kahit kaibigan mo lang.....


SEQUENCE 297
NIGHT/INT Meng's house (sala)

Kausap ni Pao at parents nya si Alden.

DOM: Mabuti naman at nakabalik ka na Alden. Matagal na kitang gustong makausap.

ALDEN: Pasensya na po tito, tita..

ISADORA: Dom, ang mahalaga nandito na si Alden.

DOM: Ano na bang plano mo Alden? Lalo pa at magkakaanak na kayo.. Nandyan na yan, kahit magalit ako wala na rin namang mangyayari.

ALDEN: Tito... Tita.... kung papayagan nyo po ako na pakasalan si Meng.. Nakahanda po ako na pakasalan siya..

PAO: Ang tanong, papayag ba si Meng..

ISADORA: Syempre naman Pao papayag ang kapatid mo.

PAO: I doubt mom. Alam nating lahat kung gaano ka stubborn si Meng..

DOM: Alden, ayokong makialam sa inyo ng anak ko, kung anuman ang problema ninyo gusto ko ayusin nyo muna. Natutuwa akong marinig sa iyo na gusto mong pakasalan si Meng, pero sabi ko nga  hindi ako makikialam. Kaya naman igagalang ko anuman ang maging desisyon ni Meng..

ISADORA: Dad!!

Kikibit balikat si Dom.

DOM: Mahal ko Si Meng mommy, kaya may tiwala ako sa kanya.. Iintindihin ko anuman ang maging desisyon ng baby natin.. Hindi ko siya pipilitin na ipakasal kay Alden just because she is pregnant....

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon