DAY 30-C

3.6K 172 17
                                        

Hey guys.... tapusin na natin itong masakit na Day 30 na ito...

Pare pareho lang tayong nasasaktan eh... heheheheheh.. I feel you guys....

Feel free to comment and vote ha... natutuwa ako sa mga comment nyo... insights please.....


SEQUENCE 265
NIGHT/INT Hospital

Nang makarating sa kwarto ni Alden ay hindi muna pumasok si Meng. Sumilip lang siya, nakita niyang mahimbing na natutulog si Alden sa hospital bed.

Magugulat siya ng may tumapik sa balikat niya, paglingon, nakangiting mukha ni Joey ang nakita niya.

JOEY: bakit nandito ka sa labas? Bakit hindi ka pumasok sa loob?..

MAINE: Joey... sisilipin ko lang siya... hindi ko na kailangang pumasok sa loob.

Aakayin ni Joey si Meng sa upuang nakita niyang malapit.

MAINE: Kamusta na sya?

JOEY: Naku huwag kang masyadong mag alala dun, matagal pa mamatay yun. Hahhaha

MAINE: Ano bang nangyari?

JOEY: Ayun lasing na lasing eh... buti naisipan kong daanan kaninang umaga.. nagulat ako kasi halos maligo na sa sariling suka.. tapos puro dugo ang kamay..

MAINE: Dugo? San galing yung dugo?!

JOEY: Ayaw sabihin eh, pero ang tingin ko nakipag boxing yun sa dingding, tapos ang paa may mga bubog... mukhang sa sobrang kalasingan hindi na napansin ang nilalakaran niya... hanggang sa matumba na lang at magswimming sa suka nya... yuck di ba?

Tahimik lang si Meng, paglingon sa kanya ni Joey makikita niyang unti unti ng umiiyak si Meng.

JOEY: That bad huh?!

Lilingunin sya ni Meng, titingnan ng may pagtatanong...

JOEY: Yung ngayon... yung away nyo... ngayon ko lang siya nakitang ganyan.. tapos ikaw ni ayaw mong makita ka nya..

MAINE: Ang hirap kasi.

JOEY: Pareho lang kayo... Si Alden kasi ang daming hang ups sa buhay nun... mukha lang walang problema yun dahil laging nakatawa... nagbibiro... pero...... basta..... matagal ko ng kaibigan yang luko lukong yan pero ngayon.... yung sa inyo... dun ko lang nakitang seryoso sya sa isang babae... mahal na mahal ka niya.

MAINE: Nakakatawa naman yung pagmamahal na yun... kailangan talaga saktan nya ako?

JOEY: Gago eh!! Hahahah! Alam naman niya yun... At alam niyang galit ka sa kanya... Pero Meng kung nakita mo lang kung gaano sya nasasaktan tuwing naaalala niya kung paano ka niya nasaktan..

MAINE: Tama lang... kulang pa nga siguro ang sakit na nararamdaman nya kumpara sa ginawa nya sa akin eh..

JOEY: Hindi ko na itatanong kung ano yun pero alam ko mabigat bigat yun.. Pero Meng sana kahit papano intindihin mo ang kaibigan ko... May pinagdadaanan siya..

MAINE: Paano ko siya iintindihin kung hindi naman niya sinasabi sa akin yung pinagkakaganun nya...

JOEY: Si Kriz....

MAINE: Si Kriz? Si Kriz na naman?! Bullshit!! Kelan ba matatapos ang issue na yan?!

JOEY: Namatay na si Kriz... Pinatay nung asawa niya... Eh nanghingi pala ng tulong sa kanya pero hindi niya pinansin.. kaya ayun.... nilunod yung sarili sa alak.. akala siguro kahit papano eh mababawasan yung guilt na nararamdaman niya.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon