CONT....
Patakbong umakyat si Meng sa guestroom.. Hindi nya kinaya ang mga narinig at nakita. Pagpasok ng kwarto, ini-lock nya agad ito... Halos nanghihinang napaupo sa kama..
MAINE: God, totoo po ba ang nakita at narinig ko? Pare-pareho lang ba talaga sila? Mali na naman ba ako ng pinagkatiwalaan?
Gulong gulo ang isipan na hihiga si Meng ng kama..
MAINE: Pero ang sabi ni Den..... kaming dalawa lang.. Sa kanya lang ako dapat maniniwala.
Bubuksan nya ang pinto at magmamadaling bumaba para balikan ang dalawang taong nasa garahe...
Pagbaba nya makikita nyang nakaangkla pa rin ang mga braso ni Kriz sa leeg ni Den..
MAINE: Ehermmmmm..
Magugulat si Den kaya iaalis nya ang kamay ni Kriz pero parang tukong ayaw nitong bumitaw...
Lalapit si Maine at buong pwersang tatanggalin ang mga braso ni Kris sa leeg ni Den. Sa lakas ng pwersa, mapapaupo sa semento si Kriz..
MAINE: Ooopppppssss sorry..... nasaktan ka ba? (Pang-iinis pa nyang tanong kay Kriz)
ALDEN: Ahmmmm beb, nag uusap lang kami ni Kriz...
MAINE: Wala naman akong sinasabi "beb" ah.. (pero pinaniningkitan ng mata si Alden)
Mapapalunok ng laway si Alden, halatang kinakabahan sa reaksyon ni Meng..
MAINE: Kawawa ka naman Beb... pawis na pawis ka na oh.. ( pupunasan nya ito ng pawis gamit ang palad at hahalikan sa labi pagkatapos)
Samantala, makakatayo na si Kriz mula sa pagkakatumba.. Pagtingala makikitang naghahalikan na ang dalawa..
KRIZ: hmmmpppppp makaalis na nga ... mga mapagpanggap ang mga tao dito...
Mapapansin ni Maine na nakaalis na si Kriz kaya bibitaw na sya kay Alden... Pero hahabulin naman nito ang mga labi niya..
ALDEN: Bebbbb........
MAINE: Anong bine-beb mo dyan? Hoy Alden akala mo ba hindi ko nakita yung halikan nyo?
ALDEN: Correction.... sya ang humalik sa akin!! (Isasara na nya ng tuluyan ang gate)
MAINE: Ginusto mo din!
ALDEN: Sinong maysabing ginusto ko? Bakit pa ako maghahanap ng iba eh sobra sobra na nga sa akin ang beb ko... Tanga ba ako?
Yayakapin nya si Maine sabay halik sa leeg nito.
MAINE: Beb magtigil ka nga... tanghaling tapat... Pumasok ka na.... gutom na ako..
Nakaisip naman ng kapilyuhan si Alden..
ALDEN: Sure ka beb? Papasok na ako? Gutom na din ako... (sabay kindat kay Meng)
MAINE: Ay ewan ko sa yo..
At papasok na nga sa loob ng bahay si Meng kasunod si Alden na iginigiit pa din ang kapilyuhan..
SEQUENCE 111
DAY/INT Coffee shop
Kausap ni James si Mhel.
MHEL: O anong kailangan mo?
JAMES: Please naman oh... can you give me Meng"s new number? Please......
MHEL: What for? Di ba inayawan mo na sya?
JAMES: Please..... nagsisisi na ako... Narealize ko na si Meng talaga ang mahal ko at hindi ako papayag na hindi siya makipagbalikan sa akin..
MHEL: The nerve ha! Ang kapal mo talaga... Kung hindi ka lang bestfriend ni kuya never akong nakipagkita sa iyo ngayon.
JAMES: Kung ayaw mong ibigay, bahala ka! makukuha ko din yun...
Aalis bigla si James at maiiwan si Mhel na asar na asar.
SEQUENCE 112
DAY/INT SALA(Alden's house)
Habang nagtatanghalian magriring ang cellphone ni Alden. Titingnan nya muna si Meng bago nya sagutin ito..
ALDEN: Si Tin..
Hello Tin! Yes....... Oo okay naman sya..... Oo hindi naman kami ginugutom ni Manang Gie... Si Manang Gie pa ba?..... oo na... Si Meng? Eto kumakain, iistorbohin mo pa eh......o sige na tumawag ka na lang mamaya .....
Samantala nakakunot noo si meng sa kanya..
MAINE: Am I correct? Hindi mo sinabing wala si Manang?
ALDEN: Hmmmmm
MAINE: Bad ka... tsk tsk..
ALDEN: Eh kasi po kapag sinabi ko yun sesermunan ako nun.. kasi tayong dalawa lang dito... yun pa eh napaka manang ng babaeng yun..
Mapapayuko si Maine... Hahawakan naman ni Alden ang baba ni Maine at iaangat..
ALDEN: O nahiya na naman..
MAINE: Naisip ko lang ano ang sasabihin ni Tin kapag nalaman yung sa atin....
ALDEN: Syempre matutuwa yun, yung kuya nyang sobrang gwapo nainlove sa kaibigan nyang sobrang ganda..
MAINE: Puro ka talaga kalokohan..
ALDEN: Dapat ba sinabi ko na sa kanya kanina? Kasi sa akin okay na okay kaya lang ikaw ang iniisip ko beb..
MAINE: No... saka na lang..
ALDEN: Beb.... kinakahiya mo ba ako?
MAINE: No! Of course not... kaya lang..
ALDEN: Kaya lang?
MAINE: Parang ang bilis... Parang last week lang I was lost..... hindi alam how to deal with my life anymore... then all of a sudden biglang ganito...
ALDEN: Beb what happen to us is unexplainable.. Basta alam natin ang feelings natin sa isat isa yun ang mahalaga...
Yayakapin na lang ng mahigpit ni Maine si Alden pero agad din sya kakalas ng may maririnig siyang tunog ng nagbukas na gate..m
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...
