DAY 13-B

4.5K 168 14
                                    


SEQUENCE 60
DAY/INT Events Place

Kasalukuyang nagrerehearse na ang mga model ng darating si Alden, agad siyang lalapit kay Pao.

ALDEN: Hello Pao! Kamusta naman?

PAO: Uyyyy look who's here... Mr. ALDEN Richards himself.. kamusta ang bakasyunista?

ALDEN: Hahahaha! (Lalalapit si Miggy) Hi migs! Kamusta naman.

Hindi sya papansinin ni Miggy na lalayo lang muli,may kinuha lang pala sa tabi nya. Nagtataka syang babaling kay Pao.

ALDEN: Anyare dun?

PAO: Bad mood yun kahapon pa, nahuli nya kasi si Mavi nya na nilalandi yung bagong model na si Margarita. Nag break na ata.

ALDEN: Ah kaya pala.. tsk tsk tsk..

PAO: O sya, i-fit mo na yung mga damit na isusuot mo later para makapag rehearse ka na.

ALDEN: Mamaya na. Alam mo Pao, last ko na talaga to, parang napagod na din ako sa limelight...

PAO: Wow. Sayang yung magagandang models oh. (Natatawa). Tsaka pano na yung sister ko?

ALDEN: Parang bigla nawalan na sila sa akin ng appeal, para kasing sa isang babae na lang gusto kong magpa impress.. sadly mukhang walang dating ang dimples ko sa kanya..

PAO: Ikaw ba yan?hahhaha natatawa ako sayo ah.. . Pakitaan mo ng biceps, ewan ko lang kung hindi maglaway kung sino man yung babaeng yun.. O sya,magsipag trabaho na tayo.

SEQUENCE 61
DAY/INT Dining Room

Nanananghalian ng sabay sina Maine at Manang Gie nang makakatanggap sya ng tawag sa cellphone nya.

MANANG GIE: Sandali lang ineng at sasagutin ko lang itong aking selipon.

MAINE: Sige po manang.

Bahagyang lalayo si Manang para sagutin ang tawag sa kanya.. pagkaraan atubili syang lalapit kay Maine.

MANANG GIE: Maine, may problema ako,iyon baga'y pamangkin ko sa Balayan eh manganganak, kaisa isang pamangkin ko kasi yun at ulila na ga sa mga magulang niya.

MAINE: Ano pong problema manang?

MANANG GIE: eh yun nga, manganganak na daw sya, nakikiusap na pumaroon muna ako sa kanila dahil ga'y nasa destino pala ang mister niya.

MAINE: Wala pong problema sa akin manang kung kailangan nyong umalis. Okay lang po akong mag isa dito.

MANANG GIE: tatawagan ko na lang si Alden at sabihang pumarine ng maaga bukas para naman kahit papano ay may kasama ka.

MAINE: Naku manang kahit wag nyo na po sya tawagan, kaya ko na po ang sarili ko.

MANANG GIE: Sabagay ay safe naman dito sa amin. Huwag na huwag ka lang ga magpapapasok ng ibang tao, lalo na ga iyung babaeng maligalig na kalawang ang buhok hane?

MAINE: hahaha. Sige po manang. Wag nyo po akong intindihin.. Pumunta na po kayo sa pamangkin nyo.

MANANG GIE: Salamat iha. Akoy magpeprepara na at ng makaalis at hindi abutin ng dilim sa daan.

SEQUENCE 62
DAY/EXT Restaurant

Magkasamang nagmemeryenda ang magkakaibigang KRIZ, CHEL at MAVIC.

KRIZ: Badtrip talaga yang si Manang Gie, hindi man lang ako pinapasok kahit man lang sa garahe. Hindi ko tuloy nakausap si Den.

CHEL: Balita ko may bisita sila ngayon, kaibigan ata ni Tin.

MAVIC: nabalitaan ko din yun, hala ka Kriz, baka girlfriend ni Den yun.

KRIZ: Talaga? May bisita? But I doubt kung girlfriend ni Den yun, walang sineseryosong babae yun, ako lang at ako lang ang babaeng sineryoso nya..

MAVIC: Wow naman ganyan ka ka-confident ah?

CHEL: Naman! May doubt ka ba kay Kriz eh friend natin yan.

MAVIC: Sabagay. So anong plano mo ngayon Kriz?

SEQUENCE 63
DAY/INT Events place

Makakatanggap si Alden ng tawag mula kay Manang Gie.

ALDEN: Ano manang?..... papunta na kayo ng Balayan? eh paano po si Maine?.... ganun po ba?..... sige po. Mag iingat kayo, ta-try ko po umuwi mamaya after ng show..

Ibaba ni Alden ang Cellphone, lalapit sa kanya si Pao.

PAO: O problem?

ALDEN: Si manang gie sa province, nagpaalam na uuwi sa pamangkin sa kabilang bayan namin, eh wala pa naman sina mom at dad pati na lahat ng maids.

PAO: So? Hindi naman siguro akyat bahay prone yung province nyo.

ALDEN: Hindi naman kaya lang may bisita yung kapatid ko, dun sa amin nag stay. Nag iisa yun ngayon dun.

PAO: Yun lang, kawawa naman yung bisita nyo, pero pagabi na naman eh, uuwi ka na di ba bukas ng umaga?

ALDEN: That's my initial plan pero dahil sa nangyari eh babyahe na ako pauwi after the show, hindi na ako aattend sa after party.

PAO: Sabagay naiintindihan kita.. o sya dyan ka na nga muna.

Maiiwan si Alden na patuloy ang pag aalala sa bisitang naiwang mag isa sa bahay nila.

SEQUENCE 64
DAY/INT ALDEN'S house (province)

Samantala kachat ni Meng ang kanyang mga kaibigan.

APPLE: Ang init na, sarap mag swimming.

MAINE: Dito sa bahay may pool, balak ko ngang magswim before matulog.. medyo maalinsangan kasi kapag gabi eh ayaw ko namang mag aircon eh.

SWEET: Di ba maraming beach resorts dyan sa Calatagan?

MAINE: Oo daw, hindi pa din naman ako nakakaalis ng bahay. Pero bukas ipapasyal daw ako ni Alden.

MHEL: o ano gwapo ba?

APPLE: sino??

LAINE: Yung kapatid ni Tin, model din daw.

MAINE: hahahahahah

SWEET: ayos ah,tawa lang talaga Meng?

MAINE: Eh kasi natatawa ako sa inyo...

APPLE: Kasi naman, ayaw pa magsabi, gwapo ba talaga? Macho?

MAINE: hmmmmmnnnnn isipin nyo yung guy na may dimples, mestiso, gwapo, tapos ang biceps.. haiisssttt

LAINE: Hala hala hala!! Oy Menggay kabe-break mo lang..

APPLE: kainis tong si Laine, panira ng moment.

SWEET: Wait eh di ba wala si Tin at parents nya dyan? You mean kayo lamg dalawa ang andyan pati yung mga maids?

APPLE: Jusko Meng! Sunggaban mo na!!! Hahahha

MAINE: Wala mga maids eh, may mga emergency,ewan ko nga ba.

MHEL: Chance na yan!!! Dali!!!! Pasukin mo na sa kwarto!!!

MAINE: Mga sira! Wala dito ngayon, andyan sa Manila, may fashion show daw sya.

LAINE: Wait di ba ngayon din yung kina kuya Pao mo? Baka magkakilala sila ni kuya mo?

APPLE: May chance... hahahah

MAINE: Oo nga noh?! Tanungin ko bukas si Alden.. Shocks nakalimutan ko pala tawagan si kuya... o sige girls bye na muna.. miss you!!!


My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon