SEQUENCE 316
DAY/INT Entertainment RoomNanonood mag isa si Meng ng movie nang papasok si Pao na may dalang medida.
PAO: Meng saglit nga...
MAINE: Para saan yan kuya?
PAO: Susukatan lang kita.
MAINE: Susukatan mo na naman ako? For what?
PAO: Eh di ba nga malapit na ang 30th wedding anniversary nina mom and dad, nagpaplan sila na magpa party... So since alam ko namang hindi ka kikilos... nag volunteer na akong maging punong abala... So get up at susukatan na kita para mapatahi ko na ang damit na susuotin mo.
MAINE: Do I need to? Marami pa naman akong party dress na hindi pa naisusuot.. Iyon na lang ang isusuot ko.
PAO: Hayyyy ayoko nun... Gusto ko bago lahat ng isusuot nating lahat.
Bubuntong hininga lang si Meng at saka susunod kay Pao.
Habang sinusukatan si Meng, hindi maiwasang magsalita ni Pao..
PAO: Sis move on please...... Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang nangyari sa iyo, pero you have to forgive yourself.
MAINE: Kuya ano ka ba, okay lang naman ako eh..
PAO: Oh yes! Ikaw na ang pinakaokay sa lahat ng okay...
MAINE: In time kuya... in time...
PAO: Sis you know naman na ang gusto ko lang eh maging masaya ka... yung totoong saya... at yung makabubuti lang sa iyo ang sa tingin kong ginagawa ko...... Lahat gagawin ko mapasaya ka lang.... Pagod na akong makita kang malungkot.
MAINE: Kuya hindi kita naman maintindihan.....
PAO: Kayo ni Den, kulang pa ba ang effort na ginagawa niya para patunayan sayo kung gaano ka niya ka mahal? Hanggang ngayon nagmamatigas ka pa rin.
MAINE: Effort? Nasan ang effort nya kuya? Eh heto nga di ba sumuko na sya agad... Mag iisang linggo na siyang hindi nagpapakita...
PAO: So namimiss mo?
Nag iwas ng tingin si Meng.
PAO: Namimiss mo nga?
MAINE: Thats not the point kuya... Ang pinag uusapan natin ay yung pagsuko niya...
PAO: Sumuko na ba siya? Ang alam ko nasa Batangas lang siya.
MAINE: For sure nambababae lang yun dun.. At least nga naman sa Batangas wala siyang iniintindi.. walang magsusungit sa kanya.. walang sisigaw sa kanya... Walang siyang kukulitin araw araw na lumabas... walang tatanggi sa kanya kapag nag aya siya. Walang sisigaw sa kanya.
PAO: Wow! Mabuti naman pala at alam mo ang mga paghihirap na ginagawa mo kay Den noh? Akala ko wala kang pakialam sa mga effort niya.. Pero Meng... nagpaalam si Den sa amin, ang sabi niya may aasikasuhin lang siyang importante so please lang huwag kang mag isip ng kung ano ano ha... Mahal na mahal ka kaya nun..
MAINE: Ewan ko kuya... Hindi ko na alam kung ano ang totoo.. Kung mahal man niya ako talaga, I think hindi ko na yata deserve yung pagmamahal niyang yun.
PAO: Hay naku Meng... Basta just trust him... Busy lang talaga yun...
SEQUENCE 317
DAY/INT GARDENBinisita si Meng ng mga kaibigan niya..
MAINE: Buti naman naisipan nyo akong dalawin dito... One week din kayong deadma sa akin ah...
MHEL: Sorry naman.... Medyo may inasikaso lang kami..
SWEET: Oo nga... Importante kasi yun.
MAINE: Hmmmmmnnnn at ano naman yun? Dont tell me nagpaplan na kayo ng business ng hindi ako kasama?
APPLE: Hala pwede ba naman yun? Pero serious may mga inasikaso lang kami...
MAINE: Labas na lang tayo.... Out of town tayo..... pleaseeeee
LAINE: Kelan mo ba gusto? Medyo busy ako ngayon ha... Si Gab kasi kung saan saan nag aaya...
MAINE: Hala luma lovelife pala...
LAINE: Syempre... Sila din naman eh...
SWEET: sa 24 na lang tayo mag out of town..
Mag iisip si Meng..
MAINE: Hmmmnnnn pwede din... Sabi ko naman sa inyo lagi lang naman ako dito sa bahay.... San tayo pupunta? Bohol? Cebu? Palawan?
MHEL: Sa Batangas na lang.....
MAINE: Bakit sa Batangas?
APPLE: Okay na yun, at least malapit lang... Siguradong papayagan ako ni James.
SWEET: Wahhhhhhhh! Grabe!!! Excited na akong magpunta ng Batangas!!!!!
MAINE: Yung totoo Sweet, first time? Grabe maka excite ha...
Nakatingin si Meng kay Sweet kaya naman hindi niya nakita ang palihim na pandidilat ni Apple kay sweet.
LAINE: Basta you dont need to bring anything sa 24, just yourself.
MAINE: Wow! Ipagshoshopping nyo ako?
MHEL: Lets say na pambawi namin sayo yun...
APPLE: Basta susunduin ka na lang namin mga before lunch... Dapat by 2pm andun na tayo.
MAINE: Wow may oras na talaga dapat ang dating natin?
Magtitinginan ang apat, pero makakabawi si Apple.
APPLE: Ganuj naman talaga usually time ng check in di ba?
MAINE: Okay, kayo na ang bahala..
SEQUENCE 318
DAY/INT BeachhouseAbala si Alden sa pagchecheck ng pinapagawa niyang renovation sa kanyang beachhouse...
May mga pinadagdag lang siyang details..
Mayamaya magrirng ang cellphone niya.
ALDEN: Hello Mom......... Yes po............ Okay na nga po ang lahat.............. Sa mismong araw na lang daw sila dito pupunta.............. Masyado kayong excited eh............. Syempre ako din po, pwede ba namang hindi............ Sina tita darating the day before....... Nagconfirm na nga sila........... Yes nga mom.... Dont worry.... kayang kaya ko na po ito........... Kasya po ang budget ko........ Magsasabi na lang ako kapag kinulang ako..
Pagkatapos ng tawag, titingin si Alden sa dagat saka dahan dahang ngingiti.....
So ayan na ang UD na kanina pang hapon nagkakaproblem sa pag publish.....
Konti na lang... konting konti na lang......
Vote and comment please.....😆
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanficIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...