DAY 33

3.5K 133 14
                                        

okay guys medyo nagsabaw na sya.. pasensya na ha....

Saglit na lang magpapaalam na tayo sa naughty.... 😢

Enjoy!!!

Timelapse... mga after two weeks nang nakakaalis si Alden papuntang Australia.

SEQUENCE 282
DAY/INT Sala (Maine's house)

Bisita uli ni Meng si Uno sa bahay nila.

UNO: Tara na labas tayo... kahit sa resto lang, nag aalala na ako sa iyo.. Halos two weeks ka ng nandito lang sa inyo.

MAINE: I don't feel like going out kasi.. Medyo napapagod ako..

UNO: Weird ah.. Tell me ano ba talagang nangyari sa iyo? After mong na hospitalized naging ganyan ka na, is it serious?

MAINE: Serious? Ang ano?

UNO: Your illness...

MAINE: Ngek I wouldnt be here kung serious to noh...

UNO: Eh ano nga? Ayaw mo naman kasing sabihin eh.

Huhugot ng malilim na buntong hininga si Meng.

UNO: Ang lalim nun ah... Kinakabahan tuloy ako.

MAINE: Im pregnant....

Titingnan ng maigi ni Uno si Meng.

UNO: Whooah? Nakakapreggy na pala yung kiss..

Titingnan ni Meng si Uno ng nagtataka.

UNO: We kissed remember? Twice.

MAINE: Seriously? You are not thinking you're the father....

UNO: Gotcha!! Syempre nagbibiro lang ako... Syempre sa kanya yan..

Silence....

UNO: Hmmnnnn so what happened? How come nandun sya at mag isa ka dito? Wait hindi ka pala mag isa, you have your family and of course you have me... Ayaw niya?

Iiling si Meng..

UNO: Eh bakit nga ganun? Nabahag ang buntot nya? Just tell me Meng, Pwede akong sub..

MAINE: Sub?

UNO: Substitute dad... kung sakaling ayaw niya..

MAINE: Para kang sira... hindi naman sa ayaw niya.. hindi niya lang alam..

UNO: Hindi mo sinabi?

Iiling uli si Meng.

UNO: Huwag mo na lang kayang sabihin? Hahaha!

Titingnan lang ni Meng si Uno.

UNO: Hindi ba kayo nagkakausap?

MAINE: Nope, nirereject ko mga calls nya..

UNO: Bakit? Sana hindi mo na siya mahal.

MAINE: Uno!

UNO: Sabi ko nga.. Eh bakit nga?

MAINE: Ayokong magulo ang isip nya dun, baka magmadali siyang umuwi ng hindi nagagawa ang purpose nya sa pagpunta dun.

UNO: Eh bakit nga ba siya nandun?

MAINE: Para buuin ang sarili niya... ang dami kasing nangyari, di ba nakwento ko na naman sa iyo yun?

UNO: Yeah, pero ang unfair kasi dapat alam nya yang kalagayan mo..

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon