DAY 25-D

4.1K 211 13
                                    


SEQUENCE 212
NIGHT/INT Resort's resto

Magkakasabay na nagdidinner sina Meng, Den, Pao at Miggy.

MIGGY: Grabe mamu parang bitin ang two days natin..

PAO: Medyo bitin nga din ako eh kaya lang no choice may trabaho na bukas..

ALDEN: Buti na lang kami walang trabaho..

Ipapatong ni Alden ang braso sa sandalan ng upuan ni Meng.

PAO: Oyy Den, kahit wala kayong trabaho bukas, it doesnt mean na iiwan ko kayo dito noh!

ALDEN: Ayyyyyy....

PAO: Gusto mo bang itakwil ako ng parents ko... Nagpapakakunsintidor na nga ako sa inyo  dito kasi naaawa ako dyan kay Meng, pero please naman kahit pabalat bunga ipakita mo muna sa parents namin na nanliligaw ka..

Titingnan ni Alden si Meng na nagkukunwaring busy sa pagkain...

ALDEN: Nasa plano ko naman yun eh... Syempre gusto kong makilala ang parents nyo, tapos ipapakilala ko din sa family ko si Meng.

MAINE: Pero kilala ko na sila......

ALDEN: As Tin's friend, this time you have to meet them as my girlfriend..

Hahalikan ni Den ang pisngi ni Meng.

MIGGY: Hay naku mamu wala pa man din tayong dessert nilalanggam na dito... kaloka!!!

PAO: Nainggit ka naman... Hala hanapin mo yung Kenneth mo.

MIGGY: Mamaya na mamu, nagugutom pa ako...

ALDEN: Uyyyy may bago na naman si Migs... Anyare kay Mavi?

MIGGY: Pwede ba wag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan ng lalaking yun.

MAINE: Bakit Migs, kabebreak mo lang din?

PAO: Hahahaha! Di ba nga nabuntis ni Mavi yung isang model na si Margarita, kaya iyan binalak daw nyang lumaklak ng acetone.

ALDEN: Acetone? May nail polish ka ba sa lalamunan Migs? Hahahahahha

MIGGY: Oyyy effective yun, kaya lang naisip ko sayang din ang ibang papa kung mag goodbye bigla ang beauty ko... Kaya eto move on agad...

MAINE: Tama yan Migs..... move on ka lang... mahahanap mo din yung destiny mo...

Titingin si Meng kay Den na susuklian naman nito ng pagpisil sa kamay niya. Tila sila lang ang tao dun kung magtinginan kaya hindi nila mapapansin ang pasimpleng irap ni Miggy.

SEQUENCE 213
NIGHT/EXT Gate(Alden's House)

Kinakausap ni Kriz ang parents ni Den na kauuwi lang from Cebu.

ANSELMO:  Naku Kriz, wala talaga si Den dito.. Kauuwi lang din namin galing Cebu.

KRIZ: Tito kailangan ko lang kasi talaga syang makausap... please naman po...

PAMELA: At ano pa ang dapat nyong pag usapan? Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo dati kay Den kaya ginugulo mo na naman sya? Kulang pa ba?

KRIZ: Hindi ko naman po sya guguluhin tita. Gusto ko lang po syang makausap. Gusto ko lang din pong humingi ng sorry sa mga atraso ko sa kanya, sa inyo din po... Alam po ng Diyos na sising sisi na ako sa mga ginawa kong desisuon dati pero wala na din po akong magagawa. Tapos na po ang lahat.

PAMELA: Eh iyon naman pala.. tapos na pala ang lahat... Hayaan mo na ang anak ko at masaya na  yun ngayon!

Hahawakan ni Anselmo ang kamay ng asawa..

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon