Again nagpapauna na ako ng sorry....Kaya natin to.....
SEQUENCE 275
DAY/INT Alden's condoAs usual mag isa na naman si Alden... Nagsesenti na naman... mayamaya tatawag sa kanya si Tin.
TIN: Kuya ano bang nangyayari sa yo? Bakit ang hirap mong hagilapin?!
ALDEN: Sis ano na naman?
TIN: Anong ano na naman?! Di ba dapat nasa Batangas ka.. masyado ka na namang nagtatagal dyan... Kung si Meng ang dahilan mo, for sure naman maiintindihan mo ang mga responsibilities mo sa family business...
ALDEN: Ang dami mo na namang sinabi... Kelan nga ba ang uwi mo?
TIN: Next week pero baka one week lang din ako dyan kasi hindi pwedeng walang mag aasikaso ng business natin dito, imposible namang ikaw ang pumalit sa akin dito para makapagbakasyon ako ng bongga diyan..
ALDEN: Bakit ba kasi napakaraming business? Okay na naman tayo moneywise ah.. Kahit mga magiging apo natin secured na...
TIN: apo ka diyan, mag anak ka muna! Ay wag muna pala hahahha... Hindi pa pala ready si Meng hahahaha!
ALDEN: Wag kang mainip.... darating tayo diyan...
TIN: Kuya uwi ka na dun...
ALDEN: Oo na... uuwi na ako....tatapusin ko lang ang inaasikaso ko dito...
TIN: Ay ok nga pala... I heard yung nangyari kay Kriz....
Bubuntong hininga lang si Alden.
TIN: Okay ka lang ba kuya? I mean.... Im sure naapektuhan ka... Hindi naman iba sa iyo si Kriz... naging part sya ng buhay mo..
ALDEN: Huwag na natin siyang pag usapan please....
TIN: Basta kuya okay na yun... siguro naman tahimik na si Kriz ngayon....Hindi na sya makakagulo sa iyo... sa inyo ni Meng...
ALDEN: Tin...
TIN: Wait alam ba ni Meng ang mga pinagdaanan mo kay Kriz? Yung totoong pinagdaanan mo?
ALDEN: Bakit kailangan nya pang malaman, past ko na naman yun... sya na ang mahal ko..
TIN: Ang syongaks!!
ALDEN: Ano?!
TIN: Kuya, kilala kita... madali kang maapektuhan ng mga bagay bagay... ng kung ano anong issues... yang pagkamatay ni Kriz, paano mo tinanggap? Yung totoo? Nagkulong ka na naman ba? Baka nag self pity ka na naman... sinarado mo na naman ang mundo mo sa ibang tao....
Hindi makakasagot si Alden...
TIN: So tama nga ako...kilalang kilala na talaga kita.. kuya ipaalam mo naman sa ibang tao ang nararamdaman mo.. bigyan mo ng karapatan ang nagmamahal sa yo na damayan ka... hindi naman masama iyon... kaya naman pala may iba sa boses ni Meng ng makausap ko sya...
ALDEN: Nagkausap kayo? Kelan?
TIN: Kahapon... hindi kasi kita mahagilap kaya sya na lang tinawagan ko... Medyo nawirduhan ako na hindi din nya alam kung nasaan ka kahapon... Medyo nakaamoy na ako...
ALDEN: Kung ano ano pinag iisip mo...
TIN: Basta kuya trust me... totoo yung mga sinabi ko... promise....
ALDEN: Hay naku bahala na... sige na... uwi ka na...
Pagkatapos ng tawag, mahuhulog sa malalim na pag iisip si Alden...
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanficIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...