DAY 10

4.4K 153 14
                                    


SEQUENCE 35
DAY/INT ALDEN'S ROOM

Magriring ang telepono ni Alden kaya pupungas pungas nya itong aabutin

ALDEN: Hello!

PAMELA(Alden's mom): hello iho, tanghali na? Bakit tulog ka pa?

ALDEN: Mom its just 9am.

PAMELA: kaya nga alas nuwebe na.. bueno hihingi sana ako ng favor syo anak..

ALDEN: what is it?

PAMELA: kasi nak, may biglaang conference ang dad mo sa cebu bukas ng umaga, syempre alam mo namang hindi umaalis yun ng hindi ako kasama.

ALDEN: what's the problem? Dati nyo na namang ginagawa yun ah, tsaka andun naman si manang gie.

PAMELA: Eh kasi anak parating dito sa bahay ang kaibigan ni Tin, magbabakasyon muna dito ng ilang linggo. Bukas ang dating nya, nakakahiya namang wala man lang syang maabutang tao dito kundi ang mga maids..

ALDEN: You mean, I need to go home?

PAMELA: Sana anak.. please..

ALDEN: Okay mom, uuwi ako mamaya bago gumabi, anong oras ba ang dating ni...

PAMELA: Meng anak, that's her name, Ive met her already, napakabait na bata, nakasama sya ng kapatid mo sa isang outreach program. Hindi ko na nabanggit sa kapatid mo na aalis kami ngayonkasi biglaan nga.

ALDEN: okay! Ingat kayo ni dad! I love you!

PAMELA: Thank you anak! Hindi naman kami magtatagal sa cebu, mga 4days lang daw sabi ng daddy mo.

ALDEN: sige po. Love you mom!

SEQUENCE 36
DAY/INT Family room

Lalapit si Pao kay Meng na abalang nanonoos ng tv.

PAO: Meng what time ang alis mo bukas?
Kakainis ka naman, hindi pa nga natuloy yung blind date eh..

MAINE: Kuya mga 4am aalis na amo para iwas traffic. next time na lang pagbalik ko. Promise yan.. sabihin mo sa dapat na ka-date ko eh next time na lang namin ituloy..

PAO: Yun pa nga eh, magqu-quit na sya sa modeling, uuwi na lang daw sya sa province nila to help his parents run the business.

MAINE: Ay sayang naman, gusto ko pa namang bumawi sa kanya.. sana magkita uli kami.

Magriring ang phone ni Pao

PAO: (tingin sa cp) speaking of the devil (ngiti kay meng, after awhile sasagutin ang cp)
Hello Den! Yes.. ganun ba? uhhhmmmm pwede naman.. sige sige, kahit sa friday ka na lang um-attend, sa dress rehearsal.. sige ingat ka... pasalubong ko ha!! hahahhaha! Sige bye!!

MAINE: Den?

PAO: Oo si Alden, yung supposed to be ka date mo, kailangang umuwi sa province ngayon dahil may emergency daw..

MAINE: Eh bakit sayo nagpapaalam?nagma-manage ka na din?

PAO: Sira, hindi kasi makontak si Mama Zane, yung manager nya kaya sa akin nagpasabi,well hindi naman masyadong kailangan sya sa rehearsal dahil maning mani na sa kanya yun.. yun pa ba eh magaling yun. Tapos napakabait na kaibigan pa, never nangdiscriminate..

MAINE: Wow kuya, talagang ang taas ng tingin mo sa kanya ah.. puro papuri sa kanya eh.

PAO: Hindi naman sis, kasi mabait lang talaga yun, tsaka wala akong masabi sa trabaho nun, walang arte hindi katulad ng ibang model at artistang binibihisan ko.

MAINE: Sabi ko nga kuya.... parang naexcite akong makilala sya ah.. parang ang sarap nyang maging kaibigan... looking forward to meet him after two months..

PAO: Sige sige, ayusin uli natin yang date nyo! Im sure magkakasundo kayo. O sya, I'll try na umuwi bukas ng madaling araw para makita muna kita before you leave. I'll go na at Pangasinan ang location shoot namin ngayon..

MAINE: okay kuya.. ingat sa byahe..

SEQUENCE 37
NIGHT/INT Meng's room

Kausap ni Meng si Tin sa skype

TIN: Oy ikaw wag kang mahihiya dun sa amin ha, feel at home ka lang dun,nameet mo na naman si mommy eh..

MAINE: yes Tin, I've met tita pamela, ano nga name ng daddy mo?

TIN: My dad's name is Anselmo.

MAINE: pero salamat ha, I really need this break.

TIN: Dont worry, tahimik dun, makakapagpahinga ka ng mabuti, magkaka privacy ka dun, si kuya lang naman ang maingay sa lugar namin eh.

MAINE: Speaking of your kuya, wala ba syang balak umuwi sa inyo? Kawawa naman ang parents nyo pareho kayong wala.

TIN: Hay... ewan ko ba dun kay kuya, hindi mapirmi yun sa lugar namin simula ng iniwan ni Marie.

MAINE: Sino naman si Marie?

TIN: yung ex nyang japayuki!

MAINE: Japayuki talaga? As in?

TIN: Hahahah hindi naman talaga japayuki, nakasanayan ko lang tawaging japayuki kasi nga sa Japan na nag aral after mangako kay kuya pero never ng nakipagcommunicate..

MAINE: Why do I have this feeling na mainit ang dugo mo sa kanya..

TIN: Eh kasi nga sya ang dahilan kaya lumayo sa amin si kuya, kaya ayun kabi kabila na ang babae, pag nagka std ang kuya ko sya ang sisisihin ko.

MAINE: Ganun ka playboy ang kuya mo?

TIN: Oo! Buti na nga lang at wala sya ngayon dun at hindi ka nya makikita.. naku...

MAINE: Hahahha... buti na nga lang.

SEQUENCE 38
NIGHT/EXT garage

Paaalis na si Alden pauwi sa probinsya, bago umalis, inin-expect maigi ang mga locks ng bahay at electricity.. Pagkaraan sumakay na sya ng kotse at nagsimulang magmaneho.

ALDEN: Home!! Here I come!!



My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon