chapter 1

80.4K 1.2K 17
                                    

'Hahahaha*evil laugh* pano ba yan mahal na prinsesa, wala na ang pinakamamahal mong ina at ama.'- sambit ng isang babaing naka kulay itim na damit habang nakatingin sa akin na may ngisi sa labi

Kahit saan ako tumingin ay mga walang buhay na katawan ang tanging nakikita ko ngunit tila napako ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang mga walang buhay na katawan ni ina at ama.

'I-ina, a-ma'- ang tanging naisambit ko habang nakatingin parin sa katawan nilang naliligo sa kanilang sariling dugo

'Wala kang kwentang anak at prinsesa, namatay sila nang dahil sayo hahaha*evil laugh*'- sambit na babaeng naka itim

'H-hindi, HINDI YAN TOTOO'- galit kong sigaw.

'kong hindi totoo ang sinasaabi ko bakit namatay lahat ng nasasakopan niyo at ang mga magulang mo? samantalang ikaw ay wala man lang galos'- nakangisi niya paring sambit

'Hi-hindi'- ang tanging naisambit ko habang tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha

'Dahil sa pagpoprotekta nila sayo kaya sila namatay hahaha'- sambit ng babae

'Hi-hindi yan totoo, HINDI!!'- ako

---

HAAAAAA HAAAAAA HAAAAAA

Nagising akong habol ang aking hininga at nanlalamig ang kamay. Thanks god at panaginip lamang yon.

Ngunit kahit na sabihin kong panaginip lamang yun ay alam ko sa sarili ko na hindi lamang yun isang simpling panaginip lang.

*Tok* *tok* *tok*

Nakarinig ako ng sunod sunod na katok na siyang nagpabalik sa akin sa realidad mula sa aking malalim na pag iisip.

'pasok'- plain kong sagot

'Mahal na prinsesa, ipinapatawag po kayo ng mahal na hari at reyna para po makapag almusal na'- magalang na sambit ng isa sa aming katulong

'Paki sabi na lang bababa na ko'- sambit ko ng hindi sakanya tumitingin

'Masusunod po mahal na prinsesa'- sambit ng aming katulong at agad na lumabas

Agad akong nagtungo sa aking banyo para magawa ang aking daily routine, habang ginagawa ang aking daily routine ay ipapakilala ko na lamang sa inyo ang aking sarili.

Ako nga pala si Sophia Kahea Anaya Luxoria 16 na taong gulang, ang nag iisang prinsesa ng Invictus Kingdom. may buhok akong kulay ginto , mahahabang pilik mata, 5'8" ang taas, maputi mag gold na kulay ng mata.

Nagtungo na agad ako sa aming hapag kainan pagkatapos kong gawin ang aking daily routine.

'Magandang umaga po ina, ama'- magalang kong pagbati sakanila pagkarating ko sa hapag kainan

'Magandang umaga rin princess'- sabay nilang pagbati habang may mga ngiti sa labi

Sila lamang ang nag iisang kayamanan ko sa buhay kaya naman hindi ko alam kong ano ang gagawin ko oras na nawala sila sa buhay ko. Hindi naman kasi ako lumalabas ng palasyo kaya wala akong kaibigan at tanging mga pinagkakatiwalaan kong tao lamang ang nakakakita ng tunay kong mukha at yun ay ang mga magulang ko.

May inilagay kasi akong spell sa sarili ko na kahit na makita mo ako, pakalipas ng ilang minuto ay hindi mo na matatandaan ng malinaw ang mukha ko ngunit kapag nakita mo naman ako ay bigla mo na lang maaalala kong sino ako na tila ba hindi mo nakalimutan ang mukha ko kaya naman alam parin nila na ako ang prinsesa ng kahariang ito.

'Hey princess'- ina

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ng aking ina, hindi ko alam na napalalim na pala ang pag iisip ko.

'Bakit po ina?'- malumanay kong sagot

Tanging sakanila ko lamang pinapakita ang pagiging caring at sweet ko dahil kadalasan ay tahimik at wala akong pakialam sa paligid ganon sila kahalaga sa akin.

'May bumabagabag ba sayo?bakit napakatahimik mo ata ngayon?'- nag aalalang tanong ni ina

'Oo nga princess, medyo matamlay ka rin ngayon. May sakit ka ba?'- segunda naman ni ama habang may pag aalalang nakapaskil sa kanilang mukha.

'wala po ito ama, ina, napuyat lamang ako'- sambit ko habang may pilit na ngiti

'Ok sige. Pagkatapos mong kumain ay magpahinga ka na muna'- ina

'Opo ina'- ako

Agad akong ng paalam pagkatapos kong kumain, alam kong nag aalala parin sina ina at ama ngunit hindi na lamang sila nag usisa at hinayaan na lamang ako.

Pagkarating ko sa aking kwarto ay tungkol sa panaginip ko parin ang aking iniisip, alam kong may gustong ipahiwatig ang aking panaginip kaya naman kahit na masakit ang ginawa kong desisyon ay kailangan ko paring gawin para sa ikabubuti ng aking mga magulang at ng aming nasasakopan.

Napag pasyahan kong umalis sa palasyo dahil alam kong sa ganitong paraan ay maaaring maiwasan ang panaginip ko o mas tamang sabihin na vision ko.

Madali lamang ang umalis ng palasyo dahil sa isa sa mga ability ko ang teleportation ngunit mas pinili ko ang umalis ng gabi para na rin wala agad makapansin ng pagkawala ko.

Halos wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang mag handa ng aking mga dadalhin ngunit ng dumilim na at handa na kong umalis ay bigla na lang may isang babae at lalaki ang lumitaw sa kwarto ko, tss pano nakapasok ang mga taga dark land dito=_=.

Agad na sumugod sa akin ang babae at Iwas lamang ako ng iwas sa bawat ibato niyang dark ball sa akin, sinigurado ko ring may shield para hindi marinig ng nasa labas ang mga ingay na ginagawa namin dito.

'Mamamatay ka na prinsesa*smirk*'- babae

'Tss'- ang tanging naisambit ko at agad siyang binato ng aking ice shurekin ngunit agad naman siyang nakaiwas kaya naman daplis lang ang kayang natamo

'Hahaha yun lang ba ang kaya mo? Anong akala mo sakin mamamatay ng isang simpling ice shurekin? Hahahaha*evil laugh*'- sambit ng babae habang yong kasama naman niya ay nakatayo lamang at nag mamasid

'*smirk* let see'- sambit ko habang may nakakalokong ngisi sa labi

'Anong ngini----arghhh'- hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng unti unti niyang maramdaman ang pag daloy ng lamig mula sa kanyang sugat patungo sa kanyang puso

'So how's my frozen heart shurekin?*smirk*'- ako

'Ha-hayop k----'- hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng tuluyan ng sakopin ng yelo ang kanyang buong puso at walang buhay na bumagsak sa sahig

'magaling prinsesa, pinahanga mo ako sa iyong ginawa. Pero sinisigurado ko sayo na ako ang papatay sayo*smirk*'- sambit naman ng lalaki

'Ok=_='- walang kabuhay buhay kong sagot naa siya namang ikina inis niya

Agad naman niya akong sinugod ng kanyang dark ball habang akong ay iwas parin ng iwas. Pasimple ko namang pinalabas ang aking ice shuriken at agad na sinaksak sa kanyang tagiliran

'*smirk* see you in hell mr.'- sambit ko

'Hindi ako papayag na ako lang ang mamamatay --arghh, i-isasama k-kita'- sambit niya at agad na gumawa ng isang dark poison bomb na kaya kang sunogin oras na dumikit sayo ang usok.

Dali dali kong kinuha ang lahat ng maleta ko at agad na nag teleport sa kagubatan na malapit lang sa palasyon bago pa man nya mapasabog ang aking kwarto

*BOOOOOOM*

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at kitang kita ko rin sa pwesto ko ang nasusunog na parte ng palasyo kong saan ang aking kwarto.

Kahit na nangangamba ako ay tumalikod na lamang ako at nag simula ng mag lakad.

_______________________________________
Hello guyz ^____^. Sana magustohan niyo ang second story ko.

Denelete ko na po ung action story na ginagawa ko at ito na lang ang ipagpapa2loy ko.

Pic ng room ni sophia sa taas ^_^

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon