Koharu P.O.V
Inabot na kami ng dapit hapon sa kahahanap kay sophia ngunit ni anino nya ay wala kaming makita. Pinatulong na rin namin ang ibang kawal sa paghahanap at halos malibot na namin ang buong fire kingdom at matanungan na namin ang lahat ng user na madaanan namin pero ni isa ay wala man lang nakakita sa kanya.
'Umuwi na muna tayo ng makapagpahinga'- sambit ni ethan na agad na ikinailing ni fiona.
'Hindi ako uuwi hangat hindi natin kasama si sophia'- sambit niya at pilit na pinapatatag ang sarili pero hindi kalaunan ay kusa na ring pumatak ang kanyang mga luha.
'Ma-malakas si sophia ka-kaya wag kang mag alala kaya niya ang sarili niya'- sambit ni mica kay fiona ngunit maging siya ang hindi rin mapigilan ang paglandas ng luha sa mga mata.
'Kailangan muna nating umuwi nang sa ganon ay may lakas tayong gagamitin para sa paghahanap sa kanya at kailangan rin ng katawan natin ng pagkain'- sambit ni ethan, kahit na ayaw namin ay wala na rin kaming nagawa, tama rin naman si ethan kailangan namin ng lakas para sa paghahanap.
'Kasalanan ko to, kong sumama sana ako sa kanya, sana hindi siya nawawala ngayon'- wala sa sariling sambit ko habang naglalakad kami pabalik.
'Walang ibang dapat sisihin dito kundi ang mga dark user'- malamig na sambit ni kaito.
Pagkarating namin sa palasyo ay siya namang dating ng iba pa.
'Nahanap niyo na si sophia?' Agad na tanong ni dylan ng makalapit sa amin.
Isang iling lamang ang isinagot mica habang ang iba naman ang tahimik lang sa isang tabi, kong dati si alex at melody ang palaging pasimuno ng ingay , ngayon ay nasa isang tabi na lamang sila at kita sa mukha ang pag aalala para kay sophia.
'Sa tingin ko ay sinadya nilang iparamdam sa atin na nakapasok sila'-malamig na sambit ni kaito.
'Anong ibig mong sabihin?' Tanong ko at maging ang iba ay tila napukaw ang attention.
'Planado ang lahat, ang pagkawala ni sophia at ang pagparamdam ng mga.dark user, sa tingin ko ay sinadya nila yon para sundan natin sila'-sambit niya na ikinatahimik namin.
'Isang patibong'- sambit naman ni troy.
'Patibong man o hindi basta ang mahalaga ay mailigtas si sophia'- seryoso kong sambit.
'Kailangan nating pagplanohan ang pagbawi kay sophia'- seryosong sambit ni dylan na sinagot naman nila ng tango.
'Mawalang galang na po mahal na prinsepe pero may nakita po kaming sulat sa harap ng palasyo' -magalang na sambit ng isang kawal sabay abot ng isang itim ng sobre kay ethan.
Agad naman itong binuksan ni ethan at inilapag sa mesa.
Hindi ko mapigilang mapakuyom ng mabasa ang nakasulat sa sobre, hindi nga kami nagkamali talaga ngang dark user ang kumuha kay sophia.
'kailangan nating mailigtas si sophia sa lalong madaling panahon'- sambit ni fiona.
'Pero hindi tayo maaaring magpadalos dalos kailangan nating humingi ng tulong '- sambit ni mark.
'Mamatay si sophia kong hihingi tayo ng tulong'- sambit naman ni dylan na ikinatahimik namin.
Alam kong litong lito na ang mga kasama ko kong anong gagawin, maging ako ay hindi ko na rin alam ang aking gagawin. Nakalagay sa sulat na oras na magsama kami ng mga kawal ay papatayin nila si sophia pero kong susugod naman kaming kami lang ay siguradong mamamatay kami, kahit na malakas na kami ay hindi parin namin kakayanin ang lahat na dark user, masyado silang madami.
Kaito P.O.V
Alam kong malakas siya pero hindi ko parin maiwasang mag alala lalo na ngayong hawak siya ng mga dark user.
Siguraduhin lang nilang walang mangyayaring masama kay sophia dahil papatayin ko sila kahit na buhay ko pa ang maging kapalit. =_=
Someone P.O.V
'Sino ang babaing yan? Bakit mo siya dinala rito?'- tanong ko sa aking alipin ng pumasok siya at may dala dalang isang dalagang walang malay.
'Siya po ang magiging alas natin para mapabalik ang mahal na prinsepe at mapatay ang iba pang prinsepe at prinsesa'- magalang na sambit ng aking alipin.
'siguraduhin mo lang dahil alam mo kong paano ako magalit sa oras na biguin mo ko'- malamig kong sambit.
'O-opo sigurado po ako.'- nanginginig niyang sagot. Dapat lang na matakot siya dahil hawak ko ang buhay niya.
'Ipasok mo na siya sa kulungan at siguraduhin mong hindi siya makakatakas'- sambit ko habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga.
'Masusunod po'- magalang niyang sambit at agad na umalis.
Hindi ko mapigilang mapangisi habang iniisip ang aking plano. Simula pa lang ay amoy ko na ang pagkapanalo, hindi magtatagal at luluhod silang lahat sa akin, maging ang mga hari't reyna ay luluhod din.