chapter 69

12.2K 306 17
                                    

Sophia P.O.V

'Hindi ba talaga tayo pweding lumipad? Nakakapagod na kayang maglakad'- nakasimangot na tanong ni melody.

'Oo nga, ang sakit na ng mga paa ko'- pag sang ayon naman ni dylan.

'ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na delikado kapag lumipad tayo, malaki ang chansang makita tayo ng mga kalaban'- naiinis namang paliwanag ni fiona, kanina pa kasi umaangal ang iba na pagod na sila.

'*pout* sabi ko nga'- sambit naman ni melody.

Maaga kaming umalis kanina para makapaglakbay patungo sa iba't ibang kaharian at tumagal na rin ng kalahating araw ang paglalakad namin kaya hindi ko masisisi ang mga kasama ko kong pagod na sila.

'Magpahinga na muna tayo'- plain ma sambit ni kaito na ikinangiti naman ng iba kong kasama.

'Hay sa wakas'- tila batang binigyan ng lolipop na sambit ni mica.

Habang ang iba naman ay kanya kanyang hanap ng kanilang pwestong mapagpapahingahan

Hindi ko na lamang sila pinansin at naghanap na rin ng kahoy na maaari kong mapagpahingahan. Nang makakita ako ay dahan dahan akong umakyat ng hindi mahulog ang natutulog na si sep sa aking balikat.

Dahil siguro sa pagod ay agad rin akong naka idlip sa sangang aking inuupuan ngunit bago pa man lumalim ang aking tulog ay naramdaman ko ang matang nakatingin sa akin at dahil sa aking reflexes ay agad akong nagsummon ng isang sandata at akmang ibabato sa aking harapan.

'Woaah, ako lang to'- nanlalaking matang sambit ni haru habang nakataas ang dalawang kamay.

'Tch, anong ginagawa mo dito?'- tanong ko at bumalik sa aking pwesto.

'Hindi ka ba nagugutom?'- tanong din nito at hindi man lang pinansin ang aking tanong =_=.

'Hindi'- plain kong sagot.

'Heto oh kumain ka'- sambit niya parin na tila hindi naririnig ang aking sinabi habang inaabot sa akin ang isang prutas.

'hindi ako gutom'- ulit kong sambit, kanina ko pa gustong matulog at kong hindi sana siya lumapit siguro ay malalim na ang aking tulog =_=.

'Kakain ka o hahalikan kita'- sambit niya kaya naman tinignan ko na lang siya ng matalim.

'*pout* ikaw naman hindi ka na mabiro'- naka pout niyang sambit. Akala ko kapag nag pout ang lalaki ay magmumukha silang bakla pero bakit mas mukhang gumwapo pa siya nong nag pout siya?.

'Tss wag ka ngang mag pout'- naiinis kong sambit sabay iwas ng tingin.

'Bakit? Na tetempt ka bang halikan ako?'- nakangisi niyang sambit na ikina iwas ko ng tingin, pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko.

'dito mo na nga ang prutas at nagugutom ako'- sambit ko sabay hablot ng prutas sa kanyang kamay at walang pasabing kinagatan ito.

Hindi parin maalis alis sa kanyang mukha ang nakakalukong tingin habang kinukuha ang sa tingin ko ay tubig. Tahimik lang akong kumakain habang siya naman ay umiinom ng tubig sa aking tabi.

'I love you'- mahina niyang bulong sa aking tenga at dahil sa sobrang lapit ay naramdaman ko na ang bahayang paglapat ng kanyang mga labi sa gilid ng aking tenga.

*cough**cough**cough*

'Ok ka lang?'- nagaalala niyang tanong at agad na inabot sa akin ang boteng kanyang hawak, hindi naman ako nag nagdalawang isip pa at agad na ininom ang tubig na kanyang ibinigay.

'Ok ka na?'- nag aalala niya pa ring tanong na sinagot ko naman ng tango.

' Indirect kiss'- nakangiti niyang sambit na ikinakunot ng noo ko.

Dahil siguro sa pagkakunot ng aking noo kaya naman nakangiti parin siyang inginuso sa akin ang boteng hawak ko.

Pakiramdam ko ay kamatis na sa sobrang pula ang aking pisge ng makuha ang kanyang ibig sabihin. Ang hawak kong bote kong saan ako uminom ay ang bote ring kanyang iniinuman kanina.

'Sa susunod ay sisigiraduhin ko nang direct'- nakangisi niya paring sambit.

'Wala nang susunod dahil hindi na ko mabibilaukan pa'- agad ko namang sagot.

'sabagay, baka nga matuluyan ka pa kapag nabilaukan ka pa, paano pa kita niyan mapapakasalan.'- sambit niya naman habang tila nag iisip habang ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

'Alam ko na, bubusogin na lang kita'- parang bata niyang sambit.

'Bubusogin kita ng aking pagmamahal'- nakangiti niyang sambit habang ako naman ay speechless na nakatingin sa kanya.

'Tss, bumaba na kayo diyan at aalis na tayo - malamig na boses na narinig ko sa baba at nang tignan ko ay nakita ko si kaito na masamang nakatingin kay haru at walang pasabing umalis.

'Tara na - sambit ko at agad na tumalon pababa na agad niya ring sinundan.

------------------------------------------

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon