chapter 31

18.5K 482 30
                                    

Sophia P.O.V

'Handa na ba ang inyong mga kakailanganin?'- seryosong sambit ni headmaster pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng kanyang opisina.

Katulad na dati ay portal parin ang aming gagamitin, naghanda na kami ng mga gamit na kakailanganin namin na aabot sa isang buwan, hindi na kami nahirapang magdala pa ng gamit dahil binigyan kami ni headmaster ng isang maliit na backpack na kayang kayang lagyan ng aabot sa isang libong gamit at syempre dahil yon sa magic.

'Opo'- sabay sabay na sambit ng mga kasama ko.

'Kong ganon ay tayo na sa portal room.'- sambit ni headmaster at agad ng nagtungong portal room.

Kahit na huwag sabihin ng mga kasama ko ay alam kong kinakabahan sila sa pagpunta ng death forest. Isang napakadelikadong lugar ang death forest, dito mo makikita ang mga iba't ibang klaseng halimaw at halaman na kayang kaya kang patayin sa loob lamang ng isang minuto.

'Mag iingat kayo mga bata, alam kong malalampasan ninyo ang inyong pagsubok.'- sambit ni HM na nakapagpabalik sa ulirat ko, hindi ko man lang namalayan ang pagdating namin dito =_=.

'Salamat po'- sambit ni melody habang may pilit na ngiti.

'Sige na, pumasok na kayo '- sambit ni HM na agad naming sinunod.

Nauna nang pumasok sina mark at kate, sunod ay sina alex at melody at kami ang panghuli.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa portal ay isang naglalakihang puno agad ang sumalubong sa amin. Agad kaming naging alerto ng bigla na lang kaming palibutan ng mga itim na lobo.

'Ano ba yan kakarating pa lang natin eh'- sambit ni melody habang nakabusangot.

'Magsihanda kayo, hangat maaari ay huwag kayong gagamit ng kapangyarihan dahil madali kayong manghihina'- seryosong sambit ni haru na agad naman naming sinang ayunan.

Sa tingin ko ay aabot sa kwarenta ang mga lobong naka paligid sa amin at kanina pa sabik na sabik na lapain kami.

Inilabas na ng mga kasama ko ang kanilang mga sandata na dala dala at naghanada nang sumugod.

Third person P.O.V

Hawak ang kanyang espada ay agad na sumugod si haru sa mga lobo sa kanyang harapan habang si melody naman ay nagtungo sa itaas ng puno at gamit ang kanyang pana ay tinitira niya sa ulo o kaya naman sa puso ang mga lobong lumalapit sa kanya.

Si alex naman ay pinababato ng kanyang mga throwing knives ang mga lobong kanyang mamataan at si kate naman ay gamit ang kanyang twin sword ay pinuputol ang nga ulo ng mga lobo. Gamit naman ni mark ang kanyang katana sa pagpatay sa mga lobong nagtatangkang lapain siya habang si sophia naman pinuputol ang mga ulo ng lobo gamit ang kanyang scythe.

Tila nagsasayaw si kate habang winawasiwas kanyang twin sword habang si koharu naman ay walang awang pinapatay ang mga lobo sa paligid niya.

Hindi umaalis si sophia sa kanyang pwesto at bago pa man siya madikitan ng mga lobo ay kanyang napupugotan agad ito ng ulo gamit ang kanyang scythe.

Prente namang naka upo sa isang sanga si melody at pinapatamaan sa puso ang ibang lobong lumalapit sa kanyang mga kasama.

Ang dating mapaglarong ugali ni alex ay napalitan na ngayon ng pagiging seryoso at gamit ang kanyang mga maliliit na kutsilyo ay kanya itong ibinabato sa ulo ng mga lobo at maging si mark ay ganon din ang ginagawa.

Umabot ng kalhating oras ang kanilang pakikipag laban sa mga lobo at may iilang sugat na natamo sina alex, mark, at kate habang kunting galos naman ang kay haru at wala namang natamong sugat sina sophia at melody.

'Hay naubos din'- sambit ni melody ng makababa ng puno.

'Nakakapagot, magpahinga muna tayo.'- sambit ni alex habang hawak ang kanyang balikat na nakalmot ng isang lobo kanina.

'Ito oh inumin nyo, buti na lang pala at nagdala tayo ng healing candy'- sambit ni kate sabay aboy kay alex at mark ng tig isang healing candy.

kinuha naman iyo nina alex at mark at agad na ininum at ilang segundo lang ay kusa nang nagsara ang kanilang mga sugat.

'Kailangan nating maghanap ng ligtas na lugar na pweding mapagpahingahan'  seryosong sambit ni koharu.

'Pero walang ligtas na lugar dito sa death forest'- sagot naman ni mark na agad na sinang ayunan ng mga kasama niya.

'Meron'- bored na sambit ni sophia na ikinalingon ng mga kasama niya.

'Saan?'- tanong ni melody ngunit hindi na kumibo si sophia at itinuro na lamang ang mga sangga ng mga naglalakihang puno.

'Sa taas ng puno?'- tanong ni kate.

'Yes, it's much safer up there'- walang emosyong sambit sophia.

Kate P.O.V

Katulad ng sinabi ni sophia ay doon nga kami sa taas nagpahinga, sabagay mas safe nga naman sa taas dahil kahit papano ay maiiwasan namin ang mga mababangis na hayop sa baba.

Pagkarating sa taas ng puno ay nagkanya kanya na kami ng pwesto na aming mapagpapahingahan.

nang makahanap na ko ng komportableng pwesto ay agad kong inilabas ang pagkaing dala ko at nagsimula ng kumain, nakita ko rin ang mga kasama ko na kumakain na rin ng kanilang mga dalang pagkain.

Tahimik lang kaming kumakain habang si sophia naman ay nakapikit na habang nakaupong nakasandal sa katawan ng puno.

Sophia P.O.V

Napikit lamang ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin, hindi ko na sana siya papansinin ng magsalita siya na ikinamulat niya.

'bakit hindi ka kumakain?'- tanong ni haru habang seryosong nakatingin sa akin. Hawak niya ang isang Tupperware na naglalaman ng kanin at ulam, sa tingin ko ay yon ang kanyang baon dahil sa bago kami pumunta dito ay nagdala kami ng kanin at ulam para daw kahit papano ay makakain kami ng kanin sa unang araw namin dito dahil siguradong tanging prutas na lang ang makakain namin sa mga susunod na araw.

'not hungry'- maikli ko sagot at ipinikit muli ang aking mata.

Akala ko ay hindi niya na lamang ako papansinin at ipagpapatuloy na ang pagkain ngunit laking gulat ko ng walang pasabi na kong subuan.

'What the F, bakit mo yon ginawa?'-naiinis kong sambit makatapos kong nguyain ang pagkain  habang masamang nakatingin sa kanya na hindi niya na lamang pinansin at kumain na lang.tss pano na lang kong nabulunan ako=_=.

'Hey I'm----'- hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng subuan niya nanaman ako ng kanyang kinakain.

'Tss kumain ka na lang'-  sambit niya at sinubuan nanaman ako kaya nanahimik nalang ako, gutom na rin naman ako eh sadyang tinatamad lang akong kunin ang pagkain ko sa aking bag.

Naubos namin ang pagkain na ganon at ganon lang ang kanyang ginawa. Pagkatapos niyang sumubo ay ako naman ang susubuan niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga mapanuksong tingin sa amin ng aming mga kasama at maging si haru ay walang pakealam at tuloy lang sa pagkain.

Kaito P.O.V

Ilang buwan na rin simula ng umalis si sophia at simula noon ay naging tahimik na ang aming grupo. Makulit parin naman si tracy pero hindi na tulad ng dati.

Malaki ang pagsisisi ko dahil isa ako sa mga dahilan ng pag alis ni sophia. I know to myself that I like her, simula pa lang ay naging interesado na ko sa kanya but I'm such an asshole not to trust her.

Nalaman na rin namin ang buong katutuhanan tungkol sa traydor na si claudite, hindi namin inaasahan na isa si claudite sa mga traydor pero bago pa man namin siya mahuli ay nakita nalang namin siyang patay kaya naman sa tingin namin ay may kasabwat pa siya na hindi namin kilala.

Kahit na walang kasiguraduhan ay kumakapit na lang kami sa salita ni HM na babalik si sophia. Nagkaayos ayos na rin kami nina ethan at fiona, sa una ay nagalit sila pero hindi kalaunan ay napatawad rin nila kami.

'Let's go pinapatawag daw tayo ni HM'- seryosong sambit ni ethan na agad naman naming sinunod.

I miss you sophia, I hope you're ok at oras na bumalik ka ay babawi ako.

--------------------------

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon