Sophia P.O.V
'Good morning headmaster'- magalang nilang bati kay HM habang ako ay tahimik lamang.
It's been 3 days matapos ang ranking naming elites at sabi nila ay rank 2 daw ako habang rank 1 naman si haru, ikatlo naman ay si melody at ika apat si alex habang rank 5 naman sina mark at kate.
Hindi ko na napanood ang laban nila kate at alex at Hindi na rin ako nakadalo sa pag announce ng ranking dahil nga sa pinatulog ako ni haru=_= pero mas ok na yun at least hindi na ko napagod sa pakikinig.
'Good morning din sa inyo mga bata, maupo kayo^_^.'- nakangiting sambit ni headmaster.
'Ano pong kailangan nyo at ipinatawag niyo kami?'- tanong ni melody ng makaupo.
'Unang una ay gusto ko kayong icongratulate dahil sa magandang laban na ipinakita niyo kahapon at kaya ko kayo ipinatawag ay dahil may mission akong ipapagawa sa inyo.'-litanya ni HM at biglang sumeryoso, tss bipolar=_=.
'What mission?'- bored kong tanong.
'nawawala na parang bula ang mga users sa Haxria city kaya naman gusto kong imbestigahan niyo ito'- seryosong sambit ni HM.
'Kailan po kami aalis patungong Haxria?'- magalang na tanong ni kate.
'Kong maaari ay mamayang hapon na, bibigyan ko lamang kayo ng isang linggo para matapos ang inyong mission kaya naman inaasahan kong hindi nyo ko bibiguin'- HM
'Makakaasa po kayo HM'- sambit ni mark.
'Maari na kayong bumalik sa sa inyong dorm para makapag handa ng inyong gagamitin, magkitakita na lang tayo sa dito sa opisina mamayang alas kwatro'- sambit ni headmaster na agad naming sinunod.
(Fastforward)......
......3:42 PM
'Tara na guys sa opisina ni HM'- sambit ni melody na agad naman naming sinunod. Tig iisang backpack ang aming dala para sa aming mga kakailanganin. Hindi na ko nagdala pa nang kong ano ano dahil maaari lamang itong makasagabal sa aming paglalakbay patungong Haxcria.
Tahimik lamang kaming naglakad patungo sa opisina ni HM. Siguro ay inisip ng mga kasama ko ang mangyayari sa amin pag dating sa hexcria.
'HM'- pagtatawag pansin ni haru kay HM ng makapasok na kami sa kanyang opisina.
'Handa na ba ang lahat ng inyong dadalhin?'- tanong ni HM na sinagot lang namin ng tango.
'Kong ganon ay tara na sa portal room'- sambit ni HM na ikinakunot ng aking noo.
' Portal room?'- mahina kong sambit na sa tingin ko ay narinig ng aking katabing si haru.
'Yon ang ginagamit namin kapag may mission kami dahil sa wala naman ni isang estudyante dito ang marunong gumawa ng portal.'-paliwanag ni haru.
'Mag iingat kayo mga bata'- sambit ni HM ng makarating na kami sa portal room.
Kong titignan ay parang isang simpling room lang ang pinasokan namin dahil wala ka man lang makikita ni isang gamit dito at kulay puti rin ang dingding.
'Portal activated'- sambit ni HM at agad na may lumabas na isang lilang usok hangang sa nagsama sama sila at nag hugis bilog.
Naunang pumasok sina melody at kate , sunod naman ay sina alex at mark at panghuli kami ni haru.
Pagkalabas namin sa portal ay bumungad agad sa amin ang isang pamilihan, sa tingin ko ay ito na ang haxcria city.
'Tara na guys, kailangan pa nating makahanap ng matutuluyan.'- sambit ni kate.
'Oo nga at baka abutan pa tayo ng gabi dito sa labas'-mark.
nagsimula na kaming maglakad para makahanap ng aming pansamantalang matutuluyan dito sa haxcria city, kong titignan ay parang walang problemang kinakaharap ang lugar na ito dahil sa mga ngiti sa kanilang labi.
Hindi naman kami nabigo sa aming paghahanap ng matutuluyan dahil sa may mga bahay naman ditong pinaparentahan, mga bahay na pinasadya para sa mga taong manlalakbay.
'Hay nakakapagod'- sambit ni melody habang nakasalampak sa maiiliit na sofa dito sa sala.
Sakto lang ang bahay na aming nirentahan para sa amin, may maliit na sala, kusina at dalawang kwarto habang tig isang cr naman ang bawat kwarto. Napagpasyahan naming sa isang kwarto na lang ang mga babae at sa isa naman ang mga lalaki. Sa isang kwarto ay may apat na kama kaya naman kasya kaming tatlo nina melody at kate.
'Gutom na ko.'- maktol naman ni alex habang hinihimas ang tiyan.
'oo ako rin gutom na, may pagkain ba diyan?'- sambit naman ni mark.
'tara sa labas na lang tayo kumain'- sambit naman ni kate na agad naman naming sinag ayunan.
Bukas na namin sisimulan ang aming misyon, sa ngayon ay kailangan na muna naming magpahinga at mag ipon ng lakas para bukas.
* kinabukasan*
Maaga kaming gumising para masimulan agad ang aming mission dito sa haxcria. Napagpasyahan naming maglibot libot muna at mangalap ng impormasyon para mas mapadali ang aming mission.
'So san tayo unang pupunta?'- tanong ni mark ng magsimula na kaming maglakad.
'sa market'- seryosong sambit ni haru.
'Kong ganon tara na'- parang batang sambit ni melody.
'Hoy hindi tayo pumunta dito para mamasyal'- sambit ni alex na ikinainis naman ni melody.
'Bakit sinabi ko bang mamamasyal tayo?'- nakataas kilay na sambit ni melody habang masamang nakatingin kay alex.
'bakit sinabi ko bang sinabi mong mamamasyal tayo?'- pambabara ni alex kay melody na lalong ikinainis nito.
'Hiphip wag na kayong mag away, nandito na tayo'- saway ni kate sa dalawa.
Hindi na kami nag aksaya pa nang panahon at agad na nagtanong tanong sa mga tao dito sa pamilihan.
Bawat tanongin namin ay umiiwas o kaya naman ay hindi na lang kumikibo na tila hindi kami narinig. May iba naman na sinasabing walang nawawalang mga tao sa lugar nila at baka nagkamali lang kami kaya naman nagtungo na lang kami sa ibang lugar at doon nagtanong, ngunit ganon parin ang aming mga nakuhang sagot.
' nakakapagod maglakad'- reklamo ni alex pagkarating namin sa bahay na aming tinutuluyan.
'Mukhang wala namang alam ang mga tao rito'- sambit ni melody na sinagot naman ng tango nina mark at kate.
'Baka naman talagang mali lang ang impormasyon na nakalap ni headmaster'- sambit ni mark.
'Something's wrong'- walang emosyon kong sambit na ikinalingon nila.
'What do you mean?' - seryosong sambit ni haru.
'nakikita kong may alam ang iba kaya lang mukhang natatakot silang magsalita'- sambit ko na ikinaseryoso ng mga kasama ko.
'Paano mo naman nasabi sophia?'- sambit ni mark na tila naguguluhan.
'Nakita ko ang takot sa kanilang mata ng tanungin natin sila.'- plain kong sambit.
'Kong ganon ay maaaring nasa paligid lang ang may gawa nito'- seryosong sambit ni haru na sinagot ko naman ng tango.
'And I think marami sila'- seryoso kong sambit.
'simula bukas ay maghihiwa hiwalay tayo sa pag iimbestiga. Mark and kate , kayong dalawa ang magkasama. Alex and melody kayo naman ang magkasama and last tayong dalawa sophia'- seryosong sambit ni haru na sinagot naman namin ng tango.
'Kong wala tayong makuhang impormasyon sa mga mamamayan dito ay tayo mismo ang mag didiskobre nito.'- sambit ni haru bago kami magpahinga.
_______________(_(______