chapter 66

11.6K 293 7
                                    

Troy P.O.V

*Booogssshhh*

*ssshhhhiiiingggg*

*bbbblaaaaagggg*

'P-pahinga muna t-tayo'- hinihingal kong sambit sa aking tagapagsanay na si Nyoz. Ito na ang pang apat na araw kong nagsasanay at apat na araw na rin akong walang maayos na tulog.

'Sampong minutong pahinga'- seryoso niyang sambit kaya naman pabagsak akong nahiga sa lupa kahit na alam kong may mga putik. Sampong oras na kaming nagsasanay at sa sampong na oras na yon ay ngayon pa lang ako magpapahinga kaya naman pakiramdam ko ay bugbog na bugbog ang aking katawan.

Noong una, akala ko ay magiging madali lang ang aking pagsasanay dahil wala naman sa itsura niya ang pagiging istrikto, palangiti at mahilig siyang magpatawa pero nang nag simula na kaming magsanay ay doon ko lang napatunayan na isa siyang halimaw. Halos patayin niya na ko sa araw araw namin pagsasanay at kong nagrereklamo naman ako ay mas lalo niya pa akong pinapahirapan, pero kahit na ganon ay masasabi kong may nagbago sakin kahit papano.

'Tumayo ka na diyan at magsisimula na tayo'- sambit niya pero bago pa man ako makatayo ay naramdaman ko na ang isang bagay na papalapit sa akin na agad kong naiwasan.

Isa ito sa mga pagbabago ko. Madali ko nang nararamdaman ang isang bagay at naging nabilis din ako. Paano ba namang hindi ako bibilis kong bigla bigla na lang siyang nang babato ng kong anu ano. Hindi na rin ako madaling mapagod na labis kong ikinakatuwa kong dati ay umaabot lang ng tatlong oras o apat na oras lang ang itinatagal ko sa laban ng walang pahinga ,ngayon naman ay umaabot na ng sampong oras.

Katulad kanina ay muli ko nanamang binalot ng kidlat ang aking kamay at agad na lumusob sa kanya.bago pa man lumapat ang aking kamao sa kanyang mukha ay agad na siyang naka iwas at agad akong sinipa sa likod na aking ikinabalibag.

Masakit man ang aking katawan pero agad rin naman akong tumayo. Bago pa man siya makalapit sa akin ay inabahan ko na agad siya ng isang suntok na tumama sa kanyang pisngi na agad niya ring ibinalik sa akin.

Haring Wyatt P.O.V

*arghhh*- daing ko nga maramdaman ang muling paglapat ng latigo na nababalutan ng itim na kapangyarihan.

'Ta-tama na, pakiusap'- umiiyak namang sambit ng aking asawa habang nagaalalang nakatingin sa amin.

'Ito ang tatandaan ninyo, Sa oras na mahuli ko pa kayong tumatakas ay papatayin ko na kayo'- galit na sambit ng hari ng mga dark user at pabalibag akong binitawan saka umalis ng aming kulungan.

Agad namang lumapit sa akin ang aking asawa ng bitawan siya ng mga dark user at dahan dahan akong inalalayan.

'so-sorry hon kong h-hindi kita natulungan'- umiiyak niyang sambit habang marahang hinahaplos ang aking mukha na punong puno ng sugat.

'A-ayos lang ako*smile*'- pilit kong sambit saka marahang pinunasan ang kanyang luha. Kaya kong tiisin ang mga parusa sa akin ng hari ng mga dark user pero hindi ang makitang umiiyak ang asawa ko, pakiramdam ko ay wala akong kwentang asawa.

'Halos hindi na nga kita makilala dahil sa nga sugat mo tapos sasabihin mong ayos lang'- masungit niyang sambit na ikinangiti ko. Mabuti naman ay tumigil na siya sa pag iyak

Halos isang buwan na rin simula ng makuha kami ng mga dark user at ikinulong sa madilim na lugar sa ilalim ng kanilang palasyo kaya naman naisipan naming tumakas ng asawa ko kaya lang bago pa man kami maka alis ay nahuli na kami ng hari ng mga dark user. Pasalamat na lang ako at ako lang ang pinarusahan at hindi na dinamay pa ang asawa ko.

Hindi lang kami ang nakakulong dito sa ilalim ng palasyo ng mga dark user, marami kaming nakakulong ngayon dito pero wala paring kaalam alam ang mga magic user dahil sa bawat kinukuha nilang magic user ay pinapalitan naman agad ng dark user.

'Ano nang gagawin natin'- tanong nang asawa ko ng mahimasmasan siya.

'Gagawa ako ng paraan para makatakas tayo'- seryoso ko namang sagot na ikinatingin sa akin ng asawa ko.

'Alam mo naman ang nangyari sayo diba ng magtangka tayong tumakas. baka talagang patayin ka na niya'- nag aalalang sagoy ng asawa ko .

'Kahit na delekado ay kailangan parin nating subukan, kailang tayo ng ating kaharian'- sambit ko na sinagot niya naman ng simpleng tango.

'Magtiwala ka lang sa akin at makaka alis tayo rito'- malambing kong sambit habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.

'May tiwala ako sayo'- sagot niya nama na ikina ngiti ko.

Someone P.O.V

'Anong balita?'- malamig sa tanong ng taong nasa harap ko na ikinataas ng mga balahibo ko.

'T-tulad po na utos niyo ay pinapunta po namin sa academy ang ibang dark user kasama ang ibang halimaw, upang magsilbing babala'- kinakabahan kong balita at sinisigurado kong wala akong masasabing mali sa bawat salitang binibitawan ko dahil isang pagkakmali lang ay buhay ko na ang katumbas

'Magaling kong ganon *evil smirk* pwede ka nang umalis'- nakangisi niyang sambit.

'Masusunod po Lord Lairux'- magalang kong sambit saka dali daling naglakad paalis.

Lairux P.O.V ( hari ng mga dark user)

Hindi ko maiwasang mapangisi ng umaayon ang lahat sa aking plano, hindi magtatagal at babagsak rin ang mga magic user at ako na ang mamumuno sa buong magic world.

Sa tagal nang aking paghihintay sa wakas ay matutupad na rin ang aking pangarap na pagsakop sa buong magic world at sinisigurado kong wala na saking makakapigil pa.

Third person P.O.V

Isang kalumo lumong sitwasyon ang makikita sa academy ng matapos ang pag atake ng mga dark user. Maraming sugatan at may iilan ding namatay, nasira din ang ibang parte ng academy kaya naman hindi maiwasang mapaluha ng mga estudyante habang pinagmamasdan ang wasak nilang paaralan.

Oras lamang ang tinagal ng pag atake pero malaking pinsala ang iniwan nito ngunit sa kabila nito ay kita parin ang pag asa sa mata ng bawat isa

Sa isang banda naman ay abala ang mga dark elites sa kani kanilang pag eensayo upang mas mapalakas ang kanilang sarili, lalo na si sophia na halos wala nang pahinga sa pagsasanay na ikinahanga no val. Sa ilang araw na pag eensayo ng mga elites ay kitang kita ang mga pagbabago sa kanila, hindi lang sa lakas kundi maging sa emosyon.

________________________________________


Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon