chapter 56

15.2K 393 17
                                    

Sophia P.O.V

'Mahal na prinsesa'- mahinhing sambit ng isang magandang babae sa harap ko.

'Sino ka?'- malamig kong tanong, hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin lalo nat hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

'mag iingat ka palagi mahal na prinsesa, sana ay malagpasan mo ang mga kakaharapin mong problema'- sambit niya at hindi man lang pinansin ang aking tanong.

Magsasalita pa sana ako ng unti unti na kong lamunin ng kadiliman.

'Nandito lang kami sa iyong tabi para gabayan ka' narinig kong sambit niya bago pa man ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

Hinihingal akong napabangon sa aking kama at nang tignan ko ang orasan ay ala una pa lang ng madaling araw.

*soft growls*- Sep

Napangiti na lang ako kay sep ng lumapit ito sa akin at naglambing.

'Nagising ba kita'- sambit ko habang hinahaplos ang kanyang balahibo na sinagot niya naman ng iling na tila naiintindihan ako.

Dahil sa nawala na ang antok ko ay napagpadyahan kong maglakad lakad na lang muna. Alam kong bawal kaming lumabas pero masyadong nakakabagot ang magmokmok dito.

'gusto mo bang sumama sa akin sa labas?'- tanong ko kay sep na sinagot niya naman ng tango.

Tahimik akong lumabas habang akay akay si Sep. Pagkarating ko sa hallway ay bumungad agad sa akin ang madilim at tahimik na hallway.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta kaya hinayaan ko na lang ang aking paa sa dalhin ako kong saan.

Papaliko na ako papunta sa kabilang building ng makarinig ako ng ingay na nangagaling sa likod ng academy. Kong wala siguro akong kapangyarihang marinig ang kahit na gaano kaliit na ingay ay hindi ko yon maririnig dahil sa masyado itong malayo sa kinaroroonan ko.

Agad akong tumakbo patungo sa likod ng academy at ng makarating ako ay wala akong nakitang tao kaya naman mas tinalasan ko pa ang aking pandinig. Nang malaman ko ang kinaroroonan nito ay agad na kong tumakbo papasok sa mini forest na matatagpuan dito sa likod ng academy.

Maingat ang bawat galaw ko habang papalapit sa ingay na naririnig ko, halos masuka ako ng makita kong saan nanggaling ang ingay na naririnig ko kalat kalat na dugo at laman.

Nakita ko ang lalagpas sa benting Carevor(gawa gawa ko lang po yan), isang uri ng halimaw na kumakain ng laman at lamang loob ng magic user, nakakapag biktima sila sa pamamagitan ng pag hypnotismo ng magic user gamit ang tinig nila. Kitang kita ko kong paano nila kainin ang tatlong estudyante na halos hindi na ngayon makilala dahil sa pagkain nila ng laman nito.

Bago ako lumusob ay pansamantala ko munang inalis ang aking pandinig para na rin maiwasan ang aking pagkahypnotismo. Ibinaba ko muna si Sep sa isang tabi at agad na lumusob.

Nagpalabas ako ng espada at agad na sinaksak ang pinakamalapit sa akin.

Nakita kong (wala po siyang naririnig kaya nakita lang) umungol ang Carevor na sinaksak ko na ikinalingon ng mga kasama niya sa deriksyon ko. Nanlilisik ang kanilang mata habang nakatingin sa akin at sabay sabay na lumapit sa akin. Mabilis ang galaw ng mga carevor kaya naman medyo na hihirapan ako sa pakikipag laban.

Bawat lumapit sa akin ay agad kong sinasaksak sa puso o kaya naman ay pinupugotan ng ulo na ikinamamatay nila.

'Shit'- tanging naisambit ko ng makalmot ako ng isang carevor sa aking likod, mahahaba at matatalim ang kuko ng mga carevor kaya alam kong malalim ang natamo kong sugat sa likod. Dahil sa nawala ang attention ko sa mga kalaban ko ay hindi ko napansin ang isa pang carevor na lumapit sa akin at naramdaman ko na lang ang sakit hatid na pagkakakagat ng carevor sa aking hita na ikinatumba ko.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon